Some Things are Better Left Unsaid

May 16, 2011 17:45

Pamagat: Some Things are Better Left Unsaid
Nilalaman: YamaJima
Dyanra: Angst
Ebalwasyon: PG-13

Mensahe ng May-akda:
==fail. minadali.
==at... at... ang hilig ko sa tagfics na english or maraming english sa title.
==tinatype ko to habang may lumilipad na ipis sa ibabaw ko. DDD:
Buod: Sa likod kuno ng kasikatan ni Yamada...

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
*camera flash*

"Welcome back to our show! Kasama pa rin natin ngayon ang dalawa sa 3-member group na NYC, sina Yamada Ryosuke at Chinen Yuri. So, tanong ko lang kay Yamada-san, anu-ano ba ang..."

Day-off mula sa trabaho ni Yuto. Katatapos lang ng concert tour ng Hey! Say! JUMP at Sunday ngayon. Tuwang-tuwa siyang pinanonood ang parihabang bagay sa harap niya, habang umiinom ng tsokolate na hindi inaalintana ang init na dumadaloy sa lalamunan niya, dahil sa kanyang napapanood.

Si Yamada ay nagpo-promote ng bagong single ng NYC.

-------------------------------------------

"Oy, Yuto, tara practice na tayo."

"Sige ba," sabay kuha sa kanyang pinakamamahal na drumsticks at nagsimula nang laruin ang pinakapaborito niyang instrumento.

Ewan ba ni Yuto pero sa tuwing nagda-drums siya, pakiramdam niya'y langit ang lahat. Nakakalimutan niya ang lahat ng kanyang mga problema at pagod. Kapag nagsimula na siyang mag-drums at todo sa pag-headbang, mahirap na siyang pigilan.

Maya-maya's nagsimula nang sumabay si Hikaru gamit naman ang bass nito. At magkasabay na silang naghe-headbang sa piyesang kanilang tinutugtog.

Biglang may pumasok sa kwarto. "Ay, ang daya! Nagpapraktis na pala kayo dyan! Ulit! Sasayaw ako!"

Kilala niya ni Yuto ang boses na iyon. Napangiti siya, ngunit di niya iyon pinahalata at nagpatuloy lang sa pagtugtog at pagheadbang at gayundin si Hikaru dahil pareho silang nasa heaven na dinudulot ng tunog ng kani-kanilang paboritong instrumento.

Bumukas ulit ang pinto. "Yamachan!" Sabay bagsak ng pinto. May tiyanak na biglang sumulpot at patakbong lumapit sa sumasayaw na baboy. "Ang daya mo! Ba't mo naman ako iniwan doon?"

"O, Yuto, ano'ng nangyari?" tanong ng sungking bassist na napatigil din sa pagtugtog nang mawala ang tunog ng drums. Napatingin din si Yamada at Chinen sa kanya.

"Ay sorry, nabitawan ko kasi yung isang drumstick."

"Naku. E buti na lang at hindi ito ang actual performance. Kailangan talaga natin ng practice," puna ni Hikaru.

"Sorry talaga. Ulitin na lang natin." Pinulot ni Yuto ang tumalsik na drumstick at bumalik sa kanyang upuan. Huminga siya nang malalim bago tumugtog ulit.

-------------------------------------------

Nakatitig si Yuto sa karagatan. Mali. Sa kawalan. Nasa Hawaii siya ngayon kasama ang pito sa kanyang mga kagrupo at malalapit na kaibigan, ngunit sa gabing ito'y napili niyang mapag-isa sa tabi ng dagat kaysa makigulo sa kanila. Nagising ang diwa niya sa isang kamay na pumatong sa balikat niya.

"Okay ka lang?" tanong ni Keito sabay alok sa kanya ng softdrinks-in-can at umupo sa tabi niya.

Kinuha niya ang inumin. "Oo naman."

"Hindi."

"Ha?" Nagkaila pa si Yuto. "B-bakit mo naman nasabi?"

Nagbuntung-hininga si Keito. "Aminin mo. Nami-miss mo sila."

"Ano?"

"O sige. SIYA na lang, hindi na SILA."

Hindi na nakakontra pa si Yuto nang umakbay si Keito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, ang alam ko nandito na sila bukas. Natagaln lang daw sila sa shooting kasi umulan kahapon sa New York." Sabay ngiti sa kanya ng ngiting wagas ni Keito.

Lumingon si Yuto sa iba pang mga kasamahan na abala sa pag-iihaw. "Tara, Keito, gusto kong kumain ng barbecue," anyaya nito na may pilit na ngiti sa kanyang mga labi.

