[ ON-AIR 02.26.09 ] Loveline with Love Guru

Feb 26, 2009 23:18

MAGANDANG MAGANDANG GABI sa inyong lahat, mga kapamilya, kabarkada, kapanalig at ka-ibigan! Heto na naman po ang inyong favorite love advice program sa balat ng radyo, ang Loveline with Love Guru ( Read more... )

loveline, on-air, love advice

Leave a comment

Comments 29

Mula kay "Green Cross" dijayforlife February 26 2009, 15:18:57 UTC
Good evening po Love Guru,

Itago niyo na lang ako sa pangalang Green Cross. Meron po kasi akong kaibigang babae, medyo bago pa lang naman kami magkakilala pero dahil madalas ay napakaluwag ng mga schedule namin, madalas kaming nakakapag hang-out magkasama.

Cute siya, at makulit, at akala nga yata ng mga kaibigan namin eh kami na. At gusto ko naman talaga sya, pero may pagka-dense at manhid din kasi siya kaya 'di yata niya yun nahahalata. At dahil parang sobrang barkadahan lang pag magkasama kami, hindi ko na din alam pano ba ko dapat magmake ng move.

Ano po bang dapat kong gawin?

Reply

Re: Mula kay "Green Cross" dijayforlife February 26 2009, 15:21:18 UTC
Good evening rin sa iyo, Green Cross! :)

It feels like we're trying to write a love story from a blank slate ah... actually ito yung isa sa mga pinakamahirap na parte eh. How to actually start making a move. Tanong ko muna... are you from the same school, share the same interests?

Reply

Re: Mula kay "Green Cross" dijayforlife February 26 2009, 15:29:49 UTC
...Actually, Ate, not really. Graduate na sya actually, and we don't really share the same basic interests, pero even so, I guess ang common namin is pareho ang idea namin of fun?

Reply

Re: Mula kay "Green Cross" dijayforlife February 26 2009, 15:34:07 UTC
Ahhh, I see, I see. Pero can you say that you've made an effort na to show her that you like her? Sabi mo kasi medyo dense siya. Ano na bang mga nagawa mo to express your feelings?

Reply


Mula kay "Matador" dijayforlife February 26 2009, 15:38:14 UTC
Hi, love guru.. itawag niyo na lang ako sa pangalang Matador.. Gusto ko sana humingi ng advice tungkol sa hindi kanais nais na pagiging ilang ko sa isang bata...

Reply

Re: Mula kay "Matador" dijayforlife February 26 2009, 15:39:05 UTC
Magandang gabi sa iyo, Matador... puwede mo ba akong bigyan ng brief background lang ng kuwento. Bakit ka naman naiilang sa "isang bata?" Gaano ba siya kabata?

Reply

Re: Mula kay "Matador" dijayforlife February 26 2009, 15:42:00 UTC
Ahhh. Kasi mula po nung magkakilala kami, lagi na niya ako tinatanong kung kailan ba kami ulit puwede mag hang-out... uhmm 15 pa lang siya.

Reply

Re: Mula kay "Matador" dijayforlife February 26 2009, 15:43:17 UTC
And you are how old naman?

Reply


Leave a comment

Up