Pamagat: Wishing on the Same Big Crib
Nilalaman: Yuri x FC
Dyanra: Fluff, Crack
Ebalwasyon: G
Buod
Ilang buwan nang nagsasama si Mopy at Chinen bilang mag-asawa ngunit hindi pa rin nabubuntis si Mopy.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
Tagpo: Yamada Residence, binyag ng pangalawang anak nina Jhen at Ryosuke
Marami ang imbitado sa baptismal party ng ngayo'y 2 weeks old na anak ng mag-asawang Jhen at Ryosuke. Nagtungo ang marami sa mga kaibigang babae ni Jhen, lalo na yung mga patay na patay sa mga kaibigang lalake ni Ryosuke na ginawang mga ninong ng mga anak nila. Pangalawang anak na nila ito, kung kaya't ang Oy! Sabi! Pito ang tumayong ninong, dahil ang buong oy! Sabi! Galing ang ninong ng panganay.
Habang busy sa reception ang nagpabinyag, umakyat naman sa 2nd floor ng bahay at tumungo sa kwarto ng baby ang 6 months nang kasal na si Mopy at Yuri. Excited silang makita si Baby Girl Yamada.
Nang pumasok sila, andun ang yaya ng bata at pinapadede sa tsupon ang bagong-gising na baby. Dali-daling pumunta sa may crib ang mag-asawa. Pinagmasdan nila ang napakagandang bata na talaga namang carbon copy ng panganay na lalaking 2 years old na ngayon. In short, mistulang bishounen yung panganay hehe~
Tuwang tuwa sila sa napakataba at napaka-cute na sanggol. Halatang mana sa tatay at nilamon lahat ng pinaglihian ng nanay. ipinanganak nang may 8.8 pounds. Muntik na daw i-cesarean ang inang si Jhen kung hindi lamang nakiusap ito nang matinding matinding matindi na gawing natural birth dahil ayaw niyang magkaroon ng malaking pangit na peklat sa tiyan dahil sa tahi. Arte. XD
[Author's Note: Detalyado ano? Alamin kung bakit. >:D<]
Kinausap ni Mopy ang baby nang hindi man lang nagbe-babytalk. Di na niya kelangan mag-babytalk mas maliit pa boses niya sa baby. Si Chinen naman, with matching piyok epek.
"Hello hello hello! Ang kyut kyut ni baby!"
"Hello. Ano? Kamusta si baby?"
Biglang pumasok si Jhen at binati ang mag-asawa. Inutusan nito ang yaya na ibaba ang baby sa garden dahil gusto itong makita ng mga bisita. Naiwan ang dalawa na nakatayo pa rin sa gilid ng crib at sinundan ng tingin si Baby Jheymi (from Jheyrhyn at Katsumi) hanggang nakalabas sila ng kwarto ni Yaya. Biglang nagsalita si Yuri.
"Tayo kaya? Kailan natin mararanasan tong magpabinyag?"
Natigilan si Mopy at medyo namutla. Hindi niya malaman kung paano sasagutin ang tanong ng asawa. Maya-maya'y nagtatakbo sa labas ng kwarto ang panganay na lalaking si Jenichi (from Jenine at Koichi) at narinig pa ng asawa ang mabibigat na mga yabag nito habang bumababa sa hagdanan. Matapos mawala sa pandinig ang pagkalabog ng sahig dahil nga sa pagtakbo ng bata, napansin ni Chii ang pagkatameme ni Mopy.
"Ack! Gomen, mahal ko! Di ko naman sinasadyang ma-offend ka! Wala naman akong masamang ibig sabihin dun!" paliwanag agad ni Chii.
"Hinde. Daijoubu. Napaisip lang naman ako sa sinabi mo."
"Sorry pa rin."
