Pasaway Kong Puso (Prologue and Cuts)

May 04, 2010 11:28

The rest of this post is in Tagalog-English. But mostly Tagalog. Just posting the cut sections of my latest Philippine romance novella, Pasaway Kong Puso.


◙ Prologue ◙
ISANG TAGPO, halos dalawang taon na rin ang nakalilipas.
Tanda niyang malakas ang ulan noong gabing nakipag-break siya kay Chito. Napakalakas. Nakakalunod. Lubhang mapanuya rin, lalo na’t nagkataong ‘Chito’ rin ang ipinangalan ng PAG-ASA sa bagyong siyang sumasalanta noon sa malaking bahagi ng Luzon, kasama ang NCR at mga karatig-probinsya. Kakatwang tadhana.
Signal #1 sa Metro Manila. Maaaring itaas pa sa #2 bukas ng umaga. Dahil na-stranded sa domestic airport sa Ilocos si Ate Yesha, ang boss at head designer nila sa DC noong mga araw na iyon, na-postpone pa until tomorrow afternoon ang meeting nila ukol sa summer collection next year.
Blessing in disguise na rin ito para sa kanya, or so Louisa had thought nang makababa sa elevator ng kanilang office building at exactly 6:10 p.m. For one, may oras pa siya ngayong gabi na gumawa ng last-minute adjustments sa ‘lace’ detail ng belt at scarf accessories na ipi-prisinta nila sana today. Medyo minadali kasi para umabot sa presentation deadline; hindi siya 100% satisfied sa resulta.
For another, makaka-sipot siya sa date nila ni Chito. Dear, sweet Chito, ang kanyang steady boyfriend of six months, who had looked so disappointed nang ipa-alam ni Louisa ritong may evening bull session pa siya sa trabaho. Chito the hunky computer geek, na IT specialist sa isang advertising firm.
Chito, the miserable cheater.
There he was sa iniriserba nitong booth sa Club Mango, kasa-kasama ang ilang co-workers nito. And it wasn’t a for-the-boys-only gathering, oh no. Louisa had spotted at least four girls drinking it up with them, including Nellie.
Ang supposed ex-girlfriend nitong si Nellie.
Nellie, who had her arms wrapped around Chito, habang ang damuho-that lying bastard!-ay siniil ng halik ang leeg at gilid ng teynga nito.
Lolokohin pa sana ni Louisa ang sarili, kukumbinsihing hindi maaaring si Chito ang nakita niya. Baka kamukha lang… O baka may kakambal din ito, gaya niya? Ngunit tinawag ang pangalan nito ng isa sa mga kasama nito sa booth.
Wala nang duda, si Chito nga iyon. And far from looking disappointed na hindi nakapunta si Louisa, he had looked extremely pleased; bumunghalit pa nga ng tawa nang i-tanong ng isang kabarkada-some half-Swedish guy na Mort daw ang palayaw-kung nasaan ang girlfriend nito.
“Alin?” patay-malisyang follow-up ni Chito.
“Lisa, Louisa-basta, that designer babe na pinakilala mo sa ‘min noon, pare.”
“May raket, so no-can-do,” anang tinanong. “Sa totoo nga lang, bro, masaya ako’t tumanggi siya tonight.”
“Bakit naman?”
“Because she’s boring me silly. Sure, she has a hot bod, and damn if I don’t want a piece of that ass, pero God! Sobrang pakipot! Ang baduy pa ng sense of humor!” Tumawa ulit ito. Pa-sexy na tiningnan si Nellie, na sinapok lang ito sa braso. “Not like you, hon. I always come back to you.”
And with that, walang-kiyemeng naghalikan ang dalawa in full view ng kanilang mga kaibigan.
In full view rin ni Louisa, na ultimong nanigas sa kinatatayuan.
Nakita siya ni Mort just then. “Uh oh.”
“Bro…”
Things had gone downhill from there.
Lumabas sila ng club, only the two of them. Naiwang naghihintay sa loob sina Nellie at ang mga kabarkada nito.
“Sorry,” Chito had said. Kaswal ang pagkakasabi, waring formality lang, at wala ni katiting na bahid ng hiya o pagsisisi. Ito ang tipo ng ‘sorry’ na sinasabi ng isang tao sa MRT kapag aksidenteng na-apakan ang paa ng isang kapwa-pasahero. ‘Sorry’ na pahapyaw lang, wala pang dalawang segundo. Halos hindi na nga narinig ni Louisa. Mas matagal pa ‘yung french kiss na nasaksihan niya sa pagitan nito at ng malandi nitong ex.
Ang lintik. Ang… ang walang-hiya…
For a few more seconds ay tiningnan lang niya ito, trying hard not to cry, trying hard not to raise her hand and slap him across the cheek. Hard. ‘Yung aalingawngaw hanggang Makati, kasabay ng walang-humpay na pagbuhos ng ulan.
Sa halip ay bumilang siya hanggang tatlo. Huminga nang malalim. Parang sasabog sa sakit ang dibdib niya noong mga oras na iyon, subalit nagawa pa rin ni Louisa na tumalikod, maglakad palayo.
Nakarating na siya sa kabilang kanto nang ma-realize niyang wala siyang dalang payong. Na-realize niya iyon kasunod ng realisasyon na basang-basa siya sa tubig-ulan. May sakbit siyang payong kanina, subalit naiwanan niya iyon sa club. Ngunit magpapa-sagasa siya muna sa MRT bago bumalik doon at makita si Chito.
