[ ON-AIR 02.19.09 ] Loveline with Love Guru

Feb 19, 2009 23:43


Magandang magandang magandang maganda po ako ngayong gabi mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Hahaha! Joke lang po mga tagapakinig... magandang gabi sa inyong lahat! Kamusta naman ang inyong mga puso, tumitibok pa ba, maligaya ba, o malungkot at nangangailangan ng tulong ( Read more... )

loveline, on-air, love advice

Leave a comment

Comments 30

Mula kay "Ngipin" dijayforlife February 19 2009, 15:45:22 UTC
dear love guru,

itago niyo na lamang po ako sa pangalang "Ngipin." kung naaalala niyo pa po, tumawag ako sa inyo dati upang humingi ng payo tungkol sa isang babaeng gusto ko na nililitratuhan ko nang palihim. Sinunod ko po ang payo niyo at naging malapit po kaming magkaibigan. bukod pa do'n, niyaya ko siyang maging ka-date sa isang valentine's party at pumayag siya! ang problema ay nakita niya ang mga litratong kinuha ko nang palihim. ngayo'y galit na galit na siya sa akin at ayaw na akong kausapin. tuwing lalapit ako ay nagbabanta siyang magre-report sa pulis.

ano ba ang pwede kong gawin para mawala ang galit niya sa akin. pagkatapos kong pag-isipan nang ilang araw, naiintindihan ko kung bakit siya galit, pero gusto ko talagang mawala na ang galit niya sa akin. nagkakaintindihan na kami e. >_>

Reply

Re: Mula kay "Ngipin" dijayforlife February 19 2009, 15:47:21 UTC
Magandang gabi sa iyo, Ngipin. Oo naaalala pa kita... at medyo natuwa naman ako na sinunod mo ang aking payo noon at naging maganda naman ang resulta. Medyo nalungkot naman ako sa developments ng sitwasyon mo ngayon...

Pero sige... simulan natin 'to. Binigyan ka ba niya ng pagkakataong magpaliwanag kung bakit mo nagawang kunan siya ng litrato nang palihim?

Reply

Re: Mula kay "Ngipin" dijayforlife February 19 2009, 15:50:25 UTC
hindi na. nawala siya bigla tapos nung subukan kong kausapin ulet pinagbabantaan na akong irereport sa pulis. ._.

Reply

Re: Mula kay "Ngipin" dijayforlife February 19 2009, 15:55:37 UTC
Okay... so I gather that all communication lines have been closed?

Reply


Song Request thru out Text Hotline dijayforlife February 19 2009, 15:52:21 UTC
Here's a song requested from our text hotline... Ito po ang U Turn with A Million Miles Away.




... )

Reply


Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 15:52:59 UTC
dear love guru,

itago niyo na lamang po ako sa pangalang "lady pechay." nakita ko po ulet ang aking ex-boyfriend kasama ang kanyang bagong girlfriend. 'di ko po alam kung bakit, pero ang sakit sa damdamin kong makita 'yon. bagay naman sila, at mukhang masaya sila magkasasma. ang nagtataka ako, naka-ilang boyfriend na rin ako pagkatapos namin mag-break, kaya akala ko over na ako sa kanya.

isa pang bagay, love guru, may kinalaman kaya 'yung pag-break namin? nag-break kasi kami dahil nag-drift apart kami. napakasakit talaga ng break up namin noon, pero nagsinungaling ako sa kanya noon at sinabi kong ok lang ako, at ok lang sa aking makipaghiwalay. ang alam ko naka-recover na ako mula do'n, pero bakit gano'n?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 15:53:48 UTC
Magandang gabi sa iyo, Lady Pechay.

Mga ilang taon kayo ng boyfriend niyo bago kayo naghiwalay?

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 15:59:01 UTC
mga 2-3 years rin po, love guru.

Reply

Re: Mula kay "Lady Pechay" dijayforlife February 19 2009, 16:01:07 UTC
I see. I guess tama ka nung sinabi mo na may kinalaman ang break-up niyo with this emotion na nararamdaman mo ngayon. Parang sa tingin ko kasi walang closure ang nangyari sa inyo... basta na lang kayong nag-drift apart, at pagkatapos you ended it just like that.

Puwede ko bang itanong kung bakit bigla na nga lang kayong nag-drift apart? May umiwas ba sa inyo, or something?

Reply


Recent Japan Dispatch anonymous March 24 2011, 20:31:39 UTC
[b]Japanese cherish the elemental mid compounded tragedy[/b]

Tokyo (CNN) -- Reassure sprouted from the mundane Thursday as Japanese refused to collapse comprised in the power of mounting tragedies.

In the hardest-hit parts of the disaster-struck nation, thousands of people, assorted of them frail and of advanced age, settled in into shelters not shrewd when, if continually, they superiority be competent to leave.

They cherished the ordinary. Continuous in calling championing lunch. Or arranging the few things they salvaged preceding not be sensible washed away their homes.

http://edition.cnn.com/2011/WORLD/asiapcf/03/17/japan.disaster/index.html?hpt=C1

Reply


Leave a comment

Up