Title: NESEYE NE ENG LEHET
Pairing: Chanyeol/Baekhyun , mentions of Sehun/Luhan
Genre: Crack, Romance, Fluff
Summary: Baekhyun is a 1st year Physical Therapy student who is head-over-heels for 2nd year Physical Therapy heartthrob Chanyeol who loves pussies.
Note: Tagalog AU!
"Okay class our cat dissection would be next week and you’re gonna work in pairs so let’s start of with…”
Walang kamalaymalay si Baekhyun sa mga nagaganap sa Zoology class ni Prof. Junmyeon, dahil wala naman talaga siyang pakelam sa kahit na anong dinadakdak ng gwapong guro dahil una sa lahat, wala siyang interes sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa Science ((kahit na Physical Therapy pa ang course niya)), at pangalawa, busybusyhan ang peg ng lolo nyo sa pagtitig at pagpapantasya sa kanyang love of his life, ang 2nd year PT student na nagrepeat ng Zoology dahil bumagsak nung 1st year , si Chanyeol Padilla.
Kung tutuusin ay naging pinakapaboritong subject ni Baekhyun ang Zoology sa kadahilanang dito niya lang nakikita nang malapitan at nalalanghap ang napakabangong amoy ni Chanyeol.
Memorize na nga ng utak niya ang amoy ni Chanyeol .
Amoy Chocolate. Yung Ferrero Rocher. Yummy.
Nagpapasalamat si Baekhyun sa Poong Maykapal dahil hindi biniyayaan ng talino si Chanyeol sa Science ((tulad niya kaya plus points yon sa pagiging SOULMATES nila)) kundi ay di niya makikilala si SUPER HOTTIE MEDYO BADBOY PAPALICIOUS CHANYEOL PADILLA.
“Hoy Baek, tumutulo laway mo” sabi ng kanyang bespren na si Luhan.
“Pinagpapantasyahan mo na naman si Habemus Papa Chanyeol noh?”
“EXCUSE YOU LULU SINO KA PARA TAWAGIN SYANG “PAPA”? FOR YOUR INFORMATION, SA AKIN LANG SYA KAYA MAGHANAP KA NG SARILI MONG PAPA BAKLA!” nagngangalit na sagot ni Baekhyun. ((Pasalamat sila sa sobrang pagkabingi ni Prof. Junmyeon at di sila naririnig nito))
“Oo na gurl sayong sayo na yang Chanyeol na yan, may Papa Sehun naman ako eh” depensa ni Luhan.
“As if naman papatulan ka non noh, eh playboy of the year kaya yang pinapapapapa mo dyan”
“Ewan ko sayo Baekkie, basta ako, yayayain ko na si Papa Sehun maging date sa PT Night, eh ikaw? Hanggang paglalaway ka na lang ba dyan sa “love of your life” mo?”
AY SHET. MALAPIT NA NGA PALA PT NIGHT.
KELANGAN NGA PALA NG DATE. TANGINA PANO KO YAYAYAIN SI CHANYEOL KO.
Hindi na nakasagot si Baekhyun sa tanong ng kaibigan dahil lumipad na naman ang utak niya kung pano nya yayayain si Chanyeol na maging date sa PT Night. Hanggang sa……
“And last but not the least, Chanyeol Padilla and Baekhyun Bernardo”
PUTANGINA
TAMA BA YUNG RINIG KO
CHANYEOL PADILLA AND BAEKHYUN BERNARDO
SHET
PT COUPLE OF THE YEAR AWARD NA BA TO
MAHABAGING BATHALA ALAM KO PONG NAGING MAKASALANAN AKONG NILALANG PERO PINAGSISISIHAN KO NA PO LAHAT NANG YON SALAMAT PO SA BIYAYANG ITO HINDI KO PO ITO MAKAKALI-
Natigil ang pagmomoment ni Baekhyun nang bigla siyang kurutin sa singit ((hindi sa ano ha ibang singit yang iniisip niyo masyado kayong green)) ng kanyang kilikili ni Luhan. Buti na lamang ay napigilan niyang tumili nang malakas.
