********
“Fuck this shit! Fuck my life!” Frustrated na napatingin ako sa kisame ng flat ko. Ngayon ang araw ng paglipat ng bago kong flatmate. Ni Brendan Fehr, in short ni Brent.
“Maa~ maa~ ladies don’t talk like that.” Sansala sa akin ni Brent habang buhat nito ang pinakahuling kahon papasok sa magiging kwarto nito, na dating kwarto ni Takumi.
Three weeks ago ng magkita kami sa coffee shop. Natulala ako ng malaman ko kung sino ito. At di na ako naka-recover sa sobrang shock. Kaya puro tango lang ang nagawa ko sa naging usapan. Matapos ang meeting na iyon ay saka ko na-realize na magiging flatmate ko na talaga siya. At wala akong nagawa para pigilang mangyari iyon. Dapat pala ay tumanggi ako! Oh my G! Ang tanga-tanga ko talaga! Baka ngayon alam na ng parents ko, ng parents niya at ng buong angkan namin kung nasaan ako! Baka may kumidnap bigla sa akin at dalhin ako sa amin! Tapos magising na lang ako kasal na pala ako sa kanya! Oh my G!
Nasabunutan ko ang sarili dahil sa mga naglalaro sa isip ko. Pero come to think of it, mukha namang di niya na ako maalala. Parang first time niya lang ako nakita. Siguro nga nakalimutan niya na ako.
Pero teka---so ibig sabihin, forgettable ako? Kaya di nya na ako naalala?
Nalungkot ako sa naisip.
Amf! Dapat nga matuwa ako eh! At least, walang magiging problema, kasi di niya nga ako naaalala. Pero bakit ako naaalala ko siya? Baka naman nagka-amnesia siya. Napatangu-tango ako habang hinihimas ang aking baba.
Naramdaman kong lumundo ang kaliwang side ng sofa na inuupuan ko. Bigla kong naalala na nanonood pala ako ng TV. Hehehe! Napatingin ako sa kaliwa.
Nakaupo sa tabi ko si Brent habang umiinom ng tubig. Naka-sando lamang ito ng itim at khaki shorts. May nakasabit na maliit na tuwalya sa balikat. Nangingintab ang katawan nito sa pawis, pero parang ang bango pa rin nitong tingnan. Napalunok ako.
Ang ganda ng katawan niya. Toned muscles. At base sa fit nitong sando, mukhang masarap pindutin ang pandesal nito.
Sinimulan niya ng magpunas ng pawis. Bawat daanan ng towel ay sinusundan ng mga mata ko ng tingin. Lunok ulet. Parang nanunuyo ang lalamunan ko.
“Kumusta ka na, Blaire?” tanong niya sa akin habang ang mga mata nito ay nakatutok sa TV.
“Ah, okay naman ako. One month na lang ga-graduate na.” Nababatubalaning sagot dito. Di ko pa rin siya nilulubayan ng tingin. Well, wala akong magagawa. He’s such an eye candy.
“So, all these years ay nandito ka lang pala sa Japan.” Nilingon niya ako at tinitigan.
“Oo naman. Akalain mo yun----“ Napa-preno ako sa sasabihin nang ma-realize ang sinabi niya. “Naaalala mo ako?” Nanlaki ang aking mga mata.
“But of course.” He smiled. “Who could ever forget my runaway fiancee~” Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Iniiwas ko ang tingin sa kanya at itinutok ang mga mata sa TV.
Shocks! Wag mong masyadong ilapit yang mukha mo sa’kin! Baka mawala ako sa sarili ko at sunggaban kita at gahasain ng wala sa oras! Don’t tempt me! Pumapatol ako sa juding akala mo! Walang beki sa akin basta HOT! Talu-talo na kung baga!
Napalunok na naman ako.
“Parang ang init noh? Di pa naman summer. Ay! Kaya pala, nakasara ang bintana, Wait lang, bubuksan ko.” Nagpapaypay sa sarili gamit ang palad at mabilis na tumayo patungo sa gawing bintana upang buksan iyon.
Nagkibit-balikat lamang ito at nagtungo sa kuwarto nito.
