Meron akong promise.
I will take care of this journal. Aba! Maswerte ako’t nabigyan ako ng lj account! Kaya simula ngayon, maga-update na ko palagi, kahit walang kwenta (ilang beses ko naba sinabi yan?)
Dapat gumagawa ako ng plate sa Hypermedia pero ano? Nage-lj ako. 2 consecutives days akong di pumasok dun kasi wala pa kong plate. Sabi ko sa bahay na lang ako gagawa pero wala pa rin akong ginagawa. Nyeta.
In about a month, I’ll be twenty. I’m still in denial. Ayoko ng pressure. Nyeta Nyeta. Delayed na nga ko sa school, dapat magkaron ako ng trabaho. Tumatanda na mga magulang ko at ako ang panganay. Sugarshots! Sugarshots! Crumpy! Crumpy!
Di pwede ganon lagi. Laging tumatakas. Lalaki ang interes.
And I have always been like that.
And I know someday I’ll run out of Crumpy.
And I have to be really prepared.
But I don’t want to because I refuse to think that way.
Reality sucks.
A night ago, I went to an inuman/ cook-out at Monopond.
Wala akong maalala pero alam ko sobrang saya nun. Lahat sumasayaw at naggu-group hug. (na ako ata ang nagpasimula)
After that, ping
sweatbloodtears and I went for some pares. Tinanong ko ata siya kung palagi kong nababanggit yung kuya niya nung inuman. Sabi niya oo daw. Maya’t maya. Then I went all emo and cried-oo dun sa paresan. (Exhibitionist ata talaga ko eh. Walang pinipiling lugar, coffee shop man o paresan)
Pero don’t get me wrong. I’m fine and I’m over it-really. Sinamantala lang siguro ng sistema ko na lasing ako dahil kailangan ko lang sigurong umiyak. Alam ko na tama lang na we broke up, and the day it happened, I went to a party afterwards (hindi ako uminom dahil baka umiyak lang ako), the next day went to Laguna, then went home to do my reports. PAtago-tago lang ang iyak ko. Wala eh, walang time. The next day, may pasok na. Sabi ko tama na yung kahapon. Wala akong karapatan magmukmok sa isang maikling relasyon. After class, I went to a friend’s house, sa Antipolo, para di ako magmukmok. I commended myself for the whole week that I didn’t cry and that I pulled it off like nothing happened. Hindi ako iinom para di ako iiyak. Ayus. Pero okay na talaga ako. Pinilit ko rin na wag banggitin ang pangalan niya. Ayus. E tapos biglang naginuman sa monopond. Patay. Dead on arrival. Bumigay ang lukaret, at nagkwento ng nagkwento tungkol sa kanya kay Ping. (Oy ping salamat ah! Pero baduy talaga poreber. Pwede mo na ko iblackmail, alam naman na ng lahat. hehehe.) Eto pa. Tinakasan ang gutom kaya yun, lumamon ako ng limang spanish bread, pwera beef pares big.
Pero da best talaga ang spanish bread, lasing man o hinde.
Moral of the story: harapin ang realidad. Wag takasan. Horayt? Horayt.