I Strawberry Love You [3/?]

Jun 10, 2010 14:56


Teleserye [Title]: I Strawberry Love You

Echoserang Frog [Author]: nodoka06

Zsa-Zsa Padilla [Genre]:  Kalokohan

Takip sa Mata o Piring [Pairing]: Sari-Sari store . YamaChii etc.

MTRCB [Rating]: Kalandian

Charo Santos [Summary]: Guest ngayon si Hongo dahil mahal ko ang Shinata. Umiyak si Yuto .Nag escalator si Yamada. Maga mata ni Kanon. Muling nagkita si Umika at Mariya.Daldalan to the max sila Shida at Kamiki. blahblah.
Pang-ookray[A/N]:Dapat ito na ang huling kabanata. Ewan ko ba kung ano ano pumasok sa isipan ko. Puro Shida at Kamiki to.. promotion ba ito? Sana okay lang sa mga mod, love nyo naman si Shida eh di ba? Sa susunod na lang promis jump-centric. XD


Unang Kabanata

Pangalawang Kabanata





Huling araw na ng Mayo,Lunes na naman at ibig sabihin nun School days na naman. Maagang nakarating ng skul si Shida dahil maaga syang dinaanan ni Hongo sa bahay nila. Dahil nababagot sya at sya pa lang mag-isa, inayos nya na lang muna ang mga silya sa classroom, ng biglang ng vibrate ang cellphone nya na agad nyang dinukot sa kanyang bulsa.

One Missed Call
2010/05/31
06:27
From: The Prince of Tennis

"Talaga sya oh.Dead na dead, may pa-miskol miskol pa, ayaw pang sabing miss nya na ako.Hmp." kunwari lang naiinis sya, halata namang kinikilig. Muling nagvibrate ang fon nya.

1 Message Received

From: The Prince of Tennis
2010/05/31
06:29

Mirai may kasama ka na ba dyan? Ako kasi wala pa.Sorry ah napaaga pala sundo ko sayo.Nagulat na lang ako pagdating ko dito wala pang 6:30, bago kasi relo ko hindi ko pala na-set .Honto ni Gomen! u__u ..

"Ay jusmiyong bata to, buti na lang gwapo ka" agad naman syang nagtext back para hindi na mag-alala si Hongo.

From: My Mirai
2010/05/31
06:31

Okay lang ako, hindi ako nag-iisa o(^_^)o .

From: The Prince of Tennis
2010/05/31
06:32

Sinong kasama mo?

Si...

...Ryosuke ba?????????

"Ano kaya kung sabihin kong oo panigurado mag-eemo na naman to.Heehee~" bulong niya sa sarili.

From: My Mirai
2010/05/31
06:33

Hindi ahh. . . n//n

From: The Prince of Tennis
2010/05/31
06:33

Anong hindi? Hindi ako nagkamali?

From: My Mirai
2010/05/31
06:34

Hindi nga. Okay, I lied, alone din ako.Loner tayo ^w^

From: The Prince of Tennis
2010/05/31
06:34

So, destined tayo? parehas tayong loner eh (o^w^o) Gusto mo puntahan kita jan? o(^_^)o

From: My Mirai
2010/05/31
06:31

Huwag na.okay lang ako.Promise. :D

Hindi na nakapagreply si Hongo dahil nawalan sya ng signal.

"Badtrip naman oh!"

Habang si Mirai nag-iintay ng reply nya.Ewan nya ba kung bakit, hindi naman sila ni Hongo.Hanggang sa nakarinig sya ng mga yabag na parang papunta sa room nila.

"Over! ambilis naman nya kung sya tong parating."

Nakaabang ang mga mata nya sa pintuan. Nagulat sya ng nakita ang dumating na ikinagulat din ng taong yon.

"Aba Mirai himala, ang aga mo."

"Oo nga eh, teka lagi naman

akong nauunang dumating sayo ah, himala ka pa jan. Ikaw, bakit ang aga mo?"

"Ako ang assign ngayon hindi mo ba nababasa sa board anlaki laki oh, KA MI KI RYU NO SUKE."

"Malay ko ba, alam mo namang hindi ko gawain ang tumingin sa board."

"Paano, face ni Ryosuke ginagawa mong black board, kulang na lang sulatan mo ng I Love You mukha nun eh."

"Paki mo."

"Eh di inamin mo din ang totoo.Sa bagay wala namang masama dun."

