Isa akong tunay na lalaki! (daw) pt.2

Apr 20, 2013 11:18

He still needs some time to think about it. Litong-lito siya sa nararamdaman niya. Hanggang ngayon, hindi pa na-sesettle ang feelings niya. Siguro, kaya nararamdaman niya ito kasi best friend niya si Jongin? Mostly ganon naman yung mga situations.

Pero napaisip ulit siya, but he’s a guy! I just can’t fall for a guy!

Si Jongin naman, parang nahihinayang na pansinin ang bff niya pero at the same time ayaw niya tumigil. Ilang efforts na ang ginagawa niya para pansinin si Sehun. Alam niya na nakakatakot si Sehun pagnaiinis o nagagalit at yun lagi yung pinapakita sakanya. Napapaisip siya tuloy ng malalim kung ano ginawa niya. Naghahanap siya ng mga reasons on why Sehun’s avoiding him.

They had little fights before, pero yung ganitong “away” hindi mawari ni Jongin. Hindi niya alam kung ano ginawa niya. Pero ang pinaka-iniisip niyang rason ay yung pagsabi niya na gusto din niya yung girlaloo ng bff niya.

Hindi naman niya sinasadya na magkagusto sa crush ni Sehun.

Hindi talaga.

Nagkataon lang na nagkakilala sila tas natipuan lang niya yung babae. Natipuan lang and nothing more. Ganon lang. Willing naman niya i-give up yung feelings niya sa babae for Sehun (hindi niya inakala nagagamitin niya yung terms ni Sehun pero prospect lang niya yung babae) kasi ayaw niya mawala yung pagkakaibigan nila ng bff niya. Ang tagal tagal na nilang mag-kaibigan tas eto lang yung magiging rason kung bakit masisira friendship nila?

Ang babaw naman ‘non.

Naisip ni Jongin na mag-iwan ng maikling note sa loob ng locker ni Sehun nung lunch time ng araw na ‘yon.

“Sehun,

If it’s something I’ve done then I’m sorry kahit na hindi ko alam kung ano man yung nagawa ko sayo. This is becoming unreasonable already. You need to talk to me. We need to talk”.

Sabi niya sa sarili niya na kailangan ng valid reason ni Sehun kung bakit ganon yung trato sakanya ng bff niya o hindi siya titigil.

Binuksan na ni Sehun yung locker niya after mag-ring ang bell after lunch.

Hindi na sila kumakain together during lunch time. Kasama ni Sehun yung mga intsik sa batch nila at si Jongin naman kasama niya yung star singer nila na si Kyungsoo. Sa totoo lang, naki-epal lang si Sehun sa barkada ng mga intsik at si Jongin naman, kaibigan na rin naman niya si Kyungsoo.

Pero kahit epal lang si Sehun sa Chinese dabarkads, marami na rin siyang nalalaman tungkol sakanila at vice versa na rin. Kahit nagkwkwentuhan sila, hindi pa rin masabi ni Sehun kung bakit siya tumatambay doon. Ang alam lang nila, nag-aaway sila Jongin at Sehun (one-sided fight lang naman).

Nakikita niya minsan si Kyungsoo at Jongin na mag-kasama sa isang table sa canteen. Ang saya saya ni Jongin pagkasama niya si Kyungsoo. Pinapakita ni Jongin ang mga ngiti na nagpapaloka kay Sehun kay Kyungsoo.

Kumukunot ang noo ni Sehun.

Hindi ako nagseselos.

Nabasa niya yung maikling sulat ni Jongin sakanya at lalong hindi niya alam kung ano yung i-rerespond niya. Kakakita lang niya kay Jongin at Kyungsoo na magka-akabayan.

Wala siyang inaakbay na iba kung hindi ako lang.

Ako lang.

Tangina Sehun ang possessive mo.

Hindi naman kayo.

Hindi mo pa naman siya gusto diba?

HINDI PA? Hindi mo talaga siya gusto.

Baka best friend thing lang ‘to.

PAKSHET, PARANG HINDI NIYA KAYA NA WALA AKO, “You need to talk to me” daw.

Hindi, pakshet nga.

Pero sabi ni Jongin we need to talk? Sige, pagbigyan.

Pero masasabi ko na ba?