Si Chito.
Ang tanginang bastardong si Chito.
Saka rin lang tuluyang nabatid ni Louisa na umiiyak siya, humahagulgol na parang timang sa kanto ng Robles at St. Louie’s. Wa-poise. Nakakahiya. Nasira na nga ang makeup niya sa ulan eh lalong masisira pa. Pero nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak.
I told you so, animo’y malungkot na bulong ng tinig ni Mia, ang nakakatanda sa kanilang magkambal, sa magulong paloob ng kanyang isipan. Player siya, Louie; you shouldn’t have trusted the guy.
“… Miss?”
Isang tingin pa lang-
“Miss?”
Napalingon si Louisa. Bahagyang napatingala na rin, sapagkat sukat humandusay na siya sa basang aspalto ng bangketa.
Nakatayo ilang hakbang sa may bandang likuran niya, ang lalaking tumawag sa kanya ay kagyat na lumapit. Nakapayong ito, itim, parang taga-London sa suot nitong black button-up overcoat at similarly black suit-Versace siguro, pero pwede ring Armani.
Tumingala siya. Namalikmata. Sumandaling inakalang si Chito iyon, sinundan siya upang masinsinang humingi ng tawad, magmakaawang huwag itong iwan.
But no; ang lalaking naka-itim na iyon ay ‘di hamak na mas matangkad kay Chito. Mas kayumanggi rin ang balat. Malayo sa boyish good looks ng brand-new ex-boyfriend ni Louisa, mas angular ang tabas ng mukha nito, matangos ang ilong, mala-Dingdong Dantes ang jaw at neckline. Isang Dingdong Dantes na sinumping à la Superman ang ayos ng buhok.
He certainly looked at least as handsome as the two men combined, subalit lahat naman ng lalaki ay gumagwapo kapag madilim. O kung iniilawan lamang ng mga streetlamps at headlights ng mga nagdaraang sasakyan. Maginoo ito, in any case. Walang ka-imik-imik na isinilong siya sa payong nito, tinulungan siyang tumayo. Hindi itinanong kung OK lang siya, dahil obvious nga naman na hindi.
Kukurap-kurap at ipinagdarasal na akalain nitong tubig-ulan lang ang mga luha niya, Louisa smiled up at him gratefully.
“Salamat,” she said.
He smiled back. “Walang anuman.”
Not much else was said between them after that. Pagkarating nila sa awning ng Starbucks branch sa Robles, itinanong lang nito kung gumaan-gaan na ang pakiramdam niya.
Tumango si Louisa, yes. At dahil nahiya sa tila childish na inasal niya kanina, bago pa man may sabihin o usisain pa ito sa kanya, pinangunahan na niya iyon at sinabing mag-ta-taxi na lang siya pauwi. Again, salamat sa concern.
No problem, ang itinugon naman ng binata.
Inihatid siya nito sa hintayan ng taxi sa may crossing. Magalang na tinanggihan ni Louisa ang alok na iuwi ang payong nito. Nagkawayan sila, as old friends do, pagkasakay niya sa loob ng taxi.
“Ang pogi naman ng nobyo mo, ma’am,” pa-chummy na komento ni Manong Driver-na nagkataong ‘Manang’ pala, 42 anyos na soltera at may pamangking nurse sa Saudi.
Naka-alis na sila sa Robles at binabaybay ang Buendia. In twenty minutes ay makakarating na siya sa kanyang bahay sa Villa Cereza.
“Hindi,” pagtutuwid niya, habang nagtaka kung bakit biglang nag-init ang mga pisngi niya sa ganoong obserbasyon. “Hindi ko siya, uh, boyfriend.”
“Sayang, kung gano’n,” bitiw roon ni Manang, na waring na-dismaya sa balita. “Bagay kayo.”
“Talaga lang po, ha.”
“Seryoso, ma’am!”
Naihatid na siya ni Manang sa bahay niya sa Cereza nang biglang mapagtanto ni Louisa ang tatlong bagay.
Una, tumila na ang ulan, at least sa bahaging ito ng Metro Manila. Ikalawa, matapos payungan at maka-usap ng poging estranghero na inirereto ng drayber sa kanya, ngangayon lang niya muling naalala si Chito at ang mga nangyari sa Club Mango. Sa piling ni Mr. Pogi, and later, ni Manang Driver, pawang sumandaling napawi sa kanyang isipan ang pang-ga-gago ng damuho. Indeed, hindi mo aakalain na ang nakatawang babaeng kaka-baba lamang sa taxi ay ang parehong babaeng luhaang nagmumukmok sa kanto ng Robles at St. Louie’s. Hindi mo rin aakalain na ka-be-break lang ng naturang dalaga sa boyfriend na harapang ipinahiya siya sa mga kaibigan nito.
And all because of a stranger. Isang misteryosong estrangherong sinilungan siya sa gitna ng ulan. Who, in the span of little more than an hour, had managed to comfort her like an old friend would.
Syet, Louisa would later think, na-love-at-first-sight ako kay Mr. Pogi.
Hinuha iyong magdadala sa atin sa ikatlo-at pinaka-immediate-na punto: sa maikling sandaling kasama niya ito, ni minsan ay hindi nagawang itanong ni Louisa ang pangalan ng gwapo-at maginoo-na estranghero.