-------------------------------------------

Napakalaki talaga ng opisina ni Big Boss. Narito na naman si Yuto sa kanyang opisina; maraming beses na siyang nakakapasok dito, kung kaya't komportable na siya kahit pa ang pinakanakatatas sa kanila ang kausap niya.

"So... Nakajima-kun, maghanda ka na at next week na ang preparation para sa Your Seed single. Sinasabi ko to sa'yo dahil... alam mo naman. Inaasahan kita dito."

"Ahmm... Sir?"

"Yes?"

"Pwede po bang hindi ako?"

Nanlaki lang ang mga mata ng kausap niya.

"Simula pa po kasing sumali ako sa agency hanggang sa na-release ang Dreams Come True, ginagawa ko po talaga ang best ko sa trabaho palagi. Pero malapit na po akong mag-high school. Gusto ko po sanang pagbutihan naman ang pag-aaral ko."

"Pero marami ang nag-aasam na makuha ang atensyong binibigay ng mga fans sa'yo ngayon. Paano mo nasasabi 'yan?"

"Gusto ko na po talagang mag-aral nang mabuti."

"Hindi mo alam kung ano'ng sinasabi mo. Tinatanggihan mo ang biyayang nasa harap mo na..."

-------------------------------------------

P.E. time. Umiinom si Yuto mula sa drinking fountain sa likod ng gymnasium ng Horikoshi Gakuen at muntik na siyang mabulunan nang biglang may sumulpot sa gilid at tinawag ang pangalan niya.

"Yuto."

Nanginginig ang mga labi ni Yuto nang makita niya kung sino iyon.

"Yuto, mag-usap tayo."

Hindi rin nagtagal at tumugon din si Yuto. "Ano ba'ng gusto mong pag-usapan natin?"

"Bakit mo 'ko iniiwasan?"

"Iniiwasan ba kita?"

Short but long silence. In short, katatamtaman.

"Hindi mo na ako kinakausap tulad ng dati. Diba ikaw pa nga ang laging unang nag-aapproach sa akin noon? Nagbago ka na."
Short but long silence ulit. In short ulit, katamtaman ulit.

Binasag ulit ni Yamada ang katahimikan. "Magtapat ka nga. Nagseselos ka ba?"

"Ano kamo? Nagseselos?"

"Pero simula nang ako ang..."

"Kung gano'n, ikaw ang nagbago."

"Ano'ng sinabi mo?"

"Hindi ko akalaing pag-iisipan mo ako ng ganyan."

Umalis si Yuto at bumalik ng P.E. class. Naiwan si Yamadang halatang nanghina at nagtataka sa mga salitang narinig sa dating pinakamatalik na kaibigan.

-------------------------------------------

2008. Pagkatapos ng Dreams Come True guesting ng JUMP. Dressing room.

"Hayy! Yuto, ang saya no? Grabe, second single na natin pero di pa rin ako makapaniwalang debuted na ako!"

"Hahaha, ikaw talaga, Yamada."

"Pagbigyan mo na 'ko. 'Di tulad ko, mas marami ka nang naging shows."

"'Kala mo naman hindi mahirap?"

"Hindi 'yan mahirap. Lagi mo pa rin kaya akong kinakausap."

"Siyempre naman, kaibigan kita kaya lagi akong may oras sa'yo."

"Sus, drama pa. Hayy... sana magkaroon din ako ng maraming drama tulad mo. O kaya naman maging lead singer ng JUMP. Kahit minsan lang naman. Ang saya siguro nun no?"

-------------------------------------------

Maaga pa lang ay nasa rehearsal room na ng JUMP si Yamada, naghahanda para sa isa na naman guesting ng NYC sa Music Station. Siya pa lang ang JUMP member na nasa kwartong iyon.

Hindi niya maalis ang simangot sa kanyang mukha sa tuwing naaalala niya ang mga salitang sinabi sa kanya ni Yuto. Wala siyang maintindihan. Hindi siya mapakali; minsan nagdadabog, minsan naman uupo lang sabay facepalm.

Nagkataong pinagsisipa nya ang dingding nang biglang dumating sa rehearsal room si Keito na halatang nagulat sa naabutan. Noon lang niya naabutang nagkakaganoon si Yamada.

"Hey, Yamada. Ano'ng nangyayari sa'yo?"

Tumigil si Yamada sa pagdadabog. "Wala. 'Wag mo 'kong pansinin."

"Pwede ba naman wala?" nilagay ni Keito sa may upuan ang bag niya, pinipilit itago ang facial expression niyang nagsasabing may kutob siya. "Ngayon ka lang nagkakaganyan."

