Napakaraming mga Pilipino ang naninirahan sa mas maliit pa sa P50 araw-araw. Milyon rin ang nangangailangan na mga bahay. Marami ang natutulog sa kalye at nakikitira sa lupa ng may lupa. Maraming mga manggagawa ay naghahanap nagtrabaho sa ibang bansa para lang kumita ng mas malaki. Sa bawat nars at duktor na mayroon sa Pilipinas katumbas nito ay mahigit pa sa 15,000 na pasyente. Sa bawat sampung estudyanteng papasok sa Grade 1, dalawa lang sa kanila ang makapagtatapos ng kolehiyo. Napakaraming paraan na makikita ang kahirapan sa Pilipinas. At ang lungkot isipin na ang daming naghihirap sa atin.
Buti na lang at may mga taong nag-iisip ng mga paraan upang kahit papaano ay makatulong sila sa mga mamamayang Pilipino. Nakakatuwa na hindi lang nila inaasa sa gobyerno ang pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao. At ito talaga ang nararapat gawin. Tama lang na tayo rin ang magtulungan magtulungan para sa ikauunlad ng kapwa natin. Kung ang gobyerno ay hindi magawa ang kanyang trabaho na maasikaso ang bansa, kailangan nating tumulong. Hindi dapat na sisihin lang natin ang mga ipinwesto natin datapwat ay kumilos tayo dahil kaya natin.
Nariyan ang Gawad Kalinga na nagbibigay pabahay sa mga wala. Nandyan din ang Knowledge Channel na umiintindi sa pamamaraan ng pag-aaral, pag-uunawa ng mga bata sa mga paaralan. Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagtulong. Pero ang pinakanakatuwaan ko ay ang pagnood sa isang video noong isang araw tungkol sa Hapinoy. Ito raw ay isang microfinancing business na tumutulong sa ating mga nanay sa iba’t-ibang mga probinsya. Ang mga NGO ay naghanap ng mga magpapautang sa ating mga nanay para sila ay makapagtayo ng munting sari-sari stores. Ang mga NGO rin ay ang naghanap kung sino ang maaaring maging kasosyo n gating mga nanay. Sa pagtulong na ginawa ng Hapinoy, maraming mga nanay ang natutong tumayo sa sarili nilang mga paa at unti-unting umuunlad ang kanilang pamumuhay. Sa ganitong paraan, liliit ang bilang ng pinakamahirap at marami ang aangat sa panggitnang klase ng ating lipunan.
Kaya natung ang pagbabago. Tayo ay maging katulong sa pagbabagong ikauunlad ng Pilipinas.