Pamagat: Baby, You're a Firework
Nilalaman: Hikaru Yaotome x Emi Takei
Dyanra: Fluff
Ebalwasyon: PG-13
Mensahe ng May-akda:
=YaoTakei shippers! This for thee. :D At sa mga interesado na ring mag-apply as shipper. ヾ(¯∇¯๑)
=first time kong mag-post sa LJ via phone and app, at mamatay-matay ako sa editing kasi di ako sanay D:
=This follows another YaoTakei story btw, written by another person; this is like the sequel so most ideas and that author's style are followed. But it's okay if that author wants to make other YaoTakei fic for new year. I just can't get YaoTakei outta my head lol. (Mayel, pakisabi na lang hahaha)
NP in my mind: Shake by SMAP
Buod: New Year's Eve at wala nang mahihiling pa si Emi.
----------
Woot, December 31. O kay tulin ng araw.
Nakailang drama at movie na nga ba ako nitong 2012?
Tinatamad na akong bilangin. Ayokong i-stress-in ang sarili ko dyan. Sayang sa brain cells.
Ano ba pwedeng New Year's resolution?
Dahil feelingera akong good girl na walang bad habits, wala.
Wish?
Makasama uli si Hikaru pagpatak ng alas-dose?
Nah.
Okay na'ko. Sinamahan na niya ako nung birthday ko e.
At, this time, totoong live na 'yung trabaho niya.
Ayoko nang makigulo sa Johnny's Countdown. Baka ako yung kuyugin 'pag nalaman nilang nasa audience ako.
Ahahahaha 'chos. Feelingera lang.
Kalikot the phone muna.
Pindot. Pindot.
Uy.
Sinong may birthday?
Si Koichi Domoto ng Kinki Kids daw. Karamay ko pala siya sa Samahan ng mga Tipid-Handa. Mantakin mong January 1 ang birthday.
Nagsimula na kaya yung concert?
Try ko kaya tawagan si Hikaru.
Tas sabihin ko mali yung nasa birth certificate ko. Kunwari January 1 pala talaga birthday ko.
Bwahahahahaha.
Nasobrahan yata ako sa endorphin nung chocolate cake nun pang birthday ko.
Makapag-TV na nga lang.
Anung station na nga ba uli yun?
Buti 'di na nawawala 'yung remote. Makakapag-flail na 'ko mag-isa sa kwarto ko.
Napadaan ako sa MTV Japan. Japan pero may Katy Perry dito.
"Baby you're a firework~♩♬"
Ay halaka. Pumuputok 'yung baby. Kawawa naman. Haha. K.
Lipat channel.
Ayun. Hula-hula din. Parang andaming mga taga-Johnny's e.
May nagro-rollerskates pa. At teka, parang kilala ko 'tong isang malandutay na lalaki dito a.
Ah. 'Yung kasama ni sungki ko nung araw na natapilok ako nang bongga. 'Yung tan ang kulay.
Ang tagal naman. Pero actually 2 minutes pa lang ang nakakalipas simula nang buksan ko ang TV. E sa gusto ko na makita si Hikaru e.
"MIKAAAAY!"
Boses ng nanay ko.
"MIKAAAAY!!!"
Sa totoo lang, nai-imagine kong nagmamala-Jingle Bells ang peg ng ngala-ngala ni okaasan ngayon.
Biglang bumukas ang pinto. "Ate!" Kapatid ko. "Kanina ka pa tinatawag sa baba."
"Di ko naman narinig."
"Sukdulang abot-Pilipinas na 'yung boses ni okaasan, di mo pa narinig? Kukuhanan ka na ba namin ng hearing aid?"
Lokong bata 'to a. "Iba naman 'yung tinatawag niya a. 'Mikay' pa nga ata. May multo na ba dito sa bahay?"
"Ikaw kaya 'yung Mikay."
"Saang lupalop niyo naman napulot 'yan?"
"Feelingerang techiemom kasi si okaasan. Kaka-internet niya natuklasan niyang sikat ka na sa Pilipinas at 'Mikay' ang tawag sa'yo ng mga tao dun. Anyway, bumaba ka na. O baka gusto mong mamatay sa gutom sa mismong araw ng New Year. MIKAY." Sabay sinara na niya ang pinto.
Back to business. Kiber ko sa mga nickname na 'yan.
Shet.
Bungad agad sa paningin ko paglingon ko pabalik sa TV.
Kyaaaaaa~
Uh, okay. Emi, sarili mong kwarto ito. So...
