Pamagat: Teach Me Kuya, Onegai
Mga Tauhan: Suho/Kai, Suho/Kris
Genre: UPCAT Tutor! AU
Rating: R-16
Buod: Kailangan ni Joonmyun ng malaking kita. Iba ang nakita. Mas malaki pa.
Paunawa: Isinulat rin sa tulong nila
daeseol at
byunbaekhyun para sa
narito_kami #EXO1stAnniversary
Karaniwang eksena sa Casaa, ang sikat na kainan sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan tumatambay ang mga estudyante habang naghihintay ng kanilang mga susunod na klase.
Maingay ang mga estudyante, maraming pinag-uusapan. Mga ultra-terror mega-genius profs na mukhang mangangain ng buhay kapag walang nakasagot sa recitation. Ang hassle sa masel na pag-transfer from AS to Math Building; tipong mukhang tanga lang kasi may TOKI tapos may IKOT tapos iyak na lang habang gumugulong kasi KATIPUNAN pala yung nasakyan. Yung tumatagaktak na ang pawis habang nagpapa-fotox kasi 982374293874 years ang waiting time at medyo dyahe tumabi kay crush sa classroom dahil mapapamukhasim siya for sure.
Pero siyempre dabest pag-usapan yung mga cute na seatmate. Yung naging point of intersection ang mga elbows niyo (kasi kaliwete siya, tapos gamit mo kanan) tapos ayaw mo na maligo kasi hinihintay mong maging positive yung pregnancy test na kinukuha mo araw-araw. Ew yuck kadurdur.
Pero skip tayo sa usapan ng dalawang magkaibigan tungkol sa kanilang financial dilemmas.
Cue: Typical promdi UPCAT passer. Binenta ng magulang ang kalabaw para magkapera pang-luwas at pang-tuition, pinanghahawakan ang pag-asang maitataguyod ang pamilya kapag nakapag-aral sa UP scenario. Action!
“Uy Joonmyun!”
Lilingon si Joonmyun sa pinanggalingan ng boses. Syempre mare-recognize niya ang boses ng bestfriend niya kahit from afar. Fli-nash niya ang kanyang trademark smile, pang-Colgate commercial with sparkling tiara, scepter, and sash pa kasi ang ganda lang ni kuya.
“Wufan!”
Tatayo si Joonmyun, sabay fist bump at secret bro handshake.
Apir, dis-apir, wan-hap, wan-port, wan-port, wan-hap, dis-apir...wait for it…
(the glue that holds their bromance together; dumura sila sa kanilang mga palad)
… APIR!
Manly.
Uupo si Wufan sa tabi ni Joonmyun at aakbayan siya.
“Kamusta naman ang henyo kong kaibigan?” May pilyong ngiti sa pananalita ni Wufan, playboy smirk accompanied with a perfect face. Crush ng bayan, kilabot ng kababaihan (at ng mga tanang kabaklaan).
Matatawa si Joonmyun, susuntukin ng pabiro sa maskuladong chest si Wufan. “Ulul! Sino ba sa ‘ting dalawa ang uno ang GWA?”
Tatawa ng malakas ang dalawang magkaibigan. Cue dreamy effect. Yung tipong mag-eemphasize ng ngiti sa kanilang mga kumikinang mata. Mapapalingon ang ilang mga kababaihan sa Casaa kasama si ate tindera na nagpiprito ng tilapia, titilamsik yung mantika sa mukha at sisigaw ng putangina, sa tila bagang isang eksena sa Boys Over Flowers na pangyayari. Dudugo ang ilong ng mga otaku na may yaoi fantasies.
Huhupa ang tawanan ng dalawa at babalik sa normal ang ambiance.
Mapapabuntong-hininga si Joonmyun, magpapahalumbaba sa lamesa. (A/N: Kung nababagot ka, ulitin ng limang beses ang salitang ‘magpapahalumbaba’.)
“Hay pare, sana lagi na lang ganito. Masaya. Parang walang problema.”
Kukunot ang perfect Master Facial Scrub-model material na noo ni Wufan. “May problema ba?”
“Ay wala, walang problema. Kasasabi ko lang diba? Paulit-ulit? Unli?” asar na sagot ni Joonmyun.
“Gago,” mabilis na comeback ni Wufan. “Naka-plan 999 ako.”
“Ah.” Matatameme si Joonmyun. Walang nang maisip na hirit. Puchang badtrip naman talaga, oo.
Sisikuhin ni Wufan ang bespren (na mukhang nag-hang na ata kasi running lang sa Pentium 4 ang processor na taga-isip ng sarcastic na comments) sa tagiliran. “Uy, seryoso kase?”
