ang ganda talaga.
may kausap siyang lalake kahapon. hindi ko alam bakit ako nagseselos eh pawang taga-hanga niya lang naman ako. ni hindi niya nga ako kilala. 'di kaya'y masyado nang malalim ang nararamdaman ko para sa kanya at hindi na sapat ang simpleng pagkuha ko ng mga litrato niya nang palihim? dapat na ba akong kumilos upang lalong mapalapit sa kanya? subalit kapag kumilos ako, baka masira ang lahat, at ultimong pagkuha ng mga litrato niya hindi ko na magagawa.
gustung-gusto ko talaga ang awit na ito.