Two years later
“‘SUNSHINE Cruise’?”
Dahil hindi lubos makatiyak kung tama ang pagkakarinig, marahang inulit muli ni Louisa Castillo iyon. “As in, seryoso… ‘Sunshine Cruise’?”
“Oo, ‘Sunshine Cruise’,” exasperated na singhal ni Euphemia ‘Mia’ Castillo, ang nakatatanda-by five whole minutes-sa ‘mala-diyosa-sa-kagandahang’ Castillo sisters.
The Castillo sisters who also happened to be the Castillo twins; nakaupo sa magkabilang dulo ng sopa, at bagamat magkaiba ang istilo ng buhok at pananamit, hindi malayong kumurap ang hindi sanay na mata at mapawaring nag-doble na yata ang paningin.
Ang isa ay naka-belted gingham blouse and hip-hugging pants, nakadekwatrong sukat sumandal sa kanyang kinaluluklukan: si Louisa.
Ang katapat niya ay naka-damit-pambahay at kalong-kalong ang alaga nitong Lhasa apso: si Mia. “At kung itatanong mo sa akin kung sa Bohol ‘yan, Louie, kasama si Cesar Montano,” siyang grave na babala naman nito, “ipakakagat kita rito kay Tisay. So don’t you even dare.”
Ang dalagang kilala rin sa taguring ‘Louie’ ay napangisi. “I won’t. Ang itatanong ko sana eh kung ang pangalan ng may-ari ay ‘Sheryl’ o di kaya’y ‘Tom’. Para kung sakali…”
“Palitan na lang nila ang pangalan ng kumpanya doon sa rehistro?” sarkastikong bitiw roon ni Mia. “Ha, ha, ha.”
At gaya ng nauna nang banta, initsa nito si Tisay doon sa nakababatang kapatid. Ngunit imbes na kagatin siya, dinilaan lamang ng aso ang kaliwang braso ni Louisa saka kumahol.
Samantala, nakapameywang na pinangaralan ng amo nito ang kapatid. “Bawas-bawasan mo na nga ang pagkain mo ng chichacorn, sis,” anang Mia, na bagamat ganoon ang sinabi ay halatang natatawa na rin. “Nakakabahala na ever ‘yang kakornihan mo.”
“As if naman hindi rin mahilig sa chichacorn ang ibang tao diyan…” may-kalakasang bulong sa hangin ng pinangaralan.
“Hindi na naman talaga, ah. Maka-Boy-Bawang ako.” Naghalukipkip ito. Tumikhim. Matamang tinitigan si Louisa. “Anyway, so ano na?” patuloy ni Mia, na ang pinapatungkol ng tono ay panahon na para ilipat ang paksa ng kanilang usapan sa mas importante, mas seryosong bagay. “… Interesado ka ba?”
“Saan? Sa Boy Bawang?” hindi matiis na ihirit ni Louisa.
“Sa cruise.” Sinuklian siya ng kakambal ng isang tumataginting na pitik sa ilong. “Gaga.”
Pumantig man ang nose niyang tunay, natatawa pa ring nagkibit-balikat ang dalaga. “Depende,” karaka’y tugon niya roon. “Saan ba iikot ‘yon?”


