personal ad

Dec 08, 2008 18:57

naghahanap ako ng tao na pwede kong maiparamdam na mahal ko sya at wala nang iba. naghahanap ako ng tao na pwede kong maregaluhan ngayong pasko, na kahit na gaanong kadami o kakonti ang magastos ko, mapapasaya ko siya. naghahanap ako ng tao na pwede kong tawaging 'mahal' at pwede kong maalagaan at pwede ring mag-alaga sa 'kin kahit nagpapaka-macho ako. naghahanap ako ng tao na walang ibang mamahalin kung hindi ako. naghahanap ako ng makakasama ko sa pag-cutting, sa pagtakas sa curfew, sa pagsali sa mga rally kahit di naman kami tibak, sa paglalakad nang walang patutunguhan, sa panonood ng mga sineng jologs at walang katuturan, sa pagtawa sa mga mabababaw na jokes (pwede rin kami magpalitan ng kababawan), sa panlalait sa ibang tao, pa pagkainis sa gobyerno, sa pagshopping kahit na tamad ako magshopping, sa pag-kain ng almusal kahit late na sa klase, sa pagsimba sa panahon ng simbang gabi (okay lang kahit di makumpleto, basta kasama ko siya, tupad na ang wish ko), sa pagcacaroling nang sintunado, sa pakikipag-negosasyon sa mga professor para maka-tres man lang, sa pag-iyak kapag nabigong umabot ng tres, sa paghiga sa gitna ng sunken garden, sa pagakyat sa mga puno... naghahanap ako ng kakandong sa 'kin pag wala nang mauupuan sa jeep. naghahanap ako ng maihahatid ko pag-uwi at susunduin sa umaga. naghahanap ako ng makakaramay sa lahat ng uri ng kalokohan at kabalastugan.

may alam ba kayong interesado sa isang simpleng lalaking tulad ko?

p.s.
hindi ako mahihiyang sabihin at ipakita sa lahat na kami.

private

Previous post Next post
Up