what if

Oct 15, 2007 23:15

weird. bigla lang ako napaisip kanina nung nagising ako after ng isang oras na tulog at bago tuluyang manood ng pbb (oo, important detail yun. haha).. bakit? ewan ko. paramore? hahaha.

so what if nandito si kuya gio? ano na kaya ang nangyayari?

1. ayaw niya na sa paramore dahil adik na ko sa paramore.
- ganun kasi yun. andami nung mga gustong banda dati pero pag gusto ko na, ayaw na niya.
- naalala ko dati pag pasok ko sa kwarto nila, nagpapatugtog siya ng paramore tas pinarinig niya saken, maganda daw kasi. tas natawa lang ako at sabi ko bakit kaboses ni avril. natawa lang din siya at nag-agree. tapos eto ngayon, late, biglang gusto ko na ng sobra yung paramore.

2. pagt-tripan namin si kuya mik dahil hindi pa siya nanonood ng 2nd season ng heroes habang kami, napanood na hanggang 3rd episode.
- dati kasi bumili kami ng heroes tas ang layo na namin, mga episode 10 ako, tas siya 19..parang ganun. tas si kuya mik, episode 1 pa lang. hahaha

3. dalawang tao pa ang hinihintay ko pag gabi.
- habit ko na kasi yun na pag nagigising ako ng madaling araw, chncheck ko silang dalawa ni kuya mik sa kwarto nila.
- pag meh gimik sila pareho, ako ang dakilang taga-kulit kung san na sila dahil wala akong kasama. ako nga daw nanay nila e dahil lagi ko sila hinahanap.

4. hindi ko pa rin kilala sila tonog, jappeth, pao, berto, bryan, etc. at wala pa akong paki sa antipolo.
- note: ni hindi ko malilista mga pangalan nila dito dahil wtf. sino ba yung mga yun?!
- hindi rin ako matutuwa pag nakakakita ng contrail, hindi ko masyadong papansinin pag meh contrail
- magtataka parin ako kung bakit ayaw saken ng kapatid ko at pati mga kaibigan niya hindi pinapakilala saken *edit* (although....nagtataka parin pala ako kung bakit)

5. masmadalas ako magd-drive
- siya kasi lagi excited at nagvo-volunteer saken na mag-drive. as in sabihin lang ni kuya mik na masama pakiramdam niya....."si achelle na lang mag-drive!"
- nung tumitingin kami ng mga bahay dati, dun sa isang village, inurong ko yung kotse dun sa tapat ng bahay dahil wala lang, wala kami magawa. nung nakita niya na sumakay ako dun sa driver's side, bigla siyang sumakay din. tas e konting andar at urong lang naman ng kotse yun. tas nung tinigil ko na, tinignan niya ko tas sabi niya drive pa daw ako..

6. hindi flooded ng comments galing saken yung friendster niya
- dahil masasabi ko naman sa kanya lahat yon

7. meron parin akong kakwentuhan tungkol sa random lizzie maguire, so weird, as told by ginger stuff
- boring kasi si kuya mik, di niya alam yun.

8. ako taga-gising niya or kasabayan sa pagpupuyat.

contrail, kuya gio

Previous post Next post
Up