Tumalikod si Mopy. Nahihiya siya sa asawa niya. Anim na buwan na silang kasal ngunit wala pa ring nangyayaring pagbabago sa kanya. Pakiramdam niya tuloy, isa siyang epic fail na asawa. Naalala niya ang mag-asawang Kota at Mayel, na ngayo'y may siyam na o baka pa nga sampu nang anak. Nakaramdam siya ng sobrang inggit. Matapos ang sandaling katahimikan, niyakap siya ni Chii mula sa likod.
"Galit ka ba?" tanong ni Chii.
"Hindi... hindi."
"Sure ka?"
"Paulit-ulit?"
"I love you" sabay halik ni lalake sa pisngi ni babae.
Nangiti si Mopy sa halik ng asawa. Maya-maya'y pinugpog na siya ng halik ni Chii kaya nakiliti naman at tawa na ng tawa si Mopy habang pinapatigil si Chii sa panghahaliparot nito. Dahil sa kakulitan ni Chii, nahulog sila sa crib, kasabay ng isang tunog ng crack.
Namilipit sa sakit si Mopy. Palibhasa siya ang napailalim. Buti na lamang at andun ang mga sapin ng tulugan ni Baby Jheymi kaya di masyadong malakas ang impact. Humilab ang tiyan ni Mopy sa pagkakalaglag.
"Aray!" sigaw ni Mopy.
"zOMG! Sorry! Ok ka lang?" pag-aalalang tanong ng asawa sa kanya.
"Mukha ba akong ok?"
Nagkatinginan sila mula ulo hanggang paa nilang dalawa at nagtawanan. Kasi nama'y nagkasya silang dalawa sa crib.
"Hayy..." buntung-hininga ni Chii.
"Para san naman yang buntung-hininga na yan?"
"Wala lang. Miss lang kita."
"Pak! Landi nito."
"Minsan na nga lang ako maglambing eh..."
"Pok! Landi talaga. Kaya kita mahal eh."
"Malandi ka rin pala eh."
"Kaya mo nga rin ako mahal diba?"
"Aba! Gumaganon ka ah?"
Tawanan ulit. Then, long silence... At binasag ni Mopy ang katahimikan.
"Ne, ilan ba ang gusto mong anak?"
"Bat mo naman iniisip yan?"
"At anung gusto mong maging panganay?"
"Malamang, tao."
"Umayos ka nga."
"Wag mo na munang isipin yan. Ang importante kasama kita."
"Wala ka naman dapat ika-guilty."
"Saan naman?"
"Sa tanong mo kanina."
Natahimik si Chii. Maya-maya'y tumayo siya at umalis sa crib. "Tara na. Lagot pa ako kay Ate Jhen. Narinig ko nag-crack yung crib."
Hindi natinag si Mopy sa pag-iba ni Chii ng topic. Bumangon siya at umupo, at tumitig kay Chii. "Uy. Ano?"
Nagbuntung-hininga si Chii. "Ok. Uhmm... ikaw ang bahala. Kung ilan... kung babae ba o lalake... Di naman kita minamadali."
"Chii?" parang nagmamakaawang tanong ni Mopy kay Chii na sagutin nang maayos ang tanong nito.
Hinalikan ni Chii si Mopy sa labi. "Ang importante, gusto kitang makasama habambuhay."
"Hmmm...?" tukso ni Mopy. "Haha, landi talaga."
"Kaya mo nga ako mahal diba?" Nag-isip si Chii. "Uhmm... ilan ba ang gusto mo?"
"Well,... ilan ba ang kaya mo?"
"Aba! Bumabanat ka ah!"
Tumawa si Chii sa malanding banat ni Mopy at binuhat ang asawa palabas ng crib habang pareho silang nagtatawanan. Gusto na rin kasing tumakas ni Chii sa kwarto at baka mabisto pang sila ang nagpa-crack dun sa dambuhalang crib.
Malayo na ang isip ni Mopy habang bumababa sila ng hagdanan. Lahat ng tanong niya kay Chii ay mga pampalubag-loob lamang. Di pa rin niya masabi ang problema niya. Inisip na lang niyang marami namang mag-asawa na lumipas muna ng isang taon o dalawa ang pagsasama bago nagkaanak. Pero ayaw niyang matulad sa kanila. Di pa rin niya lubos mawari kung bakit wala pa ring nangyayari sa katawan niya.