Mia’s Letter to Louisa
Louie,
If you’re reading this, then that means you’ve arrived at the hotel already. ‘Wag ka sanang mabibigla sa sasabihin ko, ha? Peace pa rin sana tayo…
I’m sorry, sis, pero hindi ako naging 100% honest sa iyo when I told you about the cruise. The truth is it isn’t Kylie I’m supposed to go with. It’s with Adrian-remember him?
It’s been something na hindi ko pa naka-clarify with you and mom, but he’s still my boyfriend. May one year na rin kaming hindi nagkikita, and this cruise was supposed to be our long-awaited rendezvous. Unfortunately, and as you know, something came up. Something big. Hindi lang photoshoot, Lou; naikuha ako ni Weng ng role sa isang teleserye sa Channel 6. Story briefing na today, then acting workshop and rehearsals this weekend. Kung magugustuhan ng mga producers ang performance ko, possible daw na maging mainstay ako doon sa soap. In other words, this could be my big break in showbiz!
Medyo late nga lang nai-relay sa akin ni Weng ang good news. Huli na para ipa-postpone ko ‘yung cruise kay Adrian. I don’t want to disappoint him… we’ve been planning this trip for months, and ako pa mismo ang pumili sa schedule na ito. But this role that’s being offered to me by MBN is too good an opportunity to pass up.
… I guess you know where this is leading to, huh? Yes, Louie, I want you to continue posing as me. For six or seven days lang naman… and para hindi maghihinakit sa akin si Adrian.
I know that this may be too much for me to ask, especially since ngayon ko lang ipinagtapat sa iyo ang lahat. I wouldn’t take it against you kung aayaw ka at uuwi na lang ng Pilipinas. But if you’d be my angel again this one time, tatanawin ko na itong utang na loob sa iyo forever and ever and ever. So please, please say yes.