Nyeta, kahit sarili ko hindi ko maintindihan.

Pagkatapos ng masinsinang debate ng mga brain cells niya, kakausapin niya na si Jongin. Pero take the conversation slowly. Hindi niya afford na magsalita lang ng kung ano ano.

Nakipagpalit siya sa seatmate ni Jongin dala ang notebook niya para kunwari nagtatake down ng notes.

This is it.

“Jongin.”

“Bro!” sabi ni Jongin. Tapos tumutok ulit siya sa kanyang notebook.

Shet ano ulit sasabihin ko?

Okay… this is awkward.

Pero kaya ko ‘to.

Hinga la-

“Sehun, bakit?” Jongin suddenly asked, looking directly at Sehun.

Anong bakit? Siya nagsabi na mag-usap kami!

Imba talaga ‘tong si Kim Jongin.

“Anong bakit?”

“Ba’t parang we’re slowly falling apart as friends?”

As friends nga naman. Napatahimik lang si Sehun sa sinabi ng bff. Tama nga naman. Bakit nga ba hindi niya kaya kausapin si Jongin? Bakit ngayon niya lang ito iniisip (lagi niya ito iniisip, ayaw lang aminin)?

“Sa totoo lang, Jongin… nalilito lang ako.” Sehun said with a sigh. Which is true!

“Saan ka nalilito?” tanong bigla ni Jongin.

“It’s none of your business.”

Gusto i-facepalm ni Sehun yung buong pagmumukha niya at masyado nanaman siyang nagiging masungit. Pero aba, may guts ba siya na sabihin yung nagpapagulo sa utak niya?

Naiinis si Jongin. Akala niya na magiging okay na sila dahil nilapitan siya ni Sehun. Si Sehun yung lumapit hindi siya. Pero bakit ganito, nagiging masungit nanaman si Sehun sakanya. Parang babae pagtime of the month na nila. Ilang linggo na ang nakalipas at nagiging ganito nanaman ang sitwasyon. Gusto sabunutan ni Jongin si Sehun (kung wala lang teacher at kung hindi naka-ayos ang buhok ni Sehun talagang gagawin niya iyon pero mabait siyang kaibigan) ng bigtime.

“Ganito nanaman ba, Sehun? Lagi na lang, nakakapagod.”

Aba, napa-isip ni Sehun. Kung makasabi ng napapagod na siya, parang siya yung may pinaka-malaking dilemma samin.

“Hindi mo naman kasi maiintindihan kung ano yung pinapagdaanan ko bilang tunay na lalaki.”

“Look, Sehun. I miss…”

YOU? ULTIMATE KEYBOARD SMASH SA UTAK KO: ACTIVATE

“… the moments we had together, bro. Ayoko na ng iniiwasan mo ako sa rason na hindi ko alam.”

Bromance lvl 100.

Ahhh.

Gusto ulit i-facepalm ni Sehun yung buong pagmumukha niya sa mga suddenly na-iisip niya.

“Hindi mo kailangan malaman kung ano yun, okay?” sabi ni Sehun ng kalma.

Keep calm and just talk.

“But why are you avoiding me?! Hindi ko maintindihan, Sehun. Naiinis ka ba saakin? Nagagalit? Pwede mo naman sabihin sakin ‘e. Babaguhin ko. I don’t want our friendship to go astray.”

Oo, naiinis ako sa ‘yo.

Naiinis ako kasi binibigyan mo ako ng hardcore feelings na ang pangit ng feeling.

Oo, nagagalit ako sa ‘yo.

Nagaglit na best friend kita at  wala ka ng mababago sa feelings ko. FEELINGS KO.

IF YOU WANT, YOU CAN FILL ME IN.

Walang hiya ka, Sehun. Mahiya ka naman sa balat mo.

Masaydong maharot utak mo.

And that concludes Sehun’s feelings. Nag-give up na siya sa kaka-iwas sa mga debate ng brain cells niya kung tunay ba siyang lalaki o may halong pagka-berde ang puso niya (halo so it means na mahilig pa rin siya sa mga chicks). Nagka-epiphany siya na wala na siyang mababago sa feelings niya.

He likes Jongin.

