Another hardship have passed and another one will come.

Mar 20, 2013 00:17

As of today there is only one month until our graduation day. I've been working so hard to be in this position for four years. I've met so many different type of people and tried to communicate and socialize with them. Those people help me to become a person who is responsible for every thing I'll make. I'm thankful for them for being there for me through out everything. Specially to my teachers who were there to teach us new discovery for us students and I'm also thankful for them for guiding me in to the right path. Those teachers inspired me to study hard and to pursue my dreams.

I also have my friends who come and go. They're all different kind of people but one thing is for sure they were all became special to me.



Itong mga babaeng to, sila iyong sumalo sa akin nung iniwanan na ako nung iba. Sa kanila ako nalabas iyong kakulitan ko. At sa kanila ako natuto maging sobrang kulit at pasaway. These girls are so special to me. 'Di ko sila makakalimutan. They made a legacy on my heart. :)



Siya naman iyong babaeng sobrang ganda pero iyong paa niya nakaapak pa din sa lupa. Ito iyong babaeng kasama ko simula nung first year hanggang second year. Nagkahiwalay kami kasi nagmigrate siya sa America. Pero, still kung wala siya 'di ako iyong Rica ngayon. Kasi siya din iyong humubog ng pagkatao ko. Siya iyong andyan para ipagtanggol ako noon. At siya iyong andyan para pakinggan ako kapag may problema ako.



Power puff girls. Iyan ang tawag nila sa amin dati. Hhahaha! Sobrang pasaway nung tatlong kasama ko dyan. Sila iyong nakasama ko sa kalokohan. Sila iyong taong sobra kong daming nadama. Masaya ako kasi naging parte sila ng buhay ko. :)



Itong babaeng 'to siya iyong nag-define sa akin ng friendship. Iyong feeling na love ka nya talaga. Mahal na mahal ko 'to as in. Siya kasi iyong kalampungan ko nung second year. Kung sa lalaki tawag nila Bromance, parang ganon kaming dalawa noon. Sobrang importante sa akin nyang babaeng yan. Lagi din siyang andyan para sa akin. :) Sobrang saya ko kasi kahit anong mangyari andyan sya para sa akin at ganon din naman ako para sa kanya. (:



Si Bart. Siya iyong naging boy bestfriend ko. Kasi ba naman sobrang caring na kaibigan nyan. Kahit sobrang mapang-asar yan sobrang lambing naman niyan. :) Siya iyong lalaking sobrang sweet sa gf. Pero lagi na lang nasasaktan. Haaay! Kahit ngayon 'di na kami ganong nakakapag-usap nitong tukmol na 'to, para sa akin siya pa din ang boy bestfriend ko. :)



Pag dating ko ng third year sila iyong nakasama ko. New Generation pa nga tawag ng barkada namin e. Hahahaha! Ang weird 'di ko din alam kung bat ganon. Hahaha! Pero ako iyong tumayong nanay ng mga 'to. Tinuring ko silang parang tunay kong anak. Sa Totoo, sa kanila ako nag-enjoy. Kasi napaka-kalog ng mga 'to. Tapos sa kanila ko din nalabas iyong pagiging maL ko. Syempre sila na nakakaalam non. Sila iyong sumuporta ng pag-ibig ko sa crush ko non. Dahil sa kanila natutunan kong maging makapal ang mukha sa harap ng crush ko. At dahil din sa kaila naging friend ko si crush. :) Sobrang laking itinulong ng mga babaeng to sa buhay ko. Hanggang ngayon buo pa din kami at magkakasama hanggang sa wakas na daw. <3



Tropang Joks. 'di man kami kumpleto sa picture na ito pero sila iyong naging kasangga ko sa lahat. :) Sila iyong taong I can say na andyan for me always. As in always. In everything. Sila iyong 'ding 'di ka iiwanan. Sila iyong taong kahit sobrang gulo na ng tropa ayaw pa rin nila bumitaw kasi naniniwala sila na tunay ang pagkakaibigan namin. Sobrang dami ng pagsubok na dumaan pero hanggang ngayon ito andyan pa din sila. :) Sa kanila ako nangarap na makasama ko pa din sila hanggang pagtanda. Sa kanila ako nangarap na sana iyong mga future babies namin e maging magkakaibigan din. Sa kanila ko nadama iyong katotohanan at walang halong plastican. Sana sa pagtatapos naming ito sana matupad lahat ng mga pangarap namin. Sana magkakasama padin kami kahit na College na kami.



Si Kuya Charles Andreu R. Odulio, siya iyong isa sa malaking part ng HS Life ko. Simula sa simula I mean simula ng pagpasok ko ng New Era University hanggang sa paglabas ko ng unibersidad na ito siya iyong taong naging inspirasyon ko. :) Siya iyong lalaking super crush ko. Siya kasi iyong ideal man ko e. Pero, ni minsan sa buhay ko 'di ako umasang magugustuhan niya din ako kasi alam ko sa sarili ko kung ano lang ako. :) Ngayon, siya ay may pag-ibig na ganon din naman ako. Hahahaha. Pero, 'di parin magbabago ang nararamdaman ko sa taong ito kasi siya iyong taong kahit ang pogi pogi niya iyong parang asa kanya na nga halos lahat e pero sobrang bait niya pa din at sobrang down to earth. Kahit minsan 'di ako sinungitan nito. :) At nung nalaman niyang crush ko siya eh okay lang sa kanya. :) He stayed humble. :) Kaya saludo ako sa kanya at 'ding di ko sya makakalimutan. Nakatatak na siya sa puso ko. ♥

Sa dami ng taong naging parte ng buhay High school ko 'di ko na ata kaya sila isa-isahin pa. Iyan lang naman ang mga taong naging sobrang laki ng parte sa buhay ko. :) Sila iyong taong nandyan padin sa akin hanggang ngayon. Gusto ko magpasalamat sa lahat ng kabutihang binigay at binibigay niyo sa akin. Salamat at lagi pa din kayong andyan para sa akin. Salamat. 'Di ko kayo kakalimutan. :)

Sana sa pagtatapos nating ito e maging successful ang buhay niyo. Sana maging masaya kayo sa buhay niyo. Wag sana kayo mapahamak at gabayan kayo ng dakilang Ama. :)

I love you guys, thank you for being a part of me. ♥

life, graduation, hslife

Previous post
Up