“Baekhyun Bernardo, are you with us?” sabi ni Prof. Junmyeon.
“S-sir? Ano po yon?”
“Excuse me Mr. Eyeliner, ang sabi ko kapartner mo si Chanyeol Padilla sa cat dissection next week okay” sagot ni Prof. Junmyeon.
FUCK.
CHANYEOL PADILLA.
PARTNER.
CAT DISSECTION.
NEXT WEEK.
“Shet” sambit ni Baekhyun sa sarili.
“Ano yon Mr.Eyeliner? May sinasabi ka ba dyan?” tanong ni Prof. Jumyeon
“Wa-wala po sir”
“Okay let’s continue with our discussion of the kingdom chorva chorva chorva….”
Napatingin si Baekhyun kay Chanyeol pagkatapos ng isang minutong kahihiyan niya sa klase. Hindi niya inaasahan na nakatingin din pala sa kanya si SUPER HOTTIE MEDYO BADBOY PAPALICIOUS CHANYEOL sabay kumindat ito sa kanya.
OMFG
EYE CONTACT
PUTA
KININDATAN AKO
SHET
HOLYNESS
MAMAMATAY NA ATA AKO
TANGINA DI PA PWEDE DI PA NAGIGING KAMI NI CHANYEOL
DI KO PA NAHAHALIKAN YUNG PERFECT PLUMP LIPS NYA
DI KO PA NAHAHAWAKAN YUNG ABS NYA
DI KO PA NAPOPROVE KUNG TAMA YUNG THEORY KO NA MALAKI YUNG DI-
“Uhhhm… excuse me you're Baekhyun right?”
Tumigil ang mundo ni Baekhyun nang marinig nya ang super sexy and eargasmic deep voice na tinatawag ang napakaganda nyang pangalan. Tsaka nya lang narealize na tapos na pala ang klase at ang kanyang one and only pala ang nagsasalita sa harap nya.
“Ahhh… Oo a-ako nga yon” nauutal na sagot ni Baekhyun.
“So next week ah?”
NEXT WEEK?
ANO TO
NIYAYAYA NA BA KO NI CHANYEOL NA MAGING DATE NYA SA PT NIGHT
PUTANGINA LIFE
“A-anong meron next week?”
“Yung cat dissection, you know” sagot ni Chanyeol.
OH SHOOT.
“Ahhh yu-yun ba, oo nga noh he-he” kabadong sabi ni Baekhyun.
“Sige ah, see you next week”, ani Chanyeol sabay kindat at labas ng classroom.
TUMIGAS
TUMIGAS NANG SOBRA
TUMIGAS NANG SOBRA ANG BUONG KATAWAN
TUMIGAS NANG SOBRA ANG BUONG KATAWAN NI BAEKHYUN MATAPOS ANG HIMALANG NANGYARI.
Sa loob ng tatlong buwang pagpapantasya nya ay sa wakas nagkaroon na sila ng “interaction” ng kanyang love of his life.
Buong araw nakangiti si Baekhyun habang pinapaulit-ulit sa kanyang utak ang binitawang “see you next week” sa kanya ni SUPER HOTTIE MEDYO BADBOY PAPALICIOUS CHANYEOL.
THIS IS IT.
THIS IS REALLY IS IT.
THIS IS IT PANCIT.
LET’S GO EYELINER.
ETO NA ANG ARAW NA PINAKAHIHINTAY NI BAEKHYUN.
ANG ARAW NG PAG-IISA CAT DISSECTION NILA NI CHANYEOL.
Hindi nakatulog si Baekhyun kagabi sa sobrang kaba at takot dahil una sa lahat, isa ang cat dissection sa pinakainiiwasang parte ni Baekhyun sa course nya.
EEEWWWNEEESSS LANG TALAGA, AS IN CAPITAL E-W-N-E-S-S.
