kasama ko for the past 12 hours sina rozy, ginny at enzo.
=-=-=
Simbang Gabi
first of all, at last, this week natuloy rin sa simbang gabi na yan! di na sa UST, dyan lang sa may don antonio malapit sa min. dapat sa st. peter's parish kami para sa 4am mass...kaso naman men! nag-uumapaw ng kajologan katauhan. andaming jolooogs tao sa simbahang iyon, para bang may concert ang mga jologs demonstrasyong nagaganap.sigh...sige na nga diretsuhin ko na. alam nyo ung mga grupo ng kabataan ngayon na naka-trucker caps na nakapatong sa ulo na tila mahipan lang e mhuhulog na? yun bang hindi suot ung cap, sadyang ipinatong lang sa ulo kaya tuloy antaas tignan nung cap. samahan pa ng baggy khaki shorts, bandana sa ulo, oversized polo at shirts, pati na rin fitted sando...tapos imagine in groups of 10-20 people times a thousand. yup, tila ba isang convention ng mga jologs at hindi misa ang nadatnan namin. sila ung mga masarap i-puTsung! (itanong na lang kina imma o dremon para maliwanagan).pramis, naisip ko kanina nasa perya ko, ung isang laro na may babarilin ka o patutumbahin para magkapremyo. sa dami nila abot hanggang overpass ang mga tao.sobrang feeling namin, outcast kami, na kami pa yung jologs kasi di katulad ng getup nila. nagfeeling the Cullens pa kaming apat,bumaba ng kotse, naglakadlakad sa paghahanap ng pwesto, bumalik rin sa kotse, at umalis.
nakalipat kami at nakaupo pa sa st. benedict sa don antonio. at nasimulan ang misa dahil 5am to nagsimula.parepareho kaming walang tulog. so paminsanminsan may napapapikit at gumegewang at napapayuko. may small chats para lang pampagising. feeling namin kasi balik internship days, nung panahon ng 24-36 hours ng pagduduty. may part pa nga nagkukumparahan ng mga ugat sa kamay yung tatlo e. parang mga sabik sa ugat ang tatlo. may isang distracting part lang kanina. may guy na ewan. naka-office attire, same row namin. di ko lam pero, dalawang beses ako tinaasan ng dalawang kilay. yung tipong parang nod or acknowledgment. e di pa naman "peace be with you" nun e. twice lang naman nangyari..kasi iniwas ko na ang tingin ko. :P after mass bumalik kami ng st peter's para sa bibingka at putubungbong.sa ministop namin kinain.
Walang Tulugan
before pa kami nagsimba, naghangout muna kami sa bahay ni Rozy malapit lang sa Ever. nagkape kami dun kesa sa starbucks pa. may nagfacebook muna, habang may nagguitar hero, habang nagkukwentuhan.plano pa nila matulog ng at least an hour pero huli na..di namalayan ang mabilis na takbo ng oras. nagpunta pa naman kami dun para makapag[ahinga at recharge e. wala rin :P
Wala Pang INOM Yan Ha
before pa kami tumambay sa bahay ni Rozy,nagpakapagod muna kami sa pagbirit sa centerstage kasama ang iba pang medtech friends, namely, Krish,Karla, Jap, Daph, Xtian at si Criss(gf ni Xtian). nagwala kami sa pagbirit na kala mo mga lasing sa alak. wild kung wild, birit kung birit...2 hours na wasakan ng vocal chords. funfunfun!!! mostly breakup songs at love songs kinanta. enjoy na enjoy. :P
DI Busog sa Dinner
had our dinner around 8pm at The Old Spaghetti house sa Technohub. basically walang nabusog sa kinain nila. sayang lang tuloy, kasi bitin. pero at least we got to catch up on people's lives. aka chismis. haha! buhay ng ibang tao pinag-usapan hahahah! so much for catching up.hehe, sa tawanan at kentuhan nabusof naman. ako nabusog na rin kahit papano sa aking beef stroganoff. ahehe syempre may pichurpichur pa sa fountain.
=-=-=
basically di ako umuwi kagabi. nasanay na rin kasi ako, pag nasa bhouse may sarili nang oras at sanay na rin sa walang tulugan pag nasa labas.
sigh. mahigit 24 hours na kong gising. nagawa ko panbg magblog. ahehe.. masaya e. :D
matulog na ko. goodnight, good morning