bakit kaya ang sunday malungkot? lalo na pag nagtatrabaho ka ng sunday?
okay usapang uste muna:
kakatawa kasi wala naman palang pasok hehehe ang sarap parin pala maging estudyante. nagpunta ko sa pinakamamahal na skul kung saan nandun ang pinakamamahal na org at mga pinakamamahal na tao (teary-eyed pa ko niyan) kahit 6pm na, madilim! nung elementary ako pinagtatalunan pa namin ng kuya ko kung ano ang scientific term sa maagang magdilim o mahabang gabi. apat lang ang choices: vernal equinox, autumnal equinox, summer solstice o winter solstice. winter solstice nga sana ang sagot. ewan ko kung tama...
apektado kasi ako sa winter solstice dahil sa takot ako magbiyahe ng gabi. pero naniniwala ako sa promise ni God na hindi na mauulit yun kaya ako nag FX papuntan UST. congrats angel. pero nagantay muna ko ng maliwanag na FX at may katabing babae sa harapan (loser).
kasi naman late na nagstart ang meeting namin ni boss. pero okay lang, i so love my job talaga. ang boring ko talaga, bakit ba favorite ko ang research at ang writing?
pagdating ko sa AB, ayaw pa kong papasukin kasi bago yung guard. hay nako. ayon nagrehearse. hindi na ako sumasali kasi hindi naman ako kasali sa competition. excited ako para sa kanila. kahit natatawa ako sa OK.
sana manalo na. alam kong tutuparin nila mga pangarap ko.
paligo sa fountain
nakadalawang stick ng yosi
chicken strips with pizza
dumbele na kakaiba
ipod ni dan
benj na malaswa at sinisira ang damit ko para maachieve ang off shoulder
kuya pao and his recital
ayaw niya ng text. gusto niya ym at personal
si july at ang taxi nights namin
i never tell events, well, life events here at this blog blog blog...kasi kasama na nga sa job description ko ang idocument ang lahat ng movements sa project ko sa globe tapos pati ba naman buhay ko ichechenes ko pa hir. at siguro factor narin ang hindi mailet go na little notebook of wonders. yes, nandun ang lahat ng activities. funny coz chan chan tried to steal it for so many times! yes, i wrote my small prayers there (i dunno why i write my prayers!) siguro may concept lang ako na pag sinulat, mas may dating kay God. kesa sa parang nabanggit ko lang sa isip ko...baka hindi malaman ni Lord na prayer pala yun...
ayokong may nakakaalam kung anong mga pinagpepray ko sa buhay. kasi feeling ko prayers are too personal. way too personal. minsan nalechehan na kasi nabasa ni chan chan ang isang phrase dun sa little notebook ko. parang the phrase was "mahal ko po..." eh ambilis ng aking rumaragasang kamay kaya hindi niya natapos. at ayun issue na.
kanina nasa simbahan ako at nagsimba magisa. sa kalaw dapat ako magsisimba, sa church ko for four years. ayoko tlaga magsimba dun kasi makikita ko dormates ko. parang pahirapan na naman sa pagkwento sa kanila. "san ang work mo?" "may boypren ka na siguro noh? pakilala mo naman samin!" "manlibre ka, malaki ata sweldo mo..."
angel: "@#*!& leave me alone!"
kahit halos araw araw na ako sa ust ayoko dumalaw sa dorm. ewan ko bakit. siguro dahil mataas pride ko.
heheh sabi ko kasi sa kanila hindi pa muna ako aalis sa dorm. mga two years pa ko dun after grad tapos after grad naman talaga ako umalis. wow. ang daya mo ate angel. sabi mo sama sama tayo dito.
ewan ko ba pero feeling ko kasi hindi ko maaabot ang mga gusto ko sa buhay pag hindi ako nagsarili. kahit effort magbayad ng bahay go lang. parang kada payday hirap na hirap akong bumunot ng pambayad sa bahay. gusto ko kasi magshopping. defense ko sa sarili ko, investment naman ang clothes ah.
sinong niloko ko?
tiangge with van motto: nasa pagdadala lang yan. pero masarap parin magshopping diba van? ang sarap maging girl!
hay nako ang dami pala talagang misteryo ng buhay noh? imagine yung buong december 1 ko ang dami kong natuklasan sa mga peeps. as in. isang buhos. chad enjoy ka palang kasama! hehe kasi feeling ko bata ako ulit na malikot. nung high school kasi ako nabansagan pa akong parang kiti-kite at miyembro ng barkadahang bulate na binuhusan ng asin! go chad!
may social responsibility pala ata talaga ako para sa mga batang ito. tsk tsk tsk. sana maaayos na advice ang maibigay ko. go ate angel (the name speaks for itself)
sana maging super ate angel ako para sa kanilang lahat. angel talaga.