An [o]Boys' Tribute

May 22, 2006 21:04

I found this in my files. It was a surprise for my debut which happened almost two years ago. I almost forgot about it. I'm so touched, I think I'll cry.


Juris.
A laala ng langit na narito sa ibaba
N a kailanma’y ‘di magmamaliw, anumang patak ng luha
G inampanan ang tungkuling mag-aruga sa kapwa
H aplos ng kamay mong kay banayad, napakasarap maramdaman.
E legante mong dating, kapag nasilayan,
L iwanag ay hatid sa nakukulapulang isipan

S agisag ng pagmamahalang naghahari rito
A ng mabuting loob mong inialay para sa aming tatlo.
R ason ka ng aming buhay, kung bakit kami naparirito.
A ko’y lubos na nagpapasalamat at naparating ka sa akin,
H anggang sa katapusan ay balak kitang mahalin.


Aiel.
S abay sa ihip ng hangin
A ng indayog ng iyong galaw
R ampa mo ang buong mundo
A t ako, nandito,
H umahanga.


Pochi.
S inisinsil lamang natin ang buhay
A t sa pagtatagni-tagni ng mga piraso, kamay, puso,
R etrato ng nakaraan ang unti-unting nabubuo.
A sahang hahaba at kukulay ang tela,
H iblang gawa ng iyong luha at tawa.


Luigi.
S amu’t saring pangalan
A ng tawag sa ‘yo, sa
R osas ng kalawakan
A kala nila, nakuha na nila ang
H angganan ng iyong kabuuan.


Jerome.
S a ilang sandali, kikislap muli ang langit ng langit namin.
A asa, at hihiling kami tulad noong nakaraang gabi, kagabi, at sa bawat gabing lumilipas.
R oon sa kalawakan, libong bituin ang sumasayaw, bawat isa makislap; wala kang katapat sa pag-asa at pangarap na ikaw lang ang may dala.
A ng aming pinakamamahal na bulalakaw, aalalahanin ka naming, itago ka man ng dilim.
H iling namin makita kang muli, at muling mabulag sa pag-ibig na dala mo tuwing inaakit mo ang langit namin.


Javi.
S agrado
A ng minsanang sandaling
R inig ko
A ng iyong
H uni


Alpe.
S ayang nga naman kung hindi natin madatnan
A ng pagtubo ng isang
R itmong dahan-dahang sumulyap habang ang
A gos ng panahon ay tuluyang nagbigay daan sa
H umihiyaw na pagdilat ng isang mutyang bumubusilak


Kuya Lei.
S a mga tala, kapatid ko, makikita ang landas mo
A yon, kasama ng matitingkad at tanyag na pangalan ng tao.
R imarim na dala ng bukas, ‘wag pabayaang makabahala
A mbon lamang ang katapat
H ayaang tumila’t basta’t gawin ang nararapat.

B usilak at tingkad ang iyong mga mata ay taglay.
I yong kaloobang mapagbigay
T ibay din nama’t paninindigan ang kasabay.
U litin man ng maykapal ang buhay ko’t pilian
I sang hiling lamang ang sana’y kanyang pagbigyan..
N a ikaw pa rin, mahal ko, ang sana’y maging kapatid ko.

I have boys after all.
And these boys I will love with all of me for the rest of my life. <3
Previous post Next post
Up