this one's in tagalog

Jun 25, 2013 18:04

I promise that one of these days I'll post a proper entry, but today is not that day. Time for some Tagalog ranting.

isang bagay na mas kinaaasaran ko kesa sa maling paggamit ng ingles ang sadyang maling paggamit ng tagalog

(pwera na lang ang mga taga-calabarzon, may sarili silang paggamit)

pero kung wala kayong probinsiya

kung lumaki kayo sa quezon city

wala akong makitang dahilan para sadyaing gamitin ng mali ang panlapi para magtunog cute atbp

sobrang asar talo ko lang? parang, pwedeng magsalita ng maayos, pwedeng wag ipilit na unlapi ang ‘ni’ sa lahat ng pagkakataon??

ibig kong sabihin kung gitlapi ang kailangan para gawing pangkasalukuyan ang takbo - tinatakbo, mahabaging langit maawa ka’t huwag mong gawing NITATAKBO

tae kumukulo ang dugo ko grabe

kinukuha, hindi nikukuha. sinasampay, hindi nisasampay. ginagamit ang ‘ni’ kapag nagsisimula sa ‘r’ ang kasunod, kadalasan pa salitang-hiram. ni-rereto. ni-rereceive. ni-reregister. atbp.

ayun lang naman. masyado kasing astig ang mga panlapi natin para sa ganyan lang. sa wari na - hinulog vs nahulog. alam mo na agad na ang laki ng pagkakaiba sa intensyon diba? yung isa sinadya, yung isa hindi. yung lugar na pinangyarihan, pinaghulugan. nagkahulugan. hinulog-hulog pag marami. pinahulog kapag may mastermind sa likod. ihuhulog kapag bukas pa. ay hinuhulog ko pa lang. may humulog pala kanina. nahulugan nga yung isa.

ang dami diba? iba’t iba pa ang ibig sabihin. huwag niyo lang sabihin sa harap ko yung NIHULOG shet purist ako at masama ang ugali

life in a nutshell, rant, philippines

Previous post Next post
Up