Bumaba sila sa garden kung saan nagaganap pa rin ang reception. May 15 putaheng nakahanda. Ngunit wala pa rin ang ika-16, ang star of the food show. Na-delay yata ang order. Maya-maya pa'y sumigaw ang isang katiwala.
"Andito na po yung limang order ng lechong baboy!"
Maraming bisita ang na-excite sa pagdating ng main event ng buong chibugan affair. Kasama na roon si Mopy na paborito talaga ang naturang putahe.
"Uy, sakto. Andito na pala peborit mo."
"Oo nga eh. Kanina ko pa yan hinihintay, actually." habang sabik na sabik na ikinikiskis ang isang palad sa kabilang palad.
Nang ilatag na sa buffet table ang unang lechon, dali-daling lumapit si Mopy habang hila-hila ang damit ng asawa. Gawi na ni Mopy noon pa na singhutin muna ang napakabango at napakasarap na amoy ng mainit-init pa na bagong lutong lechong baboy. Ngunit, pagkaamoy niya ito, bigla na lang siyang naduduwal.
"Uy, Mopy, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ni Chii.
Tumango si Mopy. "Oo, ayos lang ako."
Tumingin si Chii sa lechon at inilipat muli ang tingin kay Mopy. Masama ang tingin niya sa asawa sabay sinabing, "bastos ka talaga."
Nagulat si Mopy. "Ha?!" Di umimik si Chii. Kinulit siya ni Mopy na magsalita. "Wooiii!! Bakit mo 'ko sinabihang bastos?!"
Nagmistulang barena sa katulisan ang nguso ni Chii habang tinuturo nito ng pa-bibig yung lechon sa mesa. Hindi na-getching ni Mopy. "O, ano naman? Anong meron sa lechon na nagpabastos saken?"
"Kunwari ka pa."
"EH?!"
Pinagmasdan uli ni Mopy yung lechon. Tinitgan niya hanggang lumuwa ang kanyang mata kakatitig sa kalunus-lunos na baboy. Siguro isang oras, ay joke, 5 minutes siyang nakipag-eye to eye contact dun sa nakalatag na hayop, bago niya na-realize ang ibig ipahiwatig ng asawa.
"Ikaw pala tong bastos eh." sumbat ni Mopy.
"O, bakit ako?"
"Ikaw lang nag-iisip ng ganun."
"Ng alin?"
"Hindi ko pinagtatawanan yung lechon kanina. Medyo nahilo lang ako."
Napahiya si Chii dahil mali ang inakala niyang iniisip ng asawa. Bigla siyang napaisip sa huling sinabi ni Mopy at nag-alala.
"Nahihilo ka kamo?"
"Oo eh. Dahil yata sa amoy. Di kaya sira na yung lechon? Nakakasuka talaga yung amoy eh."
Inamoy ni Chii ang simoy ng lechon. (lmao~ "simoy" XD) "Maayos naman ang lechon. Kung sira na yan, hindi na yan ipapahanda ni Ate Jhen. Baka pinagmumura na niya yung pinag-orderan niya."
"Sigurado ka ba? Iba talaga ang amoy eh."
"Baka guni-guni mo lang yun."
Tumapang lalo ang amoy ng lechon sa paligid nang mailatag na ang iba pang lechong baboy. Kasabay nito'y paglala ng nararamdamang hilo ni Mopy.
"Hindi ko na kaya. Kelangan ko na magbanyo."
"Natata ka?"
"Di ah. Grabe ka naman. May nahihilo ba sa pagkatata?"
"Malay mo. Sumakit ang ulo kakapigil," natatawang pangangatuwiran ni Chii.
"Ewan ko sayo." At iniwan ni Mopy si Chii na tumatawa pa rin sa kinatatayuan nito.
