Hahaha, ang saya! :) Watch My Name is Kim Sam Soon weeknights, after Encantadia, Pag-ibig Hanggang Wakas!
(Sam Soon makes ice cream)
Wife: Honey, wow!
Husband: I love you.
Sam Soon (looks enviously at the pair): Hmmm...
Lani (who was with Sam Soon): Ano'ng tintingnan mo?
Sam Soon: Alam mo Lani, ang swerte mo kapag nagkaroon ka ng ganyang klaseng asawa. Ililibre ka niya ng dinner sa mga mamahaling restaurant, pagkatapos bibigyan ka niya ng diamond ring.
Lani: Inggit ka 'no?
Sam Soon: Uh huh.
Lani: Naiinggit ka, e last week, kasama niya 'yung girlfriend niya dito.
Sam Soon: Ano'ng girlfriend?
Lani: Gilrfriend. Kabit niya.
Sam Soon: Kung ganon, bukod sa asawa niya, may kabit pa siya?
Lani: Mukhang confident naman siya na hindi siya mahuhuli ng asawa niya e. (Samosoon tries to go toward the couple, Lani stops her). Sandali, saan ka pupunta?
Sam Soon: Pabayaan mo nga ako, may sasabihin lang ako sa kanila.
Lani: Ano ka ba naman. Personal nilang buhay 'yan. Hindi ka dapat makialam sa kanila.
Sam Soon (struggles with Lani's grip): Pabayaan mo nga ako. Hindi naman ako makikialam e, may sasabihin lang ako sa kanila.
Lani: Mapapahamak ka niyan sa gagawin mo e.
Sam Soon: Ano ba?
Cynthia (rushes toward the two): Hindi niyo ba alam na bawal kayo dito sa hall? Dun kayo sa kusina.
Sam Soon: Wala ka nang pakialam.
Cynthia: May pakialam ako. In chanrge ako sa hall kaya dapat lang akong makialam. Isa pa, Captain Jang ang gusto kong itawag mo sa akin. (Sam Soon ignores Cynthia and leaves) Ano'ng problema nun?
(Cyrus goes out of his office)
Sam Soon (talking to the couple): Ang tawag sa ice cream na ito ay Marquis Glacee. Kinuha iyon mula kay Pompadour, ang favorite mistress ni King Louis XV ng France. Si Pompadour ang isa sa pinaka-seductive na babae sa kasaysayan. (Cyrus inspects the hall then sees Sam Soon talking to the customers). Naakit sa kanya si King Louis na nagbunsond ng giyera sa ilalim ng pamumuno niya. Na naging mitsa ng French Revolution. In short po, bumagsak ang isang bansa dahil sa isang malanding babae at bobong hari. (The couple look bewildered) Protektahan natin ang ating bansa. 'Wag ho nating hayaang masira ang totoong kaligayahan. (Cyrus tries to stop Sam Soon. Sam Soon does not heed and continues) Ang totoong kaligayahan ay nagmumula sa isang mapayapang bansa. Alagaan natin ang Korea. (Cyrus warns Sam Soon with his eyes. Sam Soon ignores him) 'Wag niyong hayaang masira ang bansa. (Cyrus pulls Sam Soon away) Mahalin niyo ang bansa natin Sir! Protektahan niyo! Hindi diborsiyo ang kasagutan! Mahalin niyo ang pamilya niyo! 'Wag kayong magbabalak mag-divorce! 'Wag!
(Inside Cyrus' office)
Cyrus: Ano ba 'yung ginagawa mo?!
Sam Soon: Bakit, hindi mo ba nakita?
Cyrus: Kung may kalaguyo man ang mga customer natin, wala na tayong pakialam dun.
Sam Soon: Kung kaya mong hindi makialam, pwes hindi ko kaya 'yon. Bakit? Dahil mainit ang dugo ko sa mga lalaking nanloloko ng babae. At hindi lang basta mainit ang dugo ko, kinamumuhian ko sila. Isa sa misyon ko sa buhay ang ubusin ang lahat ng lalaking babaero dito sa mundo. (Ako rin! Bwahahaha!--kikayqueen)
Cyrus: Ako naman, ayoko sa mga taong pakialamero at nagpapaapekto sa personal nilang nararamdaman. Kaya kung gusto mo pang magtrabaho dito, sumunod ka sa gusto ko.
Sam Soon: Ano'ng personal na nararamdaman? Ano'ng ibig mong sabihin?
Cyrus: Tungkol saan?
Sam Soon: 'Wag mong sabihing...
Cyrus: 'Wag mong sabihing ano?
Sam Soon: Sige na nga, susunod na 'ko sa 'yo. Pero Mr. Hyun, paano kung nakakita ako ng lalaking nambubugbog ng babae? Hindi ba ako makikialam?
Cyrus: Oo, 'wag kang makialam. Ako'ng bahalang gumulpi sa lalaki.
Kilig! Riot talaga ang MNKSS!! ;)