Ang hindi lang niya alam ay kung ano gagawin niya ngayon. Ngayong na-settle na feelings niya, ano na gagawin niya kay Jongin? Mag-sosorry na lang ba siya with explanation? O simpleng sorry lang.

Pero ang naiinis lang si Sehun ay yung gusto malaman ni Jongin kung ano gumulo sakanya.

Uy concerned siya sakin.

“It’s not like that, Jongin. Mahirap lang i-explain.”

“Sehun, I’m not giving up.”

Sehun suppressed a sigh. Nagpunit siya ng papel sa notebook niya at nagsulat.

Hindi niya kaya na sabihin kay Jongin harap-harapan. Baka kung ano gawin ni Jongin sakanya. Baka siya naman yung iwasan, pandidirian na parang plague (oa si Sehun pero hindi niya alam baka homophobic pala itong best friend niya). Hindi niya alam. Pero tatanggapin niya kung ano man ang gawin sakanya ni Jongin.

“I’m bisexual.”

Pinasa niya kay Jongin ang maliit na papel and he watched kung ano magiging reaction ng best friend niya. He’s nervous na yung tipong jinajabar na yung kili-kili niya.

Shet ang asim.

Napatingin lang si Jongin sakanya at binasa ulit at napatingin ulit sa bff niya.

Hindi makapaniwala si Jongin. What caused his best friend to feel this way? Or who caused his best friend to feel this way? Baka isa doon sa intsik na barkada!

Is this why he’s avoiding? I’m fine with him being bisexual!

“Sino?” biglang tanong ni Jongin.

Patay.

“Uhm, I’m not sure kung gusto ko sabi -”

“Sehun! Ang duga mo, lagi mo naman sakin sinasabi kung sino yung mga crush mo ah, bakit hindi mo masabi sakin ngayon?”

“Hindi mo naman siya kilala eh.”

“Mamaya, I’ll ask you again later.”

Dumating na ang dismissal and Jongin kept on pestering Sehun on who made him like that.

“Sino na kasi?” yung paulit ulit na tanong ni Jongin.

“Hindi mo nga siya kilala.” Yung paulit ulit na sagot ni Sehun.

Ang kulit bwiset.

“Bakit, kahit yung mga babae mo naman dati hindi ko kilala pero sinasabi mo pa rin kung sino tapos pinapakita mo saakin yung DP niya sa facebook? Bakit eto hindi mo masabi?”

Hindi niya talaga ito maiintindihan.

Hindi niya kailangan malaman kung sino.

“Jongin, hindi tala-”

“Paano kung sabihin ko sa’yo na type ko si Kyungsoo?”

What. The. Fuck?

Parang walang marinig si Sehun. Wala siyang narirning kungdi ang malakas na tibok ng puso niya.

Kung kailan na-settle na feelings ko ganito yung maririnig ko?

Napaka malas ko nga naman sa mga ganito. Napapatawa na lang si Sehun sa isip niya.

Hindi na ako mambababae, baka karma ko ‘to sa buhay.

Maging single na lang kaya ako buong buhay ko.

Hindi alam ni Sehun kung ano gagawin niya. Siguro magpanggap na lang siya na matuwa.

“T-talaga?” napatawa si Sehun (kahit ang sakit). “Ang ganda ng taste mo!”

Masakit para kay Sehun na sabihin niya ito. He’s on the verge of crying pero dapat niya ito pigilin. Hindi siya pwede makita ni Jongin na umiiyak at malalaman niya. Lahat malalaman niya.

“Type ko lang naman ‘e. Wala namang feelings involved.” Ngumiti si Jongin.

Baka wala pa. Nagsisimula yung iba sa “type ko siya.”

“Bro, hindi mo malalaman!”

Masakit talaga para kay Sehun. Ayaw niya maging selfish sa feelings niya. Gusto rin niya maging masaya si Jongin. Ngayon, magiging selfless siya.

Eto ba yung love?

Sabi nila yung love daw ay pagiging selfless.

Nyeta kay Jongin ko pa na-feel.

“Siguro nga, bro.”

Ah, pucha.

Nawalan ng gana si Sehun kahit nung training ni Jongin. Kahit back to normal na sila ni Jongin, nawawalan siya ng gana. Sinubukan niya makipagtext sa mga tao, maglaro ng mga Apps sa cellpon niya pero napapatula lang siya.

