bago ang kwentong blue/yellow, usaping pink muna mula sa episode 4 aka si joe na ang gwapo at magaling sabay eksena ni ahim. wala akong problema kay ahim basta wag lang siyang hahadlang sa unang sentai otp ko ever dahil hindi ko siya mapapatawad, kay marvelous na lang siya.
kung di ba naman nananadya si captain marvelous :( sana lang nagkataon lang to hindi dahil may nalalaman siya kay joe kaya sinet-up niya ang dalawa
si joe ay maginoo period
hindi matanggap ni joe na natalo siya ng isang commander ng zangyack empire sa labanan kaya nagtraining muna siya sa labas ng galleon. sinundan siya ng nag-aalalang si ahim para ipaalala na di siya nag-iisa. pagkatapos ng "nakama" pep talk pinaalis pa rin siya ni joe.
hindi nakatiis si ahim na hayaan si joe na lumaban mag-isa kaya ipinahiram niya dito ang espada niya bilang tanda ng pagsuporta. labag man sa kalooban kong tanggapin, syempre natuwa naman si joe.
kagaya ng inaasahan a) sumunod si ahim kay joe; b) nandaya ang kalaban ni joe kaya umeksena na rin ang tatlong nanonood lang mula sa galleon.
ito na ang pinakanakakagigil na parte ng episode 4 na kung di ko lang nabalitaan na may maid!luka sa episode 6 ititigil ko na ang pagdl sa gokaiger. ayan ohay icing at cake. boo.
hindi naman puro blue/pink ang episode 4, meron din yellow > pink pagdating sa usapang blue. ayan ang ebidensya.
episode 6 aka si luka na ang may magandang legs at pwedeng i-ship sa lahat pero lamang pa rin si joe pero cute din ang red/yellow ohay ako na ang salawahan
si doc na lang ang mag-isang umuwi dahil pumasok si luka bilang maid sa bahay ng babaeng dahilan kung bakit di niya nabili ang singsing na nagustuhan niya. syempre hindi nagpapahalatang nag-aalala si joe samantalang naaaliw si marvelous sa ideya.
habang nasa mansion ang napipikon nang si luka, nagrereport siya kay captain marvelous at si joe ay nabubugnot sa likuran dahil hindi siya ang tinawagan ni luka
ETO NA ANG PINAKA!
nageemote si luka dahil nalaman niyang mas gugustuhin pa ng anak ng amo niyang bumalik sa pagiging mahirap pero masayang buhay nila noon chos. naalala niya tuloy ang nakaraan niya mahirap as in pulubi pala siya dati. at biglang dumating si JOE basahin na lang ang sub para mas kilig.
nilusob ng mga kampon ng zangyack ang mansion ng amo ni luka kaya napalaban sila para iligtas ang mag-ama. ang highlight ng laban para sa kin ay ang pagpapahiram ni joe ng espada niya kay luka keber kung natural lang sa kanila ang pagpapasahan ng espada at baril ang mahalaga si joe ang nagbigay.
syempre panalo sila, dahil kilala ni joe si luka hindi siya makapaniwalang walang bayad ang ginawa niyang tulong sa mag-ama sinauli niya kasi yung checkeng binigay sa kanya. hindi nagkamali si joe, kinuha pala ni luka ang singsing na pinangakong ibibigay sa kanya ng amo niya kapalit ng pagiging maid sa anak nito.
pahabol na red/yellow at green/yellow bago matapos :))
- - -
epekto yan ang paghahagilap ko ng gokaiger fic pero wala akong makita. napag-alaman ko ring hindi ako nag-iisa sa joe/luka pairing.