SAVED! Nakahinga ako ng maluwag. Nakaiwas ako sa komprontasyon. Pero sigurado akong hindi na ako makakaiwas pa sa susunod.
********
Alas-dos ng madaling araw na nang buksan ko ang pinto ng flat ko. Madilim ang paligid. Ang tanging ilaw lang na nakabukas ay ang automatic light na nagbubukas tuwing may tao sa genkan.
Hinubad ko ang aking sapatos at halos kaladkarin ang mga paa ko patungo sa kwarto ko. Isang nakakapagod na misyon na naman ang natapos. At wala pa akong tulog.
Next week ay graduation na at magsisimula na rin akong magtrabaho sa Tokyo Police. Natanggap ako bilang isang office worker sa IT Department.
Nag-resign na rin ako sa part-time job ko sa konbini ngunit kahit nabawasan na ang load ko, naging mailap pa rin ang pahinga para sa akin.
Lagi pa rin akong pagod dahil masyadong time consuming ang mga misyon namin ngayon. Buti na lang may bayad. Nyahahaha!
Pagak akong tumawa. Nagmumukha na akong pera. Ganito siguro ang nagagawa ng mga nagiging dukha.
Sa malamlam na liwanag na nagmumula sa bedside lamp ng aking kwarto ay pagod na tumitig ako sa kisame habang nakahiga sa kutson.
Naiidlip na ako nang marinig nko ang pag-iingay ng aking sikmura. Nagrarambulan na ang mga alaga ko sa tiyan. Gutom na ako.
‘Hindi pa pala ako kumakain simula pa kahapon ng umaga.’
Labag man sa loob na bumangon ay pinilit ko pa rin at lumabas ng silid. Nagtungo ako sa maliit na kusina at naghanap ng makakain.
Maingat na ni-ransack ko ang cupboard at nakakita naman ako ng cup noodles. Nagpakulo ako ng tubig. Ayaw kong maistorbo ang natutulog na si Brent sa silid nito.
Nang matapos ang lahat ng preparasyon…
“Itadakimasu~” bulong ko at tahimik na nilantakan ang noodles.
Wala pang limang minuto ay naubos ko na ang pagkain. Ngunit gutom pa rin ako. Ang refrigerator naman ang napagdiskitahan ko at nakakita naman ako ng yogurt at chocolates na naalala kong binili ko nang huli akong mag-grocery.
Agad na nilantakan ko ang mga iyon at sa wakas ay napawi rin ang aking gutom.
Umiinom na ako ng tubig nang lumabas ng kwarto nito ang pupungas-pungas na bagong gising na si Brent. Si Brent na naka-pajama lang. Si Brent na walang pang-itaas. Ang HOT na si Brent.
Sunud-sunod ang naging paglagok ko ng tubig at maya-maya lang ay nasamid ako.
“Kadarating mo lang?” tanong nito habang kinukusot ang mga mata.
“Hmm~” tumango ako, kaiinom ko lang ng tubig ngunit parang nanunuyo pa rin ang lalamunan ko. “Ah, sige, tutulog na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas. Oyasumi~” pagpapaalam ko sa kanya at dali-daling nagungo sa kwarto ko.
Napahawak ako sa kaliwang dibdib ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi pwede! At saka, bading si Brent!
Matagal ko nang alam na beki siya, pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko?
Base sa observation ko, parang di siya bading kung kumilos. Straight guy kaya ang press release niya dito sa Japan? Kung sabagay, hindi pa open ang mga Hapon sa LGBT. Baka tinatago niya lang dito ang pagkatao niya. Mukhang ako lang ang nakakaalam ng sikreto niya.
Bakit kasi dito pa pumunta, disin sana eh hindi siya closet queen ngayon. Dapat pumirmi na lang siya sa Amerika.
Tsk. Napapalatak ako at dala ng pagod at puyat, nakatulog agad ako ng mahimbing.
********
Pagdilat ng mata ay agad kong dinampot ang aking cellphone na nakapatong sa sidetable ng higaan ko. Tiningnan ang oras.
8:30
SHIT!
Bumalikwas ako ng bangon at dali-daling naghanda para sa pagpasok sa part-time job ko sa diner.
********