[ ON-AIR 01.08.09 ] Loveline with Love Guru

Jan 08, 2009 23:46

Magandang gabi sa inyong lahat mga kapamilya, kabarkada, ka-ibigan at kakuwentuhan! Kamusta ang mga puso niyo, buhay pa ba? :D Sana naman ay maganda nga ang gabing ito para sa inyong lahat... medyo my kalamigan nga lang sa labas, ano? Yung may mga kayakap diyan, share niyo naman sa iba! Hahaha, joke lang po mga kaibigan... andito na naman po ako, ( Read more... )

loveline, on-air

Leave a comment

Comments 60

Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:46:55 UTC
hi, ate toni. itago niyo na lang po ako sa pangalang "reyna ng kajoklaan." may type akong guy, as in sobrang laglag-panty, maginoo pa at mabait. 'yun nga lang, 'di ko alam kung magugustuhan niya ang isang tulad ko. dapat ko pa bang hayaang lumalim pa lalo ang nararamdaman ko sa kanya o umiwas na ako dahil masasaktan lamang ako? ano ba ang dapat kong gawin?

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:47:12 UTC
Magandang gabi sa iyo, Mahal na Reyna... :D

Unang-una... gusto ko munang malaman kung itong lalaking binabanggit mo eh malapit mong kaibigan o acquaintance lang?

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:49:09 UTC
magkaibigan kami, love guru. not that close, pero kinikilala namin ang isa't isa as friends.

Reply

Re: Mula kay "Reyna ng Kajoklaan" dijayforlife January 8 2009, 15:51:28 UTC
Ahhh, at least meron kayong ganoong klase ng relationship to begin with. Sabi mo talagang mabait itong guy na 'to diba? Meron ka bang nase-sense sa kanya na... something... na puwedeng magsabi sa iyo na kung sakaling umamin ka man sa kanya ay lalayuan ka niya?

Reply


Mula kay "Monkeymonkeyanabel" dijayforlife January 8 2009, 15:48:06 UTC
dear love guru,

itago niyo na lang po ako sa pangalang monkeymonkeyanabel. ang problema ko kasi... yung gusto kong babae sobrang lakas ng dating, mas siga pa yata sakin kahit na ate love guru, seksing seksi po talaga. nakakatakot din kasi may siyam sa na kuya, eh ate love guru ang payat payat ko baka isang ihip lang tumalsik na ko. ;_;

bukod pa dyan recently nagparamdam ulit ang ex ko at hindi naman sa gusto niyang magbalikan kami, pero lagi niya kong kinakausap at humihingi ng mga pabor at hindi naman ako makahindi. ;_;

ate love guru, yun nga lang, isang beses napahiya ako sa harap ng babaeng gusto ko dahil sa ex ko, simula nun hindi ko na malapitan yung gusto ko sa sobrang hiya. ano po ang dapat kong gawin? >_<

Reply

Re: Mula kay "Monkeymonkeyanabel" dijayforlife January 8 2009, 15:48:23 UTC
Magandang gabi sa inyo, monkeymonkeyanabel... ang haba ng pangalan mo. Puwedeng... monkey na lang? :P

Reply

Re: Mula kay "Monkeymonkeyanabel" dijayforlife January 8 2009, 15:50:42 UTC
okay na okay po ate love guru!

Reply

Re: Mula kay "Monkeymonkeyanabel" dijayforlife January 8 2009, 15:53:17 UTC
Siya sige monkey... natuwa ako sa kuwento mo. Parang pang-sine pala ang love story mo ano?

Una sa lahat, wag mong mamaliitin ang sarili mo. Kahit kamo payat o maliit ang pangangatawan mo, puwedeng malaki naman ang pagmamahal na puwedeng ibigay ng isang tulad mo hindi ba...

Pangalawa, lahat ng mga babae, kahit gaano katigas ang exterior namin, may soft spot din yan. Nadiskubre mo na ba ang soft spot niya?