"Wala talaga, Leche nga tigilan mo ko... Nga pala ,asan ka nung 29, di ba usapan bibili tayo ng gamit sa Mall for our project, bakit hindi ka sumipot?"

"Ay shet! Sabi ko na nga ba may iba pa akong gagawin kya ako nag Mall eh!"

"Bakit ano ba ginawa mo?"

"May mall show pala sila Kanon,nanunuod ako, nirecord ko pa nga sa fone ko eh." sabay kuha ni Kamiki ng kanyang cp for evidence.

"Kanon, Kanon, Kanon, lagi na lang sya naririnig ko sayo . May gusto ka ba sa kanya ha? o.O"

"Kilabutan ka nga Mirai! huwag mo ngang lagyan ng malisya friendship namin. Si Ryosuke pwede pa sakin joke!"

"Walang hiya ka huwag ka ng dumagdag!"

"Joke nga lang eh, easy ka lang 'te, Relax."

"Okkk.. ah basta nakakainis ka halos ugatan na ko kakahintay sayo, bwisit ka nasa Ground Floor ka lang pala."

"Sorry na nga eh, btw ,pinuntahan ka ba ni Ryosuke nun?"

"Nang aasar ka pa din ba o ano? bat nya nmn ako pupuntahan hindi naman natin sya ka-group."

"Nakita ko kasi pumapanik sya sa escalator..."

"aba hindi sya nag elevator"

"Baka daw hindi kayanin ng elevator bigat nya HAHAHA!"

"Sumbong kita"

"Sumbong mo kung kaya mo, behh :p"

"Bwisit ka talaga! mag-isa lang ba sya?"

"Sinong may sabi sayo? Syempre hindi noh, kasama nya kaya si Yuri..." todo daldal pa din si Kamiki habang naglilinis ng board, hindi naman na sumagot si Shida.

"Oh natahimik ka, baka mapanis laway mo sayang."

"Maglinis ka na nga lang dyan..."

"Sungit mo. Meron ka ba?"

"Wala."

"Selos ka no?"

Hindi na lang nya pinansin ang tanong na iyon. Naka 3points shot kasi si Kamiki, kahit anong gawin nyang pag-iwas sa kanyang nararamdan hindi nya
kaya dahil masakit para sa kanya, masakit na masakit. Dulot ng kanyang pananahimik, nag focus na lang si Kamiki sa paglilinis habang nagsi-sing and dance ng Yume Miru 15 sai. Dito naman humahanga si Shida sa mabilis na pick up ng kaibigan pagdating sa sayawan, kung minsan nga siya pa tong nagpapaturo kay Kamiki, tulad na lang ng Perfume, Asia no Yoru at Moonlight. Muli nyang binalikan ang kanyang cellphone para icheck ang kanyang inbox na sa kasamaang palad ay walang bagong mensahe at wala na din syang signal.

"Oy may signal ba fon mo?Pahiram nga"

"Aba kung makahiram ka siga ah, at saka hindi oy ang pangalan ko."

"Ok fine, Ryunosuke~"

"Bakit?"

"Pahiram na.."

"Ng ano?"

"Putragis naman gusto pa buong sentence eh, pahiram po ng cellphone kung may signal ka po..!"

"Ay sorry wala din akong signal."

Nanahimik na lang ulit si Shida na hinayaan na lang ni Kamiki. Malapit na ding mag 7am kaya unti unti ng dumadami ang mga estudyante. Habang si Yuto naman ang pumangatlo sa kanila. Naghahalusinasyon ata si Shida at napagkamalan nyang si Hongo si Yuto na agad namang nagdrama.

"Mirai, sa dami ng pwedeng magsabi sakin nyan bakit ikaw pa?
At sa dinami dami ng pwedeng pagkamalan mo sakin, bakit sya pa? Bakit Mirai bakit?? UWAAAA~!!" tumakbo papunta sa isang sulok si Yuto at saka humagulgol.

"Lagot ka Mirai, pinaiyak mo dating best friend ng crush mo."

Lalo namang humagulgol si Yuto sa sinabi ni Kamiki.

"Lagot ka bakla pinaiyak mo lalo."

Agad namang umiisip ng paraan si Kamiki para mapatahan ang mangingibig ng kaibigan.

"Yuto tumahan ka na kundi hahalikan kita" nagtagumpay naman sya sa pagpapatahan dito.

------

Umpisa na ng klase at late si Kanon.

Napansin ni Shida ang mata nito.

"Anong nangyari sa mata mo parang maga?"

