Adoption

Feb 22, 2013 00:14

Pamagat: Adoption
Nilalaman: Hikaru Yaotome x Emi Takei
Dyanra: Fluff
Ebalwasyon: PG-13

Mensahe ng May-akda: Sorry, I badly wanted to post something YaoTakei on Valentine's but exams were coming ;; and I can't write something longer because sabaw utak is sabaw already
=wandafurudei oberdrayb

Buod: Anak. Child. Kodomo. Basta may kinalaman dun.

----------

So habang iniisip ko kung bakit laging dito kami sa sarili kong bahay tumatambay nitong syota kong sungki at parang 'di pa yata ako nakakaapak ni sa isang butil ng alikabok ng bahay naman nila, e halos durugin naman ni Sungki ang cellphone niya sa kakapindot ng madiin.

"Ang gulu-gulo naman. Bwisit naman 'tong buntis na 'to," inis na inis na sabi ni Hikaru.

"Omaigad! Buntis si Inoo?!" gulat na gulat ko pang sabi.

Saglit lang siyang napatingin sa akin dahil sa sinabi ko sabay balik ang tingin sa cellphone. "Alam kong maganda si Inoo pero lalake siya. Si Takaki ang tinutukoy ko."

"Omaigad! Nakabuntis si Takaki?!"

"'Pag si Inoo, buntis, pero pag si Takaki, siya ang nakabuntis? Is this some kind of discrimination," sinabi niya sa tonong parang hindi naman patanong pero patanong yung grammar. "Si Takaki 'yung buntis. Grabe, lampas 9 months na nga 'yang dinadala niyang bilbil. Tsk, nakakainis na tong Bakaki na to. Mayaman na siya, mag-aral na siya ng Computer Science, hindi yung bubulabugin na naman niya kami 'pag may biglang na-post siyang purikura nila ng girlfriend niya. 'Di naman namin kasalanan kung mahilig siyang maglandi in public."

Pinatay niya ang cellphone niya para iwas bulabog at medyo binagsak pa sa mesa ko. Balak pa yatang sirain ang furnish ng mesa ko. Bayaran niya talaga yan pag may ni katiting na gasgas diyan.

Biglang nanlaki ang mata niya pagtingin niya sa akin. "Bakit mo kinakain ang chocolate koooo?"

Tuluy-tuloy lang ako sa paglamutak nung chocolate na ginawa ko para sa kanya ngayong Valentine's. "Bawal ba? Para sa akin, pride ng tagaluto na matikman ang sarili niyang luto."

"Tikim pa ba 'yang ginagawa mo, e halos di mo na nga nginunguya, diretso lunok e. Bakit, pangit ba lasa kaya 'di mo na masyadong pinapatagal sa bibig?"

Nasamid ako sa sinabi niya. "Grabe ka! O ayan, iyong-iyo na. Saksak mo sa baga mo nang malaman mo kung gaano kasarap 'yang handmade choco ko!"

"Para joke lang. Uy, speaking of buntis, Emi, gusto mo ba ng November baby?" sabay upo sa tabi ko sa kama sabay yakap sa may bewang ko.

Hayop na 'to. Grabe maglihis ng topic a. May tsansing pang kasama. "Bakit biglang yan ang usapan? At bakit kelangang November?"

Nagbago ang shape ng mga mata niya. Naging 'yung tingin ng may masamang balak. "Gawa tayo ngayon! Para after 9 months, may November baby na tayo! Basta gawa tayo ngayon kasi February 14!" Tuwang-tuwang sabi pa niya.

Mahilig ako sa baby pero...

"Gusto ko magka-baby. Gusto ko nga din magpa-breastfeed. Pero dahil gusto kong magpa-breastfeed pero bata pa ako ngayon... Gusto ko munang kumain nang maraming kanin bago magkalaspag-laspag ang katawan ko 'no."

Nangiti lang siya. "Okay. Pero bakit kailangang kakain ka muna ng maraming kanin?"

"Kasi ayokong kumain ng maraming bigas." Sabay ngiting sungki din sa kanya. "Ampunin na lang natin si Chinen, para November baby pa din."

Napasimangot si Hikaru. "Na-gets ko 'yung logic mo dun, kaso nabigyan ka lang din ng choice sa aampuning bata, 'yung maling bata pa." Pailing-iling pa niyang sinabi.

Natawa tuloy ako at napaisip. Anong klaseng bata ba kasi si Chinen? Maka-"bata" naman ako. Mas matanda nga pala 'yun sa akin. 'Di nga lang halata.

。 おわり 。

[fanfic] pairing: jump x fc, [fanfic] rating: pg-13, [fanfic] language: tagalog, [fanfic] type: oneshot

Previous post Next post
Up