EMAIL for TONIA ^^

May 03, 2009 13:47

From: "EJ S. Tan"
To: "Tonia" <mtoni_g@gmail.com>
Sent: Saturday, May 2, 2009 10:15 PM [Eastern Standard Time]
Subject: SANA MANALO SI PACQUIAO!!!


Ei Tonia!

Thanks a lot for your last email. Ang ganda nyo naman ng mga friends mo syempre ikaw ang pinaka; baka sapakin mo ko kung di ko sabihin yun lol XD Next time pasend naman ng pics nyo nila Lala, Quentin and Joseph. Going strong parin sila Joseph and Lala? Si Quentin at si Kat? Ikaw at...si Lovelove (wahahaha ang weird naman non lol). Ano na ang bago sa inyo? Musta naman dyan sa Marikina?

Eto nanunuod kami ng pay per view ng laban ni Pacman! Sana manalo sya! Ang yabang nung Hatton eh. Sabagay nagsisindakan lang sila, GO MANNY!!!! (hahaha fans)

Pasensya uli for taking too long to reply. Ayun busy dun sa mga pinapagawa sa akin ng mga kapatid ko. Boring but necessary :( Dad is still sthe same. No major improvements but at least steady lang. I keep telling myself slow and steady wins the race. Race to what? :( I thank you and everyone there for your prayers for my Dad and my family, I really really appreciate it. ♥

Alam mo nakwento ko pala kay Mama na you're gonna work for ABS. Haha hindi mo na itatanong adik yun sa mga telenovela. Favorite nya si Piolo. Ang jolog pala ng Mama ko no? Hehe. Na excite sya na ma-meet ka baka raw may mga kwento ka about the "artistas or something". Lol. XD You're pretty daw and ang cute din daw ni Lovelove. Kasi nung isang araw pinapakeelaman nila ni Ate Inna ang laptop ko so nakita nila pics mo. Mama was like "Wow sila Mariel and Bianca!" she was so giddy. But she kept saying you were prettier than them kasi girlfriend daw kita. Bias XD It was nice to see Mama smile so, ok yun diba ^^

How'd your workshops go? Nagho-hosting ka na for ABS? Grabe masho-shock ako siguro if biglang makita kita on TFC or something. Sabihin ko kina Mama "Friend ko yan!" lol XD

I hope you are doing ok there. Email ka lang. Eto I will post some pics para makita mo gaano ako nangayayat itsura ko ngayon.

I miss you! Take care palagi ok?



BoyNerdo ^^

ATTACHMENTS:

Found some old pics habang naghahalungkat ng files ng Dad ko. Wala lang nasenti lang ako hehe:



Ang cute ko pala yung 3 years old ako wahahaha...ayan naglalaro kami kaba-kabayo ni Kuya.



Birthday Ko! 2 Years old ata ako nyan ^^

RECENT PICS:


Excited kami ng friend ko kumain ng maki!....


...Hindi pala fresh ang Maki (grabe na food poisoning ata kami after nun) >.<



Sorry for taking long to reply... (you forgive me right? Hehe)



Pa-cute na nerd (hahahaha)



Ito office ng Dad ko yan yung assistant nya, sya tumutulong sa akin to sort out the documents.
Buti medyo makulit din sya kaya d gaano boring.



Ayan pinicturan ako ng pamangkin ko nung kakagising ko lang.
Sabi ni Ate wag na wag ko raw ipapakita sa inyo ito kundi mawawalan ako ng mga kaibigan.
Friends pa rin tayo diba? ^^


Eto yung nung bumili ako ng flowers for Mama nung birthday nya. Wow naka japorms ako hahaha.


Napicturan pala ako nung isang beses na nagbantay ako kay Dad. Ngarag lol.



Ganito mukha ko kapag nami-miss ko kayo! Write back pls.! <3

pics, email

Previous post Next post
Up