Tumakbo na si Mopy patungo sa guest restroom na katabi ng living room sa first floor ng bahay. Sa dahan-dahang pagkawala ng amoy ng lechon sa ilong niya ay dahan-dahan ding nawala ang hilo niya. Naghugas siya ng kamay sa lababo. Tiningnan niya ang sarili sa salamin at biglang umiyak. Ilang sandali lang ay may lumabas sa cubicle na isang babae na medyo may kapormalan ang suot at tinanong siya kung bakit siya umiiyak.
"O, Mopy, anung kinadadrama mo jan?"
" *singhot* Doktora..."
Si Doktora Windii pala, ang OB-GYN ni Jhen na nakilala dahil nagawan nito ng paraan na mag-natural birth nang safe si Jhen kahit cesarean na dapat ang procedure. In fairness, mabait si Windii at si Mopy sa isa't isa ngayon, kahit na almost 2 years ago, abot universe ang love triangle nila with the pandak. Dahil kaya may okasyon ngayon kaya ayaw nilang gumawa ng eskandalo, o may iba pang dahilan? Alamin ulit. >XD
"Ano ba'ng iniiyak mo?"
"Eh kase... *singhot* kase..."
"Kase?"
"Si CHIIhuahua ko..."
"Nag-away kayo, ano? Sabi sayo eh, kami na ang tinadhana noon pa. Kaso pinagpilitan mong kayo."
Napasimangot lang lalo si Mopy. Pero in fairness, tumigil ang pagka-best actress niya. Nagalit yata.
Bumawi naman agad ang doktora. "Uy, joke lang, anu ba. Ang tagal na nun. Mas naka-move on pa yata ako sayo ah. Ano ba ang problema mo?"
Gumaan ang loob ni Mopy at sinabi rin ang problema sa doktorang alam niyang pinakamay-alam sa problema niya.
"Kase... 6 months na kaming kasal ni Chii. Siniguro ko pa nga na ovulation days ko yung kasal at honeymoon. Pero... ayun.
"Hindi ka pa rin nagbubuntis," sagot ng doktora na di malaman kung pasalaysay ba o patanong ang tono.
Tumango si Mopy. Nahihiya siya dahil sa dinami-dami ng pwede niyang sabihan ay ang dati pa niyang karibal. Ngunit kinomfort pa siya ni Windii. "Anu ka ba. Di naman ibig sabihin nun, baog ka na. Sure kang wala ka pang nararamdamang kahit anong kakaiba?"
"Ewan ko," sagot ni Mopy.
"Umayos ka nga. Isipin mong mabuti. Ngayong araw?"
"Ngayong araw?" pag-ulit ni Mopy sa tanong ni Windii. Nag-isip siya ng malalim, malalim na malalim feeling niya siya si Jimmy Neutron, at sa kakaisip niya ng malalim ay nabobo yata siya sa kakaisip kaya naisip na lang niyang ibahin ang usapan.
"Ay, oo nga pala, napansin moba yung sa lechong baboy kanina?"
"O, what's with the lechong baboy?" pakiki-ride on ni Windii na medyo natatawa. Sinaway siya ni Mopy. "Uy. Seryoso ako."
Tumigil si Windii sa pag-"giggle" pero medyo nangingiti pa ri [Author's note: CONYO? pag-"giggle" talaga? XD]. "O, what's with the lechon nga?"
"Nag-alala ako. Ang baho eh, sobrang nakakahilo talaga. Parang sira na siya. Baka ipakain pa sa ibang bisita. Nahihiya lang ako magsabi kina Ate Jhen."
Nawala ang ngiti sa mga labi ng doktora at tumingin kay Mopy nang buong pagtataka. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Nakakain ako kanina dun sa lechon at wala naman problema."
