Short Story

Jan 11, 2006 12:05



Ako si Chona, isang hamak na probinsiyana. Lumaki ako sa Romblon at ang magulang ko ay mga hamak na magsasaka. Mabagal ambuhay doon. At konti lang ang mapagkaka-abalahan. Malaki akong babae gawa ng pagpipitas at pagbubuhat ng mga begetabols na ipinamimili ng amo kong si Donya Buding.


Ito si chesy. Ang tahimik na anak ni Donya Buding. Wala siyang kinalaman sa kwento ko.


Moving on, may boypren ako, si Reynanteng Panget. Doon ka rin siya nakilala sa bukid. Siya ang bantay at taga-pangalaga ng mga hayop.



Minsan, pag walang ani, madalas kaming magpahinga sa lilim ng mga kawayan. Minsan din nga lang, mabaho doon dahil duon din pinapaliguan ang mga kalabaw.


Pero hindi lang naman yun ang nagagawa namin. Meron din kaming sweming pool. At sa gabi, pagmaliwanag ang buwan, nagees-kinny diping kami dito ni Reynante.


Pero, Nakakasawa ang buhay sa probinsya. But the chona has big dream yah know. Madalas naglalabas ako ng sama ng loob kay Reynante habang namimitas ng mga gulay, prutas at bulaklak.


Kaya hinikayat ko si Reynante na magtanan. Magroro simulang Romblon papunta sa Maynila. Natutulog si Reynante noong ipinamahagi ko sa kanya ang aking plano.


Pumayag si Reynante dahil mahal namin ang isa't isa at para maging malaya sa mga kamay ng malupit na mga kamay ni Bonya Buding. Nakapagplano kami ng aming istow away at tahimik na nakalaya sa boqueran.

Sumakay kami ng Jip papunta sa pier.



Umangkas kami ng barko.



at potragis! ang tagal ng byahe!!!!!! an saket na puwit ko a!

At pagkatapos ng tatlong araw ng puro tubig at malagkit na hangin, nakarating kami sa Batangas pyer. Nagtanong kami kung kami ay nasa Maynila na. Sabi ng matanda "ay hinde! sumakay kayo ng bus papuntang Pasay/Cubao, Maynila na yun." Tumalikod ang matanda at naglakad paalis.


Sumakay kami ng bus.




Ito ang nakita namin.


At pagkalipas ng ilang oras, nakarating kami ng Maynila. Hindi ko alam kung saan kami nakarating pero bumaba kami ng bus at nagumpisang maglakad. At ito namang Reynante, parang probinsiyano, hindi nagtatanong! sus!

Nagaway kami. An taray nanlola mo.


At nawala kami.


Magkahiwalay pa.


Nakakatakot dito sa siyudad. Hinanap ko si Reynante. At hinanap niya ako. At nagkatapong muli. At ang una kong nasabi "Be, gutom na ako." Sabi ni Reynante kumain na daw kami. Kaya pomunta kami sa restawran at nagorder.


At kumain ng Pitsa.






At itong si Reynante ay nanigarilyo pa! Pinagalitan kami ng restawran dahil hindi daw kami marunong magbasa!


At ngayon, nandito pa rin kami sa Maynila. Maid ako at driber si Reynante ng isang Don at donya na nakatira sa Balye berde.
mababait silang mga amo at tinuruan nila ako na gumamit ng internet. Pinag-aral nila ako kaya maronong ako magblog.

THE END

NOTE:
There were no animals harmed during the photo shoot. Characters mentioned in the story are fictional and are based from an existing story

Credits: Photos by Mendel and Kitkat.
Previous post Next post
Up