Pero kailangan nyang magpa-impress kay Chanyeol kaya kailangan din nyang maging matapang sa harap ni prince charming. NO CHOICE ANG LOLO NYO.
Pangalawa, iniisip na rin ni Baekhyun na gawin itong pagkakataon upang yayayain na si Chanyeol para maging date sa PT Night. Sa darating na Sabado na kasi ang nasabing event, which is 2 days from now. Nangako si Baekhyun sa kanyang sarili na hahanap siya ng tiyempo ngayong araw para yayayain na si Chanyeol sa PT Night.
AS IN NGAYONG ARAW NA. IT’S NOW OR NEVER ANG PEG. IKA NGA NI JUSTIN BIEBER, NEVER SAY NEVER. EEEWW BAT BIGLANG MAY JUSTIN BIEBER DITO. GTFO.
“Baekhyun, okay ka lang?”
“Hmmmmppppfffffff”
“Baekhyun?”
“Chanhmmmpppffffff”
“Ahhh Baek tatanggalin ko muna ah?”
“Sige Chanhmmmpppfffff”
“Ayan Baekhyun sa wakas” sambit ni Chanyeol pagkatapos tanggalin ang surgical mask ni Baekhyun na muntikan na nyang ikasuffocate ((ANSAVEH NG SUFFOCATE)).
“Sa-sa-lamat Cha-chanyeol” nahihingal na sagot ni Baekhyun.
Sa awa ng Diyos ay hindi pa naman hinihimatay si Baekhyun kahit na isang oras na silang nagdidissect ng pusa. Masukasuka na nga ang lolo nyo pero deadmatology lang because it’s all for his Habemus Papa Chanyeol. THE THINGS BAEKHYUN WOULD DO FOR LOVE
CHAROT.
After 10 years, sa wakas ay natapos na nila ang cat dissection. Dalidaling nagsilayas ang mga deputang estudyante na sabik na sabik makawala sa kalunoslunos na amoy ng formalin, habang naiwan sila Chanyeol at Baekhyun na naglilinis ng science lab.
Lingid sa kanilang kaalaman na pinagkaisahan na sila nila Sehun at Luhan ((na kinuntsaba ni Chanyeol)) at nilock ang pintuan ng science lab. ((Salamat sa panglalandi ni Sehun kay Prof. Junmyeon))
“Shit” sambit ni Chanyeol ((na sa kaloob-looban ay natutuwa na)).
“A-ano yon Chanyeol?” tanong ni Baekhyun.
“Mukhang nalock na ata tong pintuan ng lab”
“Pano na tayo makakalabas dito?”
“Baka bukas na tayo makalabas dito Baek”
PUTA
BUKAS
SO MAGKASAMA KAMI NI CHANYEOL BUONG MAGDAMAG
HOLY FUCK
AKO TSAKA SI CHANYEOL. MAGKASAMA. KAMING DALAWA LANG. BUONG MAGDAMAG.
BALLS CANNOT CALM
SASABOG NA
SASABOG NA SI BAEKHYUN
SASABOG NA SI BAEKHYUN SA SOBRANG KABA, TAKOT AT EXCITEMENT SA BILIS NG MGA PANGYAYARI.
BIRUIN MO YON MAKAKAJACKPOT AGAD SIYA.
HE'S FEELING SEXY, FREE AND SINGLE (MAYBE NOT ANYMORE AFTER THIS) AND READY TO BINGO.
Hindi maiwasan ni Baekhyun na mag-isip ng mga di pambatang mga eksena sa sitwasyon nila ni Chanyeol ngayon.
RATED SPG. STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG AY KAILANGAN. MAAARING MAY MASESELANG TEMA, LENGGWAHE, KARAHASAN (BDSM?!?) SEKSUAL, SEKSUAL AT PURO SEKSUAL.
