para sa mga customer, saleslady, salesmen, at mga tao.

Jun 14, 2010 13:58


Другие записи: Карлсон вернулся:) | День 2010.11.02, Точное время 22:24:00 | dog prayer | День 2010.10.30, Точное время 14:04:00

naranasan mo na ba yun?

yung papasok ka sa isang eleganteng clothing store, tapos kung makatingin yung saleslady/man iba?! para bang tinatantsa nya (ano bang tamang term?!), para bang iniisip nya kung ikaw yung tipo ng customer na bibili talaga, o may kakayahang bumili sa lugar na yun. Kapag feel nila oo, "GOOD MORNING/AFTERNOON/EVENING MA'AM/SIR!" plus mega-ngiti. at kung hindi naman, deadma. o kaya inaayos agad yung rack of clothes na ginalaw-galaw mo. ipaparamdam pang nanggulo ka lang.

nangyari na sa akin yan. siguro yung mga pagkakataong hindi ako mukang tao. muka akong kawawa. mukang nagkukunat-kunatan. o kahit sa mga pagkakataong may kakayahan akong bumili. sadyang bitchessa lang yung saleslady nung mga panahong yun.

hindi lang naman sa ganyang sitwasyon eh. kahit yung simpleng bilihan lang ng Zagu o Churros City. nangyari naman sa pinsan at kapatid ko. ewan ko ba. mukang lelemya-lemya siguro sila kaya kung kausapin na lang sila nung tindera, akala mo siya yung nagbabayad para bumili sa kanya yung mga tao.

pati nung bumibili ng bag yung tita ko sa Greenhills last week. magaling sa tawaran yun eh. as in talagang nakikipag-chummyhan talaga siya para makuha yung loob at babaan pa yung presyo. nung nag-abot na sa presyong nagkasundo sila, binabalot na nung saleslady yung bag. edi ganyan. napansin ni tita yung damage sa gilid. pagkasabi niya dun sa babae, ang sabi "ang arte-arte nyo naman ma'am! pinapahirapan nyo naman ako! okay lang yan ma'am."
sarap batukan noh. dahil walang nasabi ang tita ko, sinabihan ko talaga ah. "ay medyo close lang naman tayo ate noh?! customer po yung tita ko. respeto naman." edi nagulat siya. swerte niya, bumili pa rin kami sa kanya.

bakit ganun? talagang may sukatan pa dapat kung bibigyan mo ng respeto yung tao o hindi? Pano kung simple lang siya pumorma, dinedma mo siya sa pag-aakalang di sya bibili, yun pala siya uubos ng mga binebenta mo. edi nagsisi ka?! mas pinansin mo yung isang customer na nakadamit na ng alahas pero nag-wiwindow shop lang pala. ayan. dahil sa panghuhusga ng itsura, nalugi ka.

hindi naman sa nilalahat ko ang mga taong yan.
hindi ko rin naman sinasabing inosente ako sa mga bagay na yan.
mapanglait din ako paminsan-minsan. hahaha. tao lang!
pero observation ko lamang po yan, sa madalas na pagpunta sa mga pamilihan. sa pag-wi-window-shop at pag-sho-shopping talaga, sa mga kwento ng ibang tao.

naranasan ko na rin magtrabaho kung saan nagsisilbi ako sa ibang tao. at marami din naman talagang customers na garapal kung garapal. maaaring kung titignan ang kabilang panig (naks!), bitter lang din sila sa mga ganoong klase ng tao. o siguro kakahiwalay lang nila ng nobyo/nobya niya kaya ganun siya. o baka naman may LBM kaya aburido si kuya.

siguro next time na magiging customer ka sa isang restaurant o papasok ka sa isang clothing shop, o kahit pa anong shop yan. tignan mo muna yung name tag ni ate o kuya bago ka magtanong. kesa ate, kuya, miss, bogart, bosing, manong, manang, boy, ale, waiter, waitress ang itawag mo sa kanila. kung walang name tag, edi tanungin mo. and SMILE :)

tapos, pag' nagtataray, wag' mo na sabayan. kung sadyang bastos, edi pakitaan mo rin ng kagaspangan. hindi mo sya lelevel-an, papakita mo lang na di' ka papadaig sa ugali niya. baka nga pag' naging okay pa rin ang trato mo sa kanya sa kabila ng pagtataray niya, mapahiya pa siya eh. di ba?

respeto lang.

hindi ako naghuhugas-kamay sa mga ganyang pagkakamali.
ginawa ko to' eh, kaya susubukan ko ring gawin yung mga sinabi ko. :D
Previous post Next post
Up