Mapapabuntong-hininga na naman si Joonmyun.
“Kapos lang sa pera. Paubos na yung allowance na padala ni ermats sa probinsya eh,” wika niya, matapos ang ilang ulit niyang mental na pag-pindot ng Ctrl+Alt+Del para ma-reboot ang kanyang pride. “Baka may alam ka namang raket dyan pare?”
“Eh bat di mo naman agad sinabi,” ngingiti si Wufan na parang okay na ang lahat. “Para saan pa ang pagiging mag-BFFs natin?”
***
“Ma, what’s this?”
Jongin waves some sheets of paper with his hands, may big print ng ‘UPCAT Application for Freshmen Admission’ sa harap.
“Anak, it’s exactly what you see,” sagot ng kanyang mom habang nag-aapply ng imported na lipstick in front of her vanity mirror. ”An application form for UP.”
“Of course it is,” Jongin tries hard not to gulong his eyes (spoiled brat, pero may respeto pa rin. nakanaks). “What I mean is, bakit may ganito dito…po?”
“Ay baka para kay yaya, pakukuhanin ko ng UPCAT,” hirit ng kanyang mom sabay stand-up to choose a bag na matching sa kulay ng kanyang high heels.
Kruu kruu. Awkward silence.
“Umm…okay?”
“Anober (Jongin cringes at this) anak, nakikiuso lang ako sa mga trip na jokes of this generation,” mapapa-cackle ang kanyang nanay, mala-Kris Aquino na feeling bagets with matching clap clap clap. “Malamang it’s for you. ”
“But I don’t want to take the UPCAT?” Uupo si Jongin sa tabi ng kanyang ina na nagpapalit na naman ng high heels, because it doesn’t match her new Hermes bag. Jongin makes lambing at ilalagay ang ulo sa balikat ng mom.
“Give me a valid reason why,” his mom sighs.
“I wanna go to, uh, Ateneo?” (Which actually translates to ‘Ayoko sa UP, puro aktibista mga tao dun. ’)
“What if you don’t get into Ateneo? That’s not a valid reason.”
“Pero mom...”
“You can take the ACET but you still have to take the UPCAT.” Jongin is certain that this translates to ‘So I can prove to my kumares and amigas that my son is smart enough to pass the UPCAT.’
“And anak, by the way, your tutor arrives later this afternoon.”
Jongin tries not to make dabog as his mom kisses him goodbye on the cheeks, running late for a client meeting.
Bwisit. Why would he need a tutor? And who wants to go to UP anyway? You have to use a tabo to flush the toilet. There are no hand dryers nor liquid soap. Add mo pa sa list ang smoke-belching jeepneys as you make rampa sa streets. Tapos some people go to class in their pantulog. Ew yuck kadurdur.
Not to mention mas hot ang mga basketball players ng Ateneo. More reasons are needed pa ba? Jongin doesn’t think so.
***
“Captain Barbel!” sigaw ni Joonmyun with feelings sabay taas ng kanang kamay na parang may ni-lilift na imaginary piece of magical metal ala Edu Manzano (no offense, Richard Gutierrez).
Sabay preno ng jeep.
“Ay bilat, nagdako!” sigaw ng ale.
Scandalized ang itsura ng mga pasahero na nagsitalsikan sa kanilang mga upuan. Pa-text text pa kasi ng dalawang kamay, kala mo sumasali ng finger marathon sa bilis ng mga daliri magpipindot. Buti nga sa dalawang mag-syotang naghaharutan dun sa dulo na kulang na lang magkapalit ng mukha (nalamog yata ang betlog nung lalake sa pagkakahulog sa upuan. Ouch.)
Kibit-balikat na bumaba si Joonmyun, pero nagpipigil lang talaga siya ng tawa. Kasalanan ba nyang sineryoso nya yung “Kapag papara ang lalaki, sumigaw ng ‘Captain Barbel’” na sign na nakasabit sa makulay jeep. Next time, ita-try nya namang isigaw ang ‘Darna.’
Mahaba-habang lakaran rin ang tatahakin ni Joonmyun bago makarating sa saktong address na ibinigay sa kanya ni Wufan. Mukha lang siyang ewan habang papasok sa isang exclusive subdivision, naglalakad lang kasi wala naman siyang madadalang kotse. Biro mo, naka iPhone 5 si kuya guard at sumisigaw ng “Shit! Fuck! Stupid!” kasi nadedeads yung character niya sa Temple Run 2. Aba’t sina-side eye pa siya ng isa pang kuya guard.