Isang nakakatakot na tingin ang sinagot sa kanya ni Yamada. Hindi ito napansin ni Keito dahil abala ito sa pagkalikot sa mga gamit niya.

Hindi na napigil ni Yamada. "Ano'ng ginawa mo sa kanya?"

"Ha? Hindi kita maintindihan." Tuloy-tuloy pa rin si Keito sa ginagawa.

Sinugod ni Yamada si Keito at hinawakan nang mahigpit sa kwelyo nito. Nanginginig ang mga kamay nito at masama ang tingin. Ngayon niya lang ito nagawa sa tanang buhay niya, lalo pa't sa isang kagrupo at kaibigan. "Ano'ng ginawa mo kay Yuto?"

Tiningnan lang siya ni Keito at ni hindi man lang nagpumiglas. "E ikaw? Ano'ng ginawa mo sa sarili mo?"

Madali nang natanggal ni Keito ang mga kamay ni Yamada sa kanyang kwelyo nang mawala ang higpit nito dahil sa kanyang tanong.

"A... ano ba'ng nangyayari?" parang nawawala na sa sarili si Yamada. "Hindi na ako kinakausap ni Yuto tulad noon. Ikaw! Ikaw ang lagi niyang kasama ngayon diba? Ano'ng ginawa mo sa kanya?!"

"Bakit ba ako ang sinisisi mo? Subukan mo ring tingnan ang sarili mo! Ano'ng ginawa mo sa sarili mo? At anon'ng ginawa mo kay Yuto?!" This time, sumisigaw na rin si Keito.

"A... ako?" pabulong na nasambit ni Yamada dahil sa panghihina at pilit na pagpipigil ng luha.

"Oo. Ikaw. Hindi ako ang dapat na sinisisi dito. Magpasalamat ka pa nga dahil ako ang naasahan ni yuto nung mga panahong nagpapasarap ka sa kasikatan mo!"

Napapailing nang parang baliw si Yamada. "Hinde. Hindi totoo 'yan."

"Gusto mong malaman... kung bakit 'di ka na niya kinakausap? Bakit ka niya kakausapin, kung lagi ka nang busy? Tapos lagi ka naman kinakausap ni Chinen at Daiki diba? Ayaw na niyang makadagdag pa dahil baka makasagabal lang siya sa schedule mo.

Lahat ng ito... ginagawa niya para sa'yo. Pero hindi mo iyon nakita. Sinabihan mo pa siyang nagseselos sa'yo. Kahit kailan, hindi niya iyon naramdaman. Lagi siyang masaya sa tuwing may achievement ka. Ang unfair mo, Yamada! Lagi siyang may oras sa'yo kahit noong panahon niya. Ngayong ikaw naman, hindi mo na siya napapansin. Gusto mong ikaw ang lagi niyang ina-approach? Ano'ng klaseng kaibigan ka?!"

"Hindi totoo 'yan!"

"Yun ang totoo! At alam ko ang lahat ng 'yan dahil ako, imbis na ikaw, ang nagiging sabihan niya ng problema ngayon. Ngayon sagutin mo ako, ano'ng ginawa mo kay Yuto?"

Pagkatanong nito'y lumabas agad si Keito na nanginginig na rin sa galit. Naiwan si Yamada na tuluyan nang iniwan ng lakas at bumagsak at napaluhod sa sahig. Hindi niya namamalayang dumadaloy na ang luha sa kanyang mga mata, pababa sa kanyang mga pisngi at baba.

-------------------------------------------

"Sana magkaroon din ako ng maraming drama tulad mo. O kaya naman maging lead singer ng JUMP. Kahit minsan lang naman. Ang saya siguro nun no?"

"Hayaan mo, Yamada. Alam kong mangyayari din 'yan."

......

"Pero marami ang nag-aasam na makuha ang atensyong binibigay ng mga fans sa'yo ngayon. Paano mo nasasabi 'yan?"

"Gusto ko na po talagang mag-aral nang mabuti."

"Hindi mo alam kung ano'ng sinasabi mo. Tinatanggihan mo ang biyayang nasa harap mo na."

"Alam ko po."

"Alam mo? O sige nga, sino namn sa tingin mo ang pwedeng pumalit sa'yo?

"Kaya na ni Yamada 'yan."

"Si Yamada? Hmm... may potential nga naman siya. At alam mo naman sigurong 'pag naging successful si Yamada, mahihirapan ka nang bumalik sa spotlight."

"Alam ko po iyon. At naihanda ko na ang sarili ko."

~おわり~

[fanfic] pairing: jump x jump, [fanfic] rating: pg-13, [fanfic] language: tagalog, [fanfic] type: oneshot

Previous post Next post
Up