P.S. Btw, kung a-agree ka, I’m (i.e. you’re) supposed to meet with Adrian this evening at six. He’s made reservations sa Velvet Room Bistro, ‘yung resto at the second floor of Sheridan Hotel. Just check with the maitre’d.
P.P.S. Seeing as you’re going as me, OK lang kung ma-late ka for forty-five minutes. Otherwise baka mag-hinala pa si Adrian na hindi ako ikaw. Echos!

Forever grateful,
Mia~♥


Adrian’s Recollection
ILANG PILING tagpo, may dalawang taon na rin ang nakakalipas. Mga alaalang pansamantalang ibinuklod sa iisang panaginip.
Two weeks later, hindi niya pa rin ito magawang kalimutan.
Sandali lamang silang nagkasama nito, true. Ni hindi rin katagalan niya itong nakausap. Subalit pawang nakatatak na yata sa diwa niya ang alaala ng mala-anghel na mukha ng babaeng iyon. Ng babaeng una niyang nakitang umiiyak sa corner ng Robles St., basang-basa, nag-iisa. Ng babaeng nagpabilis ng tibok ng kanyang puso sa ngiting iginawad nito sa kanya.
Love at first sight? Kung dati ay tinatawanan lang ni Adrian ang very notion noon, he certainly wasn’t laughing now.
No; sobrang abala siyang sipain ang sarili for not having the foresight to ask her name and-kung pwede-her number.
Without making it too obvious na malakas ang tama niya rito, kung pwede rin.
Ngayon, pagkaraan ng dalawang waring walang-katapusang linggo, all Arch. Adrian Buenaventura had were the memory of her face, her hauntingly beautiful eyes, her smile. Kung tao at hindi mga gusali ang kaya niyang iguhit, malamang ay nakagawa na siya ng isandamakmak na mga detalyadong portraits nito.
Kung kaya’t ganoon na lamang ang pagkagulat niya nang masilayan ang dambuhalang billboard ad na nakapaskil sa harapan ng SM Megamall sa Ortigas. He hit the brakes, kumambyo pakaliwa, at pahapyaw na ipinarke ang kanyang Lexus 360 sa tabi ng daan. Mananagot siya sa MMDA sa maneuver niyang iyon-and he did; bukod sa citations at fines ay ini-report din ito sa Cangjie-but no matter.
Bumaba siya sa kotse at muling tiningala ang billboard na iyon.
There she was, larger than life; dry, hindi basa sa ulan, professionally done at hindi smeared ang make-up, artfully tousled ang buhok. Nakangiting inaalok ang sambayanan ng isang mangkok ng mainit-init pang Laki Me! Sinigang na Bangus Instant Noodles.
“Siya iyon,” halos hindi-makapaniwalang bulong ni Adrian sa sarili.

“… Sure ka’ng siya nga ‘yan?” taas-kilay na itatanong sa kanya ni EJ, ang college buddy niyang copy editor ng isang ad agency sa Makati, a full day later.
Ifinorward ni Adrian dito ang isang scan ng Laki Me! ad ng babaeng nakilala niya noong bagyo. Kung commercial at print model pala ito, or so he had figured, malamang ay kilala or at least ma-tra-track-down ito ng naturang kaibigan.
“Sure na sure,” kaagad na reply niya.
“Just checking, bro. Ikaw na mismo ang nagsabing madilim noon. Maulan pa… Ano ba ang ginawa n’yo pagkatapos, anyway? Umuwi sa condo mo at ipinagluto ka ng Laki Me!?”
“Hinde; nag-Nissan-Cup na lang kami,” sarkastikong tugon ni Adrian dito. “Nag-taxi na siya pauwi. Ako naman, ogag na hindi naitanong ang pangalan niya. And that’s why ‘andito ako ngayon, handang lumuhod at magmakaawa-”
“No need,” napa-umis na pakli ni EJ. “Though you do owe me a month’s supply of Laki Me! for this favor. Yes, kilala ko ‘tong girl na ‘to. Remember Suzy, ‘yung pinsan kong primadonna? Naka-kontrata siya sa parehong modelling agency na naka-affiliate si Miss Mia Castillo,” marahang patuloy ng kaibigan, na marahang binigkas ang pangalan, with matching ‘quote’ gestures. “That’s your girl’s name, by the way. I’ve seen her myself at a party once. Pretty girl. Nice legs-”
“Yeah, I know.” Well, he didn’t know about the leg part, pero Adrian certainly agreed na pretty ang dalaga. Tumikhim siya. “The point is, EJ old buddy, I have got to see her again.”
Lalong lumawig ang amused na bungisngis ng kausap. “Hindi halata, in fairness.”