Eh kung yung alagang baka kaya ng lolo niya yung sakyan niya, complete with karitela na may mga nakasabit pang crib, walis tambo, bilao, hulahoop, etc.? Papalag kaya tong mga guard na to? Ngudngudin niya kaya mukha nila sa tae nung baka? Tawa naman si kuya sa sarili niyang joke. As usual.
Lilipas ang ilan pang minuto ay makakarating na rin ni Joonmyun sa patutunguhan. Tutunghay sa kanya ang isang mataas na gate na bongga sa size na tipong bawal masulyapan ng mga ordinaryong nilalang ang kung sinumang dugong-bughaw ang nakitira doon.
Ding Dong. Tunog ng doorbell. Gusto nya sana sumagot ng ‘Marian’ kaso wala naman tatawa. (Gets? Gets?)
“Who’s there,” tanong ng boses na nasa kabilang linya.
“Joonmyun po,” sagot niya. “Yung UPCAT tutor po ni Kim Jongin.”
“Alright, come in. Second door to your right, third floor,” mabilis na sagot ng stranger sabay hang ng phone.
Beep.
Automated gate lock. Wow, high tech ah.
Papasok si Joonmyun sa mansyon. Feeling nya isa lamang siyang aliping sagigilid nang makita niya kung gaano talaga kalaki ang bahay ng mga Kim (Kim din ang apelyido nya, pero sure siyang hindi sila mag-kamag-anak, dahil malamang inutangan na yan ng mga kapal-muks niyang mga tiyahin sa probinsya kung sakali).
Tuloy-tuloy siyang papasok sa pintuan, half-expecting na merong bubulaga sa kanyang butler at maghahatid sa kanya sa kwarto, bibihisan siya ng coat-and-tie with matching shiny black shoes tapos imported perfume na definitely di Downy kasi naman he looks so pobre, di karapat-dapat makita ng mga maharlika sa bahay este mansyon na ito. Mas maganda na may extra room service bago siya bihisan. Wenk.
Pero tahimik ang bahay. Hindi naman siguro inimagine lang niya yung taong nakausap nya kanina, diba?
“Tao po?” pabulong nyang sabi. Pero tahimik nga ang bahay so walang sasagot. Saka bulong nga, sinong makakarinig. Oh well, bahala na. Lalakad na lang siya ng mas mabilis patungo sa ikatlong palapag ng mansyon. Pero ingat-ingat din sa mga mamahaling porselana at tsina na maaari nyang mabasag (hindi to Ouran!AU so hindi po mangyayari ang iniisip nyo).
Kung hindi lang talaga desperado si Joonmyun, hindi nya gugustuhing mag-tutor sa isang high school student na kukuha ng UPCAT. Lalo na’t maikli lamang ang kanyang pasensya, jusko po, sana lang hindi bobo (sorry naman, sobrang talino niya kasi eh) yung estudyante niya.
Sa wakas kaharap na niya ang pintong tinuro ng mahiwagang boses ng intercom. Kinatok niya ang pinto ng marahan.
This is it pansit.
***
Turns out Kim Joonmyun is a very attractive piece of meat.
Jongin checked him out from ulo to paa. Pores, check. Beautiful nose, check. Perfect white teeth, check. Well-groomed unchewed nails, check. Hot, sexy body, check.
Check check check.
Sayang nga lang kasi kulang ng letter S yung Havaianas slippers ni kuya tutor. Ay, sablay.
But his mom was more sablay because she obviously failed to tell him the most important part. His tutor is so gwapo. He’s not mentally prepared, okay?
Jongin groans. Why isn’t there someone as attractive as this Kim Joonmyun guy in his school?
“Umm…Excuse me?”
Yes, you are very much excused to molest me, ravish me in all ways you deem possible. My body is so ready. Attack me now!
Pero malakas ang self-control ni Jongin. He’s not the most popular kid in his high school (take note, International School) if he is easy to please. Other people swoon for him, not the other way around. Kulang na lang magpagulong-gulong at kumain ng apoy mga kaklase niya para magpa-impress sa kanya. That’s how high his standards are.
Jongin takes a deep breath. Keep calm and act normal.
“Sorry,” he smiles with a medyo pa-cute face.
“I’m Kai, but you can call me yours.”
Ano po yung self-control?
Joonmyun looked horrified. Jongin wanted to punch himself.
Oh dear lord, why can’t he just keep his stupid mouth shut? Of all pickup lines, bakit naman yung super gasgas pa yung pinili nya? Stupid stupid stupid.
“Joonmyun,” Joonmyun initiates the gesture for a handshake, though a bit unsure.
“You are very interesting, Kim Jongin. I think magkakasundo tayo.”
