Grabe epekto ng Z3 sa kin. I've been singing this all day.
Ikaw Ang Superhero ng Buhay Ko, Ikaw
Ano ba ang sukatan ng pagkalalaki
Sa lalim ba ng boses o sa tibay ng tindig?
Nasusukat ba ito sa dami ng pinangakuan ng pag-ibig?
Sa lahat nang nakilala sa 'yo lamang humanga
Sa tapang at lambot ng iyong puso
Ang kaligtasan ng lahat ay tinanganan mo sa palad mo
Ikaw ang superhero ng buhay ko, ikaw...
Hindi ka man lumilipad, napakalayo ng iyong narating
Nais kong sumama saan ka man magpunta
Hawakan mo ako
Maglalakbay tayo
Pinakita mo sa aking mayroon pang hihigit
Sa katahimikang nakasanayan ko
Tulad mo'y nagsimula akong managinip
Ang bugnot kong mundo binuhay mo
Ikaw ang superhero ng buhay ko, ikaw...
Pagod ka man ngayon, ako naman ang papasan sa iyo
Halika na sa piling ko, kita'y iuuwi
Dito sa bisig ko
Ika'y mahimbing
Ikaw ang superhero ng buhay ko
Ikaw...
Who has a CD? I've been listening to low quality streaming mp3s lang! Or where can I get one? As far as I know it's only available online...but I don't want to buy online. Hehehe.