Reply


Mula kay "ngipin" dijayforlife January 8 2009, 15:49:31 UTC
dear love guru,

itago niyo na lang ako sa pangalang ngipin. meron akong gustong babae, pero 'di niya ako kilala. madalas ko siyang kuhanan ng mga litrato mula sa malayo, pero 'di niya rin alam 'yon. noong una ay kuntento na ako sa ganito lang, pero kailan lang nakita ko siyang may kasamang lalake at nakaramdam ako ng selos. ano ang dapat kong gawin? dapat na ba akong magpakilala at magparamdam? paano na lang pag nalamn niyang palihim ko pala siyang kinukuhanan ng litrato?

Reply

Re: Mula kay "ngipin" dijayforlife January 8 2009, 15:49:54 UTC
Hello sa iyo, ngipin. :D Interesting name...

First of all, talagang hindi ka kilala ng babaeng ito? As in, pangalan man lang o mukha, hindi ka pa nagpapakita sa kanya in person?

Reply

Re: Mula kay "ngipin" dijayforlife January 8 2009, 16:02:15 UTC
well, acquainted naman ata kami, pero hanggang pangalan at mukha lang. ang hidni lang talaga niya alam ay sinusundan ko ang bawat galaw niya at kinukuhanan ko siya ng litrato nang palihim mula sa malayo.

Reply

Re: Mula kay "ngipin" dijayforlife January 8 2009, 16:06:06 UTC
Alam mo tatapatin na kita, sana wag kang mao-offend ha?

Reply


Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 15:54:19 UTC
dear love guru,

itago niyo na lang ako sa pangalang "french boy." may kabarkada ako nung high school na nakita ko ulet pagkatapos nu'ng ilang buwan. nu'ng high school ako 'yung mukhang babae, at siya mukhang lalake, pero ngayon baliktad na. tapos may bago siyang kaibigan na parati niyang kasama. nu'ng una ay hindi ko alam bakit parati akong naiirita do'n sa bago niyang kasama, hanggang sa napagtanto ko na may gusto pala ako sa kabarkada ko at nagseselos pala ako.

gusto ko na sanang ipagtapat sa kanya ang nararamdaman ko, ngunit medyo parang clueless kasi siya. 'di ko alam kung maiintindihan niya ba ako kapag nagtapat na ako, at kung ibabalik ba niya ang nararamdaman ko. at pareho pala kaming lalake. ano ang dapat kong gawin, love guru? :(

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 15:56:22 UTC
Magandang gabi, French Boy. Medyo ngayon lang ako nakarinig ng ganitong kuwento ah...

Gaano katagal na kayong magkaibigan nitong friend mong naging mukhang babae kamo?

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:09:02 UTC
maglilimang taon na rin kaming magkaibigan.

Reply

Re: Mula kay "French Boy" dijayforlife January 8 2009, 16:09:55 UTC
And through those five years ngayon mo lang naramdaman itong feelings na ito para sa kanya?

Reply


anoh poh vha ang gagawin koh? anonymous May 13 2009, 06:58:06 UTC
dj guru itago nio nlang poh akoh sa pangalang malditah help nmn oh panuh bah toh kz poh ganito ang nangyari ngkaklan poh akoh tapoh my bf poh akoh nun tpz sa clan nmen my nangligaw sa aking isang lezbian tpz nainlove nmn poh akoh cnagot koh xah khit my bf pah akoh tpz inamin koh poh dun sa una kong bf na may bf pah akoh bukod sa kanya tpz naaawa poh akoh dun tpa nakipaghiwalay nah poh akoh sa kanya tpz sv koh poh sakanya wag nya nah poh akoh itxt pero naiinis akoh pg wlang txt nah nanggagaling sa knya sa isang araw,.,.,anoh poh vha ang pede kong gwin?

Reply


Leave a comment

Up