O dear lord. Wait lang.
Can Jongin finally say he was touched by an angel?
***
“Huy!” Sabay akbay ni Wufan sa kanyang hindi-katangkarang bespren na nakita niyang naglalakad sa sidewalk sa may Sunken Garden, mukhang malalim ang iniisip.
“Uy pare,” mapapangiti sa Joonmyun at hahawakan ang mga malalaking palad ng kaibigan na nakalambitin sa kanyang balikat. “Umayos ka nga, ang bigat mo.”
Matatawa si Wufan at guguluhin ang buhok ni Joonmyun, tamang lambing lang.
“Kamusta tutorial session?”
Uupo silang dalawa sa isa sa mga stone benches ng unibersidad, sa ilalim ng isang malagong puno ng acacia na nagbibigay lilim sa mainit na sikat ng araw. Sa di kalayuan, dinig ang sigawan ng mga babad sa araw na football players.
“Ayos naman.”
Mapapataas ang kilay ni Wufan. “Wag mo nga akong pinaglololoko, Kim Joonmyun,” sabay lapat ng kanyang hintuturo sa noo ng kaibigan.
“Gaano na kita katagal kakilala, ako pa bang hindi makakahalata na may kakaiba?”
“Kakaiba?” Mapapakunot ang mga noo ni Joonmyun, tatapikin paalis ang daliri ni Kris sa kanyang noo.
“Walang kakaiba.”
Lalong tataas ang mga makakapal na kilay ni Wufan at mapapabuntong-hininga na naman si Joonmyun.
“Maliban na lang kung kakaiba ba na maari o hindi maaring inaakit ako ni Kim Jongin? At kung kakaiba rin bang maaaring nilalandi ko rin siya o hindi dahil hindi ako sigurado kung attracted ako sa kanya kasi ang cute niya kapag tumatawa siya? Cute rin siya kapag sinusubukan niyang i-solve yung mga math problems na ibinibigay ko pero biglang nagiging sobrang sexy ng dating kapag kinakagat na niya yung dulo ng lapis nya. Pare, may problema ba ako? May kakaiba ba talaga sa akin? Ano sa tingin mo? Tsong, di ko alam na darating ang araw na gugustuhin kong maging lapis para next time ako naman ang kinakagat niya. Minsan dinidilaan pa nga niya e.”
Kruu kruu. Awkward silence.
Mapapa-nganga si Wufan.
Mapapa-nganga rin si Joonmyun.
Nganganga na lamang silang dalawa hanggang may pumasok na langaw sa bunganga ni Joonmyun at kailangan siyang batukan ni Wufan para hindi mabilaukan.
Turns out, ipis pala yung pumasok.
***
Hindi naman oblivious si Joonmyun na may hots para sa kanya si Jongin (or Kai, because that’s ‘how he wants to be called’). Minsan gusto na lang niyang mag-antanda at dumeretso sa simbahan para magkumpisal sa kanyang mga bagay na naiisip sa tuwing binabanggit ni Kai ang kanyang pangalan.
“Joonmyun-ahhhh.” (Na madalas ay may kasama pang kagat labi). “How do you do this?”
Putangina. Screw Heart Evangelista and Sam Pinto.
Hindi niya rin sigurado kung sinasadya ba ni Kai na magsuot ng mga ultra-revealing clothes tuwing mayroon silang tutorial session. Meron bang scarcity ng mga telang lubusang naka-apekto na pala sa ekonomiya ng bansa hindi nabalitaan ng Department of Agriculture o ng media? Mukhang paikli ng paikli ang choice of clothing ni Kai eh.
Loose white v-neck shirt over boxer shorts. Combine it with a fresh out of bed hairdo for an ultra-deadly tindig-batuta look. Concealing a deadly weapon. Jongin should be illegal.
“Ay sorry, you have to see me looking like this ha,” sabi ni Jongin with his breathy bedroom voice na may kasama pang beautiful eyes, habang ibinababa ang t-shirt sa kanyang mga makikinis na binti.
Hindi sigurado si Joonmyun kung narinig ba niya talaga yung karugtong na, “I fell asleep while waiting for you eh.”
Nabanggit na din ba niya kung gaano ka-touchy si Kai? Tipong sa bawat pagkakataon, kelangan may skin contact?
“Kuya Joonmyun, can you teach me this?” sabay haplos ng fingers sa kanyang mga braso.
Kuya Joonmyun. Tangina this. Tangina that. Tangina the world.
***
Kim Jongin changed his relationship status to ‘It’s complicated.’