Ika nga ng isang kasabihan, “when it rains, it pours”. Kaya naman nagpatuloy ang kamalasan kunwari ni Baekhyun nang biglang namatay ang ilaw at kuryente. Sa sobrang takot ni Baekhyun ay napatalon siya at napakapit nang mahigpit kay Chanyeol. Hindi nya napansin na nangiti si Chanyeol sa biglaang galaw ni Baekhyun.
“Cha-chanyeol natatakot ako” naluluhang sabi ni Baekhyun.
“Shhh.. wag kang matakot Baek, nandito ako, hindi kita pababayaan” sagot ni Chanyeol sabay yakap kay Baekhyun.
SHEMAY
ERMAHGERD
IS THIS REALLY HAPPENING
PANTASYA KO NA NAMAN BA TO
CHANYEOL PADILLA YAKAP YAKAP SI BAEKHYUN BERNARDO
SHUTANGINABELLS
SKIN TO SKIN CONTACT
KILIG TO THE BONE MARROWS AND CELLS.
Biglang naaware si Baekhyun sa “sudden intimate closeness” nila ni Chanyeol kaya kahit ayaw nyang bumitaw sa yakap ni Chanyeol ay bigla itong napalayo.
“Ah-ah so-sorry Chanyeol di ko sinasadyang-“
“Shhh… okay lang Baek” ani Chanyeol habang nakalapat ang hintuturo sa labi ni Baekhyun.
Napatanga si Baekhyun sa eksenang nangyayari ngayon sa kanyang harapan. Mabuti na lang at madilim nung mga panahong iyon dahil kung hindi ay lutang na lutang ang namumulang kamatis nyang mukha.
AWKWARD SILENCE.
Naisip ni Baekhyun na samantalahin na ang pagkakataong iyon para yayayain si Chanyeol sa PT Night.
IT’S NOW OR NEVER NA NGA DI BA.
“Ahh-ahh Chan-chanyeol pwede ba magtanong?”
“Ano yon Baekhyun?”
“Me-me-mer-meron ka na bang date sa PT Night?”
ONE
TWO
THREE
FOUR
FIVE
SHET
TAE KA BAEK
ANONG GINAWA MO
BAT DI PA SYA SUMASAGOT
PUTA
BAKA ISIPIN NYA NAPAKA-CREEPY MO
TANGINA
LASLAS NA DRE
PAKAMATAY NA FRIEND
Napili nang basagin ni Baekhyun ang katahimikan sa sobrang kahihiyan na rin sa sarili.
“Ahh ka-kalimutan mo na lang yung tinanong ko sayo Chanyeol he-he” nanginginig na sabi ni Baekhyun.
“Meron na Baek” biglang sagot ni Chanyeol.
“Me-meron? Me-me-meron ka nang date sa PT Night?” tanong ni Baekhyun.
“Meron na sana. Kung papayag siya” ani Chanyeol.
“Si-sino?”
Hinanda na ni Baekhyun ang kanyang sarili. Alam nyang kailangan nyang tanggapin ang mapait na katotohonan na kahit kailan ay hindi sya magugustuhan ng kanyang pinakamamahal.
KAHIT MASAKIT. KAHIT SOBRANG SAKIT.
Nakababa ang ulo ni Baekhyun habang nakatingin sa sahig dahil pinipigil nya ang kanyang mga luha. Ayaw nyang makita syang umiiyak ni Chanyeol.
Ayaw nyang magmukhang talunan at mahina sa harapan ng kanyang pinakamamahal, kung ito man ang kahulihulihang pagkakataon nilang magkasama nang silang dalawa lang.
Nagulat si Baekhyun nang biglang makita ang isang nameplate na hawak hawak ni Chanyeol.
“Sa kanya to” biglaang sambit ni Chanyeol.
“Sa-sa kanya?” namamalat na tanong ni Baekhyun.
“Oo. Sa date ko sana sa PT Night” sagot ni Chanyeol.
Pinunas ni Baekhyun ang nagbabadyang luha sa kanyang mata upang makita nang maayos ang nameplate.
BAEKHYUN BERNARDO
SHUCKS.