"Si Yamada-kun kasi eh..."

"Si Ryosuke? Bakit anong ginawa nya?" nanlaki ang mga mata nya ng
marinig ang pangalan ni Yamada, dumating naman na ang kanilang guro kung kaya't hindi sya nabigyan ng kasagutan.

------

Lunch break na. Ito ang favorite time ni Yamada kung saan pwede silang maglandian ni Chinen ng bonggang bonga at syempre makakain na sya ulit. At si Kanon ang lagi nyang biktima.

"Kanon-chan~" agad na nagtungo si Yamada sa lamesa ni Kanon bitbit ang kanyang upuan. "May baon ka bang strawberry ngayon? Jeje~" biglang naging Jejemon si Yamada Oh My!

Napalunok si Kanon. Hindi nya alam ang isasagot. Kapag sinabi nya ang totoo hindi nya maeenjoy ang pagkain nya sapagkat mas madami pang nakakain si Yamada kung sa tutuusin kaysa sa kanya. Kapag naman nagsinungaling sya mas lalong hindi sya makakain dahil alam nya na matalino si Yamada, hindi yun tatayo dun hanggat hindi natatapos ang lunch break.Better eat than never kaya sinabi nya totoo.

"Shempre naman,ako pa. Pinadalhan nila ako nito para sa success ng debut single namin, TADA~! SUTOROBERI NO SHOOTOKEKKI~~!" nilabas nya ang munting cake mula sa kanyang bag.

"Umaiiii!!" nagniningning na walang bituin ang mga mata ni Yamada. "Congrats nga pala sa debut nyo at sa successful na CD release.." tapos kumuha sya ng isang slice ng cake at dalawang strawberries.

Hinayaan na lang ito ni Kanon, ano pang magagawa nya nasa mga kamay na yon ni Yamada, nakakahiya naman kung babawiin nya,masyado kasing mabilis ang mga pangyayari.

"Yama-channn, may baon din akong mga ishtorobweriis ohh~!"

"Halika dito Chii ,let us eat our strawberries together" isang malagkit na ngiti ang binigay nito kay Chinen na agad sumunod sa sinabi nya.
Umupo ito sa tabi nya kaya nasa gitna sya ng dalawa. Pinayuhan pa ni Chinen si Kanon na bilisan nya sa pagkain kung ayaw nyang muli syang maubusan ni Yamada.

Samantala, wala si Shida sa kanyang upuan. Nandun sya sa tabi ni Kamiki kinakamusta ang dati nyang upuan at para na rin makipag tsismisan.

"Tignan mo yung mo yung tatlong yun ,lunch nila cake bongga"

"At least ka-foodtrip nila si Ryosuke, eh ikaw?" para silang mga bubuyog ni Shida na nagbubulungan.

"Douyou imi?"

"Magbaon ka din kaya ng strawberry para saluhan ka din ni Ryosuke."

"Kung makakasalo ko lang din yung dalawang asungot huwag nalang. Saka ikaw din mawawalan ka ng kasabay kumain..."

"Sinong nagsabing wala? sasabayan ako nila Shougo at Jingi no."

"Weh?? Eh nasa cafeteria nga sila ngayon eh"

"Gagawan ko na lang sila ng bento para di na nila kkelangan bumili sa cafeteria"

"Desperada ka din ano?" nagtawanan ang dalawang sira. Nakita ito ni Umika at naging interasadong sumali sa kanilang usapan. Mula sa kanyang kinauupuan ay nagteleport sya papunta dun.

"Usapang bakla to Umi~"

"Ok lang, join ako." sinali naman sya. The more the merrier ika nga.

------

Mabilis na tumakbo ang oras.
UWIAN NA NAMAN.Busy ang lahat sa pagtapos ng project nila na hindi ko alam kung ano.Kinakausap ni Shida ang mga ka-grupo nya na sila Kamiki, Umika, Yuto at Shougo ukol dito, sya ang lider oh, taray!.Bilang parusa sa pag-injan sa kanya nung Sabado,pinahayag nya na kila Kamiki sila gagawa ng
proyekto. Hinawakan sya ni Kamiki sa braso saka hinila palayo sa iba.

"Nahihibang ka na ba Mirai? Alam mo naman kung anong meron samin di ba? Particularly sakin... "

"Daijobu, hindi naman tayo sa kwarto mo gagawa ng project eh kaya hindi nila malalaman yung secrets mo, unless may mga proof sa ibang part ng bahay nyo."