And so iyon na nga; nagkita ulit sila. Three weeks matapos ang ma-ulang gabi ng unang pagtatagpo nila. One week matapos mapag-alaman kay EJ na ‘Mia Castillo’ pala ang kanyang pangalan. Ang pinsan nitong si Suzy, na ‘gimmick friend’ pala ni Mia, ang mismong nag-arrange ng group date nila sa Taguig.
Ang unang nasabi ni Adrian sa muling pagtatagpong iyon ang pinaka-lame sa lahat ng lame na opening lines sa kasaysayan ng panliligaw. In his defense, however, he did try his darnedest to prepare for the encounter. Subalit sa sandaling makaharap na niya sa wakas ang babaeng naging obsession niya for the past few weeks, lahat ng kanyang paghahanda-smooth, suave pick-up lines included-ay pawang nangagsilaho na parang bula.
“So, y-you’re Miss Castillo, h-huh?” he greeted, more shy than star-struck, kahit pa man pang-movie-star ang porma ngayon nito.
“Call me Mia.” The girl gave him a dazzling smile. Pareho ang timbre ng boses ng dalaga sa kanyang pagkaka-alala, subalit kapansin-pansing mas polished, mas cosmopolitan ang pananalita nito. “And you’re the architect, Mr. Adrian Buenaventura, right?”
He smiled back and extended his hand. “Call me Adrian.” Nagkamayan sila, bagamat waring na-amuse si Mia na gawin iyon. And then, because Adrian couldn’t resist doing otherwise, he added, “You certainly look more beautiful from when I last saw you.”
“Uh… thanks,” sambit ng dalaga. Hindi man napawi ang ngiti, kinurapan lamang siya nito, as if hindi tiyak kung ano ang tinutukoy niya. “Though kung tungkol ito sa BLC Express Padala commercial ko, sadyang pinagmukha akong losyang do’n ha,” nakatawang dagdag ni Mia. “It’s really rather embarrassing…”
Adrian, who up until then ay hindi pa napapanood ang BLC commercial na sinabi nito, simply nodded at that point. Sa loob-loobin niya, gayunpaman, hindi niya maiwasang ma-disappoint nang kaunti. He hadn’t forgotten about her all these weeks, but apparently she had forgotten him.
Medyo dagok sa kanyang ego, but he could live with it. Besides, sobra naman sigurong magulo ang isip noon ng dalaga kaya hindi siya nito naalala o namukhaan man lamang ngayon.
But that didn’t matter. He was willing to start from scratch.

Nag-date sila. Two months later, sinagot siya nito. At kahit napa-destino siya sa Dubai by the end of that year, nanatiling magkasintahan pa rin sila ni Mia.

And the rest, as they say, was history.
Iyon nga lang, sa pagbabalik-tanaw ni Adrian sa nakaraan, at sa harap ng mga nangyari fairly recently sa kanya, waring may napuna ang binata na mali-no, hindi mali kundi isang oddity, isang kakatwang bagay-sa inilahad sa kanya ng kanyang memorya. Something he had been too quick to dismiss before, two whole years ago.
Something that came and bit him in the ass days after makauwi siya sa cruise, at mapag-alamang for three months ay in-assign siya ng Cangjie sa isang proyekto sa Pilipinas.

monica bautista, tagalog romance novels

Previous post Next post
Up