ANO TONG KABALBALAN NA TO
PINAGLALARUAN BA KO NG TADHANA
MAY IBA PANG BAEKHYUN BERNARDO SA PT?
PUTANGINA LANG.
“B-baekhyun Be-bernardo?”
Natulala si Baekhyun nang biglang lumapit sa kanya si Chanyeol at hinawakan ang kanyang kamay.
“Oo. Baekhyun Bernardo. Ikaw ang gusto kong maging date sa PT Night.”
HOLY FUCK.
FIREWORKS EVERYWHERE.
BABY YOU’RE A FIREWORK.
PUPUTOK NA.
PUPUTOK NA SI BAEKHYUN.
PUPUTOK NA ANG PUSO NI BAEKHYUN SA SOBRANG TUWA AT KILIG NA KANYANG NADARAMA SA MGA PANAHONG IYON.
Palapit na nang palapit ang mukha nila ni Chanyeol sa isa’t-isa.
THIS IS IT.
THIS IS IT PANCIT.
THIS IS REALLY IS IT.
KISS ME BABYYYY
“Meow meow”
“AHHHHH!!!!”
Napasigaw nang malakas si Baekhyun nang marinig ang tunog ng pusa dahil naalala nyang meron nga palang mga pusa sa loob ng lab.
MGA PATAY NA PUSA LANG NAMAN.
Tawa nang tawa si Chanyeol habang pumapalakpak na parang timang pagkatapos ng makabasag bintanang sigaw ni Baekhyun.
“Anong tinatawatawa mo dyan?” sambit ni Baekhyun habang sya ay naka-pout.
“ANG CUTE MO EH” sagot ni Chanyeol sabay pisil sa cheeks ni Baekhyun.
“Hindi ka ba natatakot mamaya biglang tumayo yung mga pusa tas kagatin tayo?”
“Ano ka ba Baekhyun. Hindi totoong pusa yung narinig mo noh. RINGTONE KO LANG YON” paglilinaw ni Chanyeol habang pinipigil ang tawa.
“Nakakainis ka Chanyeol!” malanding sabi ni Baekhyun habang hinahampas si Chanyeol.
Wala nang pinalagpas pang sandali si Chanyeol at dalidaling hinalikan ang magandang labi ni Baekhyun.
Iyon na ang pinakamasayang moment sa buhay ni Baekhyun.
Sa wakas.
After three months ng pagpapantasya kay Chanyeol ay naging totoo na rin lahat ng kanyang pantasya.
Sa wakas ay pwedeng pwede na nyang ipagsigawan sa buong mundo na “sa kanya” na talaga ang kanyang love of his life.
Tsaka nya lang naalala na matagal na nga pa lang nawawala ang kanyang nameplate. Yun pala, tinatago lang ito ng kanyang prince charming.
“Chanyeol?”
“Ano yon Baby ko?”
“Pwedeng ibluetooth mo saken yung ringtone mo?”
“Bakit naman?”
“Gagawin ko sanang ringtone ko eh. Para parehas tayo.”
“AWWW ANG SWEET NAMAN NG BABY BAEK KO, IPAGPAPALIT PA NYA YUNG SNSD RINGTONE NYA PARA SA RINGTONE KO” pacute na sabi ni Chanyeol.
"PA-PANO MO NALAMANG SNSD YUNG RINGTONE KO?!?!"
Gusto nang magpalamon ni Baekhyun sa lupa dahil sa kahihiyan. Hindi nya lubos maisip kung pano nalaman ni Chanyeol ang bagay na yon dahil laging naka-silent ang cellphone nya pag sya'y nasa unibersidad.
Hindi na sinagot ni Chanyeol ang tanong at sinamantala na ang pagkakataon upang muling halikan ang matamis na labi ni Baekhyun.
"Cha-chanyeol, bakit mo ko nagustuhan?"
"Nagustuhan kita Baek kase.........
......NESEYE NE ENG LEHET"