"San pala sa sala? Meron talaga, e dun kaya naka-dikit poster ni YamaPi baka masira pag tinangal ko, epoxy pinandikit ko dun 'te" ang
pagkakasabi nya ay nasa pinakamahinang boses na kaya nya. "Sa inyo na lang kasi, wala ka namang kelangang i-friend proof sa inyo."

"Anong wala? Ikaw na rin tong nagsabi dati na punong-puno sa TGQ Memories ang bahay namin."

"And so?? Alam na naman ng sambayanan yan.What's new?"

"Buti ba sana kasi kung di natin ka-grupo si Yuto a.k.a. Drama King na mahal na mahal ako." napatingin sa kanya si Kamiki.

"Taray ha, mahal na mahal, ang charot mo Mirai~" pang-aasar nito.

"Bakit hindi ba? Sa ganda kong toh?!"

"Charr!Sana sya na lang si Ryosuke no."

"..." bigla syang na-speechless ng marinig ang pangalang Ryosuke.

Naiinip na yung tatlo sila tuloy pa din sa pagdadaldalan. Hanggang sa nag-shout na si Umika kung hindi pa daw ba sila aalis, may shooting pa sya latorr. Ryunosuke, Mirai, Ryunosuke, Mirai, ... Dahil hindi magkasundo yung dalawa kung kaninong bahay sila pupunta, nagprisinta sya na sa kanila na lang gumawa. Sumang ayon ang lahat tapos tinawagan nya si manong drayber.

Nasa kotse na sila ng Kawashima. Walang tigil pa din sila Shida at Kamiki sa kanilang daldalan. Nasa magkabilang dulo ng kotse sila Shougo At Kamiki, kaya nasa gitna nila ang dalawang babae, habang si Yuto katabi ni manong, kunwari lang nagsasalamin halata namang panay ang nakaw tingin kay Shida.

May nag-text kay Manong, akala nya si Vice Ganda,binasa nya. Langya 8888 lang pala, tapos na daw unli nya. Intexticated si Manong, hindi napansin na may patawid na ng bibike. Buti nasigawan sya ni Yuto agad, nabuhay ang katawang lupa nya at naipreno na may ilang milimetro ang layo sa bike, pero syempre nagulat si babae na-out of balance, nagasgasan ang tuhod,nagdudugo. Bumaba si Manong, Shougo at Yuto para tignan si girl. Nataranta narin si Umika ng marinig kung sino ang naaksindente at agad bumaba ng kotse.

"Mariya-chan??!"

Sinakay nila si Mariya sa loob ng kotse. Gagamutin daw sya ni Umika pagdating sa kanila. Umechos pa sya ng una na kaya nya magbike,ni hindi nga sya makatayo ng mag-isa. Nagkaroon nga lang ng problema, sisikip sa kotse kung lima sila sa likod.Saan pa uupo si Sakamoto kung katabi na ni Umika si Mariya? Genius si Kamiki,may naisip na paraan.

"Shougo kandungin na lang kita, gusto mo?"

Binatukan sya ni Shida sabay tawa. Kinilabutan na lang ang binata. Humingi sya ng permiso kay Mariya kung maaring mahiram ang bike nito,magbibike na lang daw sya papunta dun. Kawawang Kamiki, rejected.

Nagring ang phone ni Shida,uwian na kasi kaya naka Ring and vibrate na sya. Agad nya itong sinagot dahil sa ringtone nya: Ichigo Rap ni Yamada.

"Ay!bongga ng ringtone mo teh." Nabatukan ulit sya ni Shida.

"Moshi moshi? ... wala na ko sa skul papunta kami kila Umi ... gagawa ng project ... ... ako,si Umi, yuto at Ryun ... ... wala sya no... hai ...opo daig mo pa nanay ko ah... hehe ... haiiiii... ...okay bye."

"Si Hongo yun no?" tanong ni Kamiki.

"Sino pa nga ba"sagot nya.

"Kayo na ba?" Si Mariya naman nagtanong.

"Hindi."

Maikli lang ang naging sagot ni Shida. Si Kamiki nabatukan na naman nya ng kumanta ng Honto wa ne, alam nyang may nais ipakahulugan ang kaibigan. Habang si Yuto unti unti daw nadudurog ang kanyang puso.



KAILANGAN TALAGA MAY GANITO.

ITUTULOY.



rating: kalandian, manunulat: n, pares: yamada x chinen, type: kabanata

Previous post Next post
Up