“Sabi nila, namamatay daw brain cells mo pagmatagal kang nakatulala.” Sabi ni Jongin.

Tapos na ang training ni Jongin at tumabi siya kay Sehun.

Mamatay na sila para hindi na ako mag-isip.

“Talaga?” Sehun chuckled and looked ahead, avoiding tumingin kay Jongin.

“Sige, bro. Palit lang ako ng damit.”

Napag-isip isip ni Sehun na gusto niya makilala si Kyungsoo at kung ano meron sa star singer ng school at natipuan siya ni Jongin. Inaamin naman ni Sehun na cute si Kyungsoo at first sight.

Naiinis siya sa sarili niya kasi kung hindi niya iniwasan si Jongin, hindi mangyayari ‘to pero lahat naman may kapalit eh. Parang ang laki naman daw ng kapalit na nakuha niya.

Sehun let out a sigh. Lumabas si Sehun sa oval at tumambay sa labas. Hindi niya na inakala na gusto niya ito gawin ulit kasi tinigil na siya ni Jongin. Naglabas si Sehun ng puting stick galing sa back pocket ng pantalon niya at lighter sa front pocket.

Huminga siya ng malalim at nagbuga ng puting usok.

Ito yung ginagawa dati ni Sehun kung na-frfrustrate siya sa mga bagay bagay.

Pero tinigil siya ni Jongin yung nahuli siya isang beses sa labas ng Starbucks habang umiinom ng kape.

Pambihira.

Nangangalahati na siya. Bigla na lang niya naramdaman na may kumuha ng sigarilyo niya sa mga daliri niya at nakita niya na tinatapakan na.

“Tangina, Sehun! Ano sabi ko sa ‘yo sa paninigarilyo?” galit na wika si Jongin. Binigyan ni Jongin ng doublemint si Sehun. Sehun took it at sinubo ang candy.

“It’s an escape for me.”

Makikita mo talaga yung galit sa mga mata ni Jongin. Ayaw na ayaw niya yung mga naninigarilyo lalo na yung paninigarilyo ni Sehun. Hindi niya tanggap na tinago sakanya ni Sehun yung paninigarilyo niya nung last summer lang. Inamin ni Sehun na nagsimula siya nung 2nd year highschool, last school year lang. Tinigil ni Jongin nung napadaan siya sa labas ng starbucks malapit sakanila. Galit na galit siya.

“Kahit na, Sehun! Huwag na huwag mo na uulitin okay? I know na “escape” mo yung paninigarilyo pero I’m here to help out!”

Sehun clenched his fists. Gustong gusto niya na sabihin kay Jongin kung bakit. Gustong gusto niya na sabihin pero natatakot siya. He’s scared that Jongin will avoid him and he’ll lose him. Okay lang na hanggang friends lang sila but he can’t afford to lose Jongin.

“I’m just scared but it’s okay, I can handle this by myself.” Sehun assures Jongin. He wants to convince Jongin that he doesn’t need anyone to help him out to deal with his own problem. It’s been bothering him for weeks and days. Ayaw niya makasama si Jongin sa problema  lalo na involved siya.

Jongin let out a sigh. He knows he can’t do anything when it comes to situations like this but Sehun’s worrying him. Hindi nagsasalita si Sehun at nahihirapan din siya. He wants to help his friend pero parang ayaw talaga ng bff niya.

It’s hard for both sides. One keeps on reaching out and the other keeps on avoiding. Both of them are scared and bothered.

“Jongin, I’m sorry.”

Jongin assumes na dahil yun sa pag-iiwas sakanya ni Sehun o yung paghindi sabi ni Sehun kung ano yung namomoblema sakanya pero Sehun says otherwise. He’s sorry that Jongin’s involved and Sehun wants to get rid of it.

Part 3
a/n: suddenly may pt.2! hahaha
actually dapat tapos na yung pt. 1 pero ano nga naman magagawa pag walang internet ng more than isang linggo?
wala parin kaming internet, tho /iyak na/ nakiki-share lang sa kapitbahay kahit hindi nila alam hahaha
anyway thank you for reading /wink wink/

character: sehun, pairing: sekai, character: kai, fic: isa akong tunay na lalaki!, fic: tagalog

Previous post Next post
Up