Nagtitigan sila nang matagal. Sa likod ng utak ni Mopy, "May diperensiya yata pang-amoy ng mga tao ngayon? Ako lang nakaamoy ng mabaho dun sa lechon." Sa likod naman ng utak ni Windii, "May problema si Mopy. Sa pang-amoy." Maya-maya'y hinalungkat ni Windii ang magulo niyang shoulder bag. Mula sa kailaliman ng bag, may hinugot siyang maliit na parihabang kahon. Kasabay nito'y nahulog ang kaniyang cardholder. Pinulot ito ni Mopy at nagulat sa kanyang nakita.
"OMG!" as in with the exclamation mark na pagkakasabi ni Mopy.
"Hala mo? Nakakita ka ng multo? Eto nga pa-"
"T-teka lang... Windii..." Namumutla na si Mopy.
"Anu ba yun?!"
Tinuro ni Mopy ang nakita niyang kagula-gulantang. Naroon sa pinakaharap na pocket ng multiple cardholder ang doctor's license ni Windii. License renewed: just 8 months ago. Issued to: Windii Nakajima, M.D.
Natawa si Windii sa reaction ni Mopy. "Hahaha! Yan ba? Naunahan pa kita, ano?"
"K-kelan pa?" pautal-utal na tanong ni Mopy.
"Anak ng... walang sinabi ang asawa mo sayo?!"
"Kaya nga ako nagtatanong diba?"
"Sori na. Naalala mo ba last year? Yung nagbakasyon kayo ni Yuri after ko bumigay?"
"Oh? And then?" buong interes na pakikichismis ni Mopy.
Pinagpatuloy ni Windii ang storytelling session. " Siyempre, super-brokenhearted ang lola mo. Ako nag-give way eh. Tae lang. Pero siya ang nag-comfort saken habang nagpapakasasa kayo sa bakasyon niyo. At dun na nga nagsimula."
"Teka, teka. Sinong "siya" ba ito? Sinong Nakajima ba to?" nalilitong tanong ni Mopy.
"Si Yuto, ano ba. Susme, kung si Kento? Never ko ngang nakausap yun eh. Di kame close. Open lang."
"Sori?" Sabay tawa ni Mopy.
"Ay anu ba, bakit ba natin pinag-uusapan yan? Eto oh." Sabay abot kay Mopy nung maliit na kahon.
"Anu to?"
"Pwedeng basahin diba?" Natawa ang doktora sa sarili niyang pagbara. Self-support.
"Alam ko, pregnancy test. And then?"
"Kaloka to. Malamang gamitin mo. Sinabi ko bang ibenta mo?"
"Bakit naman?"
"Nahilo ka kamo kanina diba?"
"Yung lechon nga..."
"Shhh! Tahimik! Di mo malalaman kung di mo susubukan."
"Eh panu to gamitin?"
"Pwede ulit basahin."
"Daya nito. Ikaw tong doktor dito eh."
"Libre na nga yang PT, pag-aaksayahin mo pa ako ng laway."
"O sige na! Eto na, papasok na ako sa CR..."
"Very good. Hintayin kita dito. Good luck!"
Matapos ang 7 minutes, lumabas si Mopy. Namumutlang namumula. Di malaman. Nako-constipate yata. Nahihiyang humingi ng Dulcolax. Si Windii na ang nanguna, "O, ano?"
Kinakabahang inabot ni Mopy ang PT sa doktora na nanlaki ang mata at palipat-lipat ang mata sa PT at kay Mopy. Bahala na kayong mag-imagine kung masaya ba sila or disappointed.
Sabay silang lumabas ng CR at naghiwalay ng landas mula sa pinto ng bahay patungong garden. Di niya alam kung pano niya ito sasabihin. Paulit-ulit niyang naririnig sa kanyang tenga ang mga huling salita sa kanya ng doktora.
"Sabihin mo sa tamang lugar."
Natataranta na si Mopy. Para siyang napipi. Maski nang salubungin siya ni Chii at sinabihang kumain na, wala siyang ibang naisagot kundi tango. Nawawala siya sa sarili. Napakalayo ng nilalakbay ng utak niya.
