paano kaya si maui?

Dec 22, 2006 12:05

natapos ko nang isulat, chaka ko lang napansin na sobrang haba ang ginawa ko. short version: niyaya akong magmodel para sa isang advertisement ng caritas at sobrang saya!

niyaya ako nung isang linggo para maging model para sa isang print ad ng caritas manila at dahil makapal ang mukha ko, pumayag naman ako kahit hindi ako babayaran. papakainin naman daw ako at lahat, parang kapalit na din ng bayad yun. kahapon naka-schedule yung shoot sa makati, tapos pinakita sakin yung binabalak nilang pose ko- estudyante ako na naka-upo sa silya tapos nakatingin sa likod, tapos may nakadikit na plaque sa silya: donated by *celfone number*. kayang-kaya, ang problema lang daw kailangan kong ahitin ang balbas ko para magmukha akong mas bata- mga tipong grade school kasi yung gusto nilang student, pero ayaw kumuha ng permit sa DOLE. pero hindi muna sa akin pinaahit kasi baka pwedeng matago sa picture.

1pm ang calltime ko sa makati, pero 8am pa lang umalis na akong bahay kasi may kailangan pang gawin na polsci field trip sa marikina city hall. nagpaalam na kagad ako sa mga kasama ko sa field trip na kailangan ko umalis bago mag-12nn. natapos kami ng 1130am sa city hall at pabalik na sana ng ateneo KUNG HINDI LANG UMUULAN NG MALAKAS. as in yung tipong pam-bagyong ulan- malakas, mahangin, at masakit ang pagbagsak. nagtext nako kagad kay noelle (yung kausap ko para sa shoot) na late na akong makakarating dahil sa ulan. nagpatila muna kami ng ulan, na humina ng konti bandang 1220pm. syempre naman eksakto ang oras ko kasi minu-minuto kong tinitignan ang relos ko. pagdating ng ateneo, sakay kagad ako sa kotse at pinuntahan si michee, na pumayag samahan ako sa makati.

laking pasalamat ko talaga na kasama ko si michee papuntang makati kasi GUMAGAPANG ANG TRAFFIC mula katipunan hanggang makati. sa tingin ko kung hindi ko siya kasama dun, nasiraan na ako ng bait- ganun ka-tindi bad trip ang traffic kahapon, at inuulan pa kami. inabot din kami ng isang oras papunta, at dahil medyo naiirita na ako at pagod, nagkamali pa ako ng liko at napalayo ang ikot papuntang enterprise. haha, buti nalang at may parking. nagmadali akong nagpalit sa loob ng kotse- na medyo awkward kasi naghihintay si michee sa akin sa labas- at dumeretso nang 25 floor.

dun ko lang napansin na mabilis umandar ang mga elevator sa enterprise. kinakausap ko lang ng sandali si michee, lumagpas na kagad kami sa 25th floor. bumaba kami ng 27th floor at nag-elevator ulit pababa. tahimik na kami at nakatitig sa display para hindi na mawala ulit.

sa isang conference room lang ginawa yung shoot: nilagyan ng ilang mga upuan, tinapat sa white background para madaling i-photshop ang background na blackboard, at pinaupo ako. pinakilala sa akin si alan, ang art director yata, si jay, ang photographer, at si rudy, ang kanyang assistant. nag-set up ng mga ilaw. kinuhanan ako ng light reading. ayos ulit ng mga upuan. getting-to-know-you kami ni jay. nag-usap silang lahat kung paano mangyayari at kung ano ang gustong kalabasan. pinaahit sa akin ang balbas ko. PINAAHIT SA AKIN ANG BALBAS KO. huhuhu, walang lusot. nagmukha siguro akong tanga sa banyo ng leo burnett (yung company na naghandle ng advertising ng caritas) kasi may mga kasama ako na mga umiihing employess at lahat habang nag-aahit ako. weird lang tignan.

pagbalik ko galing banyo (huhuhu), ready na ang lahat. marami talaga akong natutunan sa araw na ito: ngayon ko lang nalaman kung gaano kahirap umupo sa silya. dahil nga malaki ako, dapat naka-slouch ako para sa perspective. tapos dapat medyo nakaangat yung right shoulder ko. tapos pang-stiff neck na pose kasi dapat nakatingin ako ng off-camera na nasa likod ko. great. hindi lang yun, sa karamihan ng shots ko, may nakatapat na flash sa mukha ko. as in 3 inches away, seryoso. para daw maganda ang bagsak ng ilaw sa mukha ko. feeling ko talaga mabubulag ako tuwing kinukunan ako, pero pagkatapos ng mga ilang kuha nasanay na ako na may bright spots akong nakikita sa peripheral vision ko. mainit pa sa mukha ang ilaw, buti na lang malamig sa kwarto kaya hindi ako pinawisan.

"sige, tingin pa sa left." "baba mo pa ang shoulder mo." "chin down." "smile." "closed mouth muna." "wag kang mag-squint." "pasok pa ng konti sa chair." "kita ang kamay mo jan." "kabilang side naman." smile pa." "more to the left ang face." "chin down." "open mouth ulit." "try natin walang smile." "labas mo yung siko mo." other side ulit." "ganung pose pero pasok mo na ng konti ang siko." "slouch more." "relax."

grabehan sa pictures, 103 ang lahat ng kinunan sakin pagkatapos ng dalawang oras. ngawit na ang ngiti ko at gutom at pagod. pero masaya pa rin overall, magandang experience. tapos pinakain pa ako ng tapa king, yellow cab, at spaghetti. sulit ang byahe! nagportrait shots muna kami habang break- kinunan ako, si michee, at si alan dahil walang magawa si jay. natapos kami at nakaalis ng 420pm.

syempre, traffic pa rin pauwi. tinulugan na ako ni michee. pagod na ako pero may dalawa pang christmas party na pupuntahan. nakakatawa kasi sa unang party nakiligo lang yata ako at kumain tapos sa pangalawang party naka-idlip pa ako. nakatulog ako sa isang party na nagsisigawan at nagkakantahan ang lahat ng mga tao dahil sa sobrang pagod. sana maintindihan nila yun, haha.
Previous post Next post
Up