ngayo'y nababalisa
ako'y kinakabahan.
lingat sa kaalaman
ulan ay tumila na.
bakit bumubuhos pa?
mistulang parang talon
imbis na huminahon
sige lang ang pagbaha.
tunay ba ang nadarama?
obligado'y kasagutan.
oras na'y nasubukan.
labis at walang duda.
asan man ang diwa
ano man ang gawin
nais kang patawanin
iyong ngiti'y makita.
rito sa pusong aba
tiyak kaisa-isahan
ang sigaw na pangalan
kung pwede nga lang sana.