"Uy," tawag ni Chii. "Ano bang nangyayari sayo? Ang sabi ko, kain na."
"Chii..."
"Bakit? May sakit ka ba?"
"Gusto ko nang umuwi."
"Agad? Tsk. Sayang tong pagkain oh. Ang dami ko pa namang kinuha kasi balak ko salo tayo." Napansin niya ang mukha ni Mopy na parang natatae sa pagka-irita. "Talaga bang gusto mo nang umuwi?" Nagtangong-Hapon si Mopy.
"O sige. Kunin ko yung kotse. Magpaalam ka na kina Ryosuke." Tangong-Hapon naman ulit si Mopy, yung mala-Shida Mirai sa 14 Sai no Haha.
Maya-maya'y humarurot na ng takbo ng kotse ng mag-asawa. Nagsalita si Mopy nang medyo makalayu-layo na ang sasakyan sa pinanggalingan. "Anou~, may dadaanan muna tayo."
"Eh?! 'Kala ko ba gusto mo nang umuwi? Magpapahinga ka diba?"
"Sandali lang tayo," pilit ni Mopy.
"Ok. Saan ba?"
"Sa mall."
Nag-iba ng direksyon si Chii patungo na ng mall habang natataka sa kinikilos ng asawa. Pareho silang hindi umiimik sa loob ng sasakyan.
Pagkaparada na pagkaparada sa parking lot ng mall, dali-daling bumaba ng kotse si Mopy nang hindi na hinihintay ang pag-escort ng asawa at lakad-takbo na dumiretso sa entrance, habang si Chii naman ay nasa likod niya at humahabol sa nagmamadaling asawa. Pagkapasok sa entrance, walang kaimik-imik na binasa ni Mopy ang floor plan at sumakay ng escalator, habang muntik namang maiwan si Chii, buti na lang at nakita pa rin niya na nakasakay na sa escalator si Mopy bago ito matakpan ng malalaking tao. Tumakbo siya at sumunod agad sa escalator.
Napakabilis ng lakad ni Mopy. Kasing-bilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya'y sasabog na ang dibdib niya. Matapos ang ilang minutong pagliliwaliw sa mall nang hindi man lang tumitigil saglit para magpahinga, tumigil siya sa paglalakad at pinagmasdan ang bungad ng isang napakalaking tindahan. Maya-maya'y dumating si Chii at hinihingal na tumayo sa likod niya habang palipat-lipat ang tingin sa malaking tindahan at kay Mopy, nagtataka sa kung anuman ang tumatakbo sa isip ng asawa.
Nagsimula ulit kumilos ang mga paa ni Mopy papasok sa malaking tindahan. Sinalubong siya ng isang saleslady na bumati ng buong galang. "Good afternoon, Ma'am. Welcome to our department store. Anu pong kailangan nila?"
Nakabuntot pa rin si Chii kay Mopy. Tinititigan nito ang asawa, hinihintay ang sagot sa tanong ng saleslady.
Nanunuyo na ang labi ni Mopy sa lamig ng buong lugar at sa kaba. Napakabigat ng dating sa kanya ng presensya ng kanyang asawa. Di nagtagal, buong tapang niyang sinagot ang tanong ng saleslady sa pamamagitan rin ng tanong.
"Saan dito ang Baby's Section?"
~おわり~
------------------------------------------
A/N: I remember I started writing this thing last January, when instead of preparing for an oral midterm exam in Philosophy, a plot suddenly popped out of my mind involving Chinen and this girl. Yeah~ haha it took me a few days to finish writing this, but it took me two weeks before I can finally post this into my FB account, since right after my midterms I had been busy rehearsing for a cheerdance competition in our school's intercollege intramurals. I was so happy with the remarks of my FB friends on this fic, so I guess this is the best fic I have done so far.
And why am saying things in English here? Isn't this supposed to be a Tagalog fic? XD
Anyway, thanks to anyone who reads this! Comments are loved! :))