finally, magaling na yung sugat ko at kailangan na lang alagaan ng sebo de macho para mawala yung peklat. buti na lang mahaba ang mga wedding gown kaya hindi makikita ng mga bisita ni antonio yung peklat na ginawa nung azucenang yun.
magfu-food tasting daw kami sa sabado at linggo. biruin mo sa mga class palang kasalan may food tasting pa! yun yung susubukan mong kainin yung mga pagkain na dapat nasa menyu ng reception niyo... tapos mamimili ka kung ano'ng gusto mong ipalamon sa mga bisita. hay, isabel ramos... DI KA NA TALAGA MA-REACH! :))))))))))))
kaya lang... nami-miss ko si jhun swithart ko. :( ilang araw na akong namamalengke pero di ko siya nakikita sa toda. alam kong iniiwasan ko siya, dahil ayoko ng madramang comfortation, pero tinatanaw ko yung toda paminsan-minsan at di ko siya nakikita. ano na kayang nangyari sa kanya? :( nakahanap na kaya siya ng iba?
~~~~~
uyyyyyyyyyy, si gonzalez pala ay isang reporter na ngayon sa shobis! mataray! paano ka naging reporter eh diba dati utal ka? naaaaaaaaaks! talagang tama sila with the saying goes na "the only thing constant in the world is chance" noh? di makikita na kita sa tv niyan?
pero alam mo bagay sa iyo maging komedyante. kasi naaalala ko pa hanggang ngayon kung paano ako tumawa nung makita kitang nagtatakbo at nagtitili nung tumalon yung palaka galing sa bag mo. HAHAHAAHAHAHAHA!
oo nga pala... get well soon, flores. tsk. hindi ka kasi nag-iingat, ayan naisahan ka siguro ng mga kliyente mong hapones!
uy kung matsugi ka (may AIDS ka ba?), pamana mo sa akin yung boypren mong singkit ah. mukhang masarap siya eh. ~♥ pero sana hindi mo siya hinawaan ng sakit mo ah. gusto ko pang mabuhay nang matagal kasama siya. HAHAHAHAHA!!! peace tayo, flores!!!
love,
chacha ♥ ♥ ♥