"KYAAAAA!!!"
Bawal magpigil e. Baka maging utot pa.
Ay leche flan.
Ambilis talaga ng camera lumipat 'pag hindi si Yamada ang focus.
Hala. Wala na. Lumipat na sa Osaka 'yung broadcast.
Tumingin ako sa wall clock. 15 minutes before New Year.
Bumukas uli ang pinto. "MIKAY." Napangiwi na lang ako sa pangalan. "Dating gawi, isulat mo daw wish mo para sa New Year." Sabay abot sa'kin ng papel at crayola. Nasa'an na ba ang mga bolpen dito sa bahay?
"Fine. O siya, layas."
"Hinihintay ni okaasan 'yang papel."
FINE. Habang witits naman ako manood ng JCD Osaka dahil wala dun si labiduds, isip muna.
Tumingin ako sa kwarto ko. Baka sakaling may kulang dito, e kahit 'yun na lang.
Wala talaga.
Napatingin ako sa may bintana.
Wala pa mang alas-dose may fireworks na. Choo dami the colors.
Fireworks.
Fireworks!
Kung maka-excite naman ako sa fireworks, 'kala mong may bumbilya na umilaw sa ibabaw ng ulo ko.
Pero 'di pa 'ko nakakasubok ng ibang fireworks e. Corny na 'yung sparklers. Kung hindi sa ikaw mismo ang may hawak, e sa mga drama mo makikita.
Sinulat ko na lang basta sa papel ang "fireworks". At inabot sa kapatid ko na umalis agad.
Tama ba 'yung hiniling ko? I mean...
Gusto ko sana 'yung fireworks ngayong New Year mismo. E anung oras na.
Napatingin uli ako sa wall clock. 5 minutes.
TV ulit. Usap-usap between Tokyo & Osaka. Owee~ lapit na countdown.
Nanghihinayang ako sa wish ko. Gusto ko sana ako 'yung nagpapaputok e.
No choice. Audience pa rin ako sa fireworks.
"10!"
Ay hala shet ambilis ng 5 minutes!
"9! 8!"
Ilang segundo na lang, New Year na.
"7! 6! 5!"
Ako lang ba ang taong nakasalampak sa sahig ngayon?
"4! 3!"
E kung bumaba na lang ako para lumafang?
"2!"
No. Fireworks!
"1!"
Napasugod na'ko sa may bintana.
Gandaaaaa. With matching nganga.
.
.
.
.
.
Totoo ba 'yung nakita ko?
.
.
.
Eh?
Nganga.
.
.
.
NASA'AN NA 'YUNG PHONE KOOO???!!!
Kahit 'yung tira-tirang usok man lang, makuhanan ko ng pichur.
Waaah.
Mamamatay na 'ko sa kilig.
Hayup ka talaga, Hikaru. Kaya I love you talaga e.
Tama lang pala 'yung hiniling ko.
"光 ♡ エミ"
--
(omake)
"Omatase!" Bungad ni Hikaru sa kwarto ko.
Napatingin ako sa wall clock. 3:00AM. "Ba't di ka pa nauwi? Anong oras na kaya." Eching. Kahit sa totoo lang, ang gusto ko talagang itanong ay kung bakit ngayon lang siya.
"Ayaw mo? Uwi na ko." At literal talaga siyang lalabas ha.
"Sige na, dito ka na muna."
Biglang balik at naupo din sa sahig. "Ne ne, nakita mo?"
"Ang alin?" Eching. Ngayon ko lang nalaman na marunong ako ng ganitong mga kalandian.
"'Yung fireworks. 'Wag mo sabihing hinde."
'Di ako nakapagpigil. Kawawa naman, baka umiyak. "Neeee, bakit naka-katakana 'yung pangalan ko?"
"Nahirapan kasi 'yung crew sa kanji ng pangalan mo e. Oo na lang ako, kesa wala. At tayo lang naman siguro ang Hikaru-Emi sa balat ng lupa?"
Heeeeh. ( ̄▽ ̄)
Napaakap na lang ako sa braso niya.
Sa sobrang kilig ko napakanta na lang ako.
"Baby you're a firework~♩♬"
Ramdam kong sinasabayan niya ng headbang 'yung kanta.
"You make me go oh oh oh~♩♬"
Bigla siyang napatingin sa'kin. "Parang ang sama nun pakinggan a."
Nakunutan ko siya ng noo. "Ay leche ka."
。 おわり 。