ANG pag-iisa'y di pagtalikod sa
pag-ibig, o pagnanasa o pananagutan.
Hindi ito pagsuko
sa katuparan ng mga pangako
o pagkakatutuo ng mga pangarap.
Hindi pagtanaw sa buhay
nang hubad sa pag-asa
Paghangad lamang
na kamay ko ang magpatakbo sa aking orasan,
puso at isipan ang sumulat ng aking kasaysayan,
sarili ko ang humubog sa aking kabuuan.
from:
Babae Akong
(
Read more... )