“So, ano nang status nyo?” Tanong ni Wufan, habang nakatingin sa ni-rent na PC ni Joonmyun sa Shopping Center. Naghihintay pa siya ng mga taong kukumpleto sa team niya sa DoTA, waiting for the imba to begin.
Tinititigan ni Joonmyun ang font, na para bang mag-momorph ito into a halimaw anytime. May bumabagabag sa puso niya, isang bagay na hindi nya maipaliwanag. Parang mahapding kirot, ganun.
“It’s complicated, pare.”
Sabay tugtog ng malakas na music sa computer shop.
Pusong Bato.
Na winiwish ni Wufan ay meron siya dahil anong klaseng one-sided love ba itong kinalalagyan niya?
***
Complicated. It’s actually super complicated. Jongin thinks he has tried too hard.
Is it his fault if Joonmyun looks too damn attractive for his own good? He couldn’t even concentrate sa math lessons niya which is surprisingly his favorite subject, aside from “Applied” Human Anatomy.
All he wants to do is measure the curves of Joonmyun’s body through his (insert rated SPG thoughts here). And perhaps some other “curve” pa, if it curves, that is.
It’s also complicated how Kuya Joonmyun starts to act so distant, as if he’s back to square one again.
Just as when Kuya Joonmyun is responding to his advancements already, bigla na lang wala na ulit. Awkward na ulit?
Buntong-hininga. Where did he go wrong?
***
“So Kuya Joonmyun,” (Mahirap talaga para kay Joonmyun ang marinig na tinatawag siyang ‘kuya’ ni Jongin. Kakaiba eh, parang may halong pagnanasa at kalaswaan). “What made you decide to go to UP?”
Hihinga ng malalim si Joonmyun. Susubukan niyang hindi pansinin ang lingering touch ng mga makikinis na daliri ni Kai sa kanyang hita.
Dahil medyo nailang siya, uurong siya sa papunta sa kabilang dulo ng sofa.
Sa sobrang kaba, hindi niya mapapansin ang hurt expression ni Kai.
“Sabihin na nating dream school ko ang UP,” pilit na ngiti ni Joonmyun, although feeling niya kinokonbulsyon ang mga muscles nya kasi tumataas ang kamay ng binata (emphasis on binata, mind you, over 18 na po si Kai sa kwentong ito dahil K-12 curriculum na. Hindi makukulong si Joonmyun if ever ano... alam mo na) patungo sa isang off-limits na area not suitable for general audience. “Kasi isa sa mga pinaka-hinahangaan kong tao sa UP nag-aral eh.”
“Really?”
Himas himas. Caress caress.
“Really,” ubo ni Joonmyun.
“Actually right now, meron din akong ina-admire na tao, sa UP din nag-aaral,” Kai shyly admits, may blush pa sa cheeks, shifting his sexy image to an innocent one.
“And I think I really really want to pass the UPCAT to be with him.”
***
So Kai passes the UPCAT, much to the amusement of his mom, “Ha! Take that my kumares, my son is smart enough for UP!”
But somehow Joonmyun convinces him to think it over. Ayaw naman niya na siya lang ang maging dahilan kung bakit gusto ni Jongin mag-UP, no matter how sweet it is.
So Kai goes to Ateneo instead (although he gets to prove that not everyone in UP is aktibista pala), where everyone is not as sosyal as he thought din.
They will do friendly-bordering on-romantic things together like touring around UP making tusok-tusok the fishball and kikiam after classes, or going for a walk around the Sunken Garden to watch couples make out (Jongin: look Kuya Joonmyun o that’s so nice he’s feeding her his tongue). Sometimes, they’ll hangout in Katipunan instead, looking for a cozier atmosphere to study together or just simply enjoy each other’s company.
“Kuya Joonmyuuuuuun,” Kai whines as he makes lambitin to Joonmyun’s neck upon seeing him. “I missed youuuuuuu.”
Tatapikin ni Joonmyun si Jongin sa ulo, thinking “ang cute talaga ng batang to.” Hindi pa rin niya malagyan ng label kung anumang meron sila. Pero at least, sigurado naman si Joonmyun na masaya silang pareho.
Mapuputol ang train of thoughts ni Joonmyun nang nakawan siya ng halik ni Kai sa labi.
“You’re not paying attention to me naman eh!”
Joonmyun smiles, “Nakikinig po ako. More than you could ever imagine.”
Mga bata sa panahong ito, oo.
***
As for Wufan, masaya siya for his bestfriend. Eventhough Joonmyun doesn’t turn out to be his ‘happy ending’…maybe he gets his own later.
Tingnan natin.
***
A/N: Taos-pusong pasasalamat kay Karen. Para sayo ang laban na to.