OO NA MARTIR NA KUNG MARTIR, PUTA.

Feb 05, 2009 00:59

Hoy Lovely,

If you should be sorting things out with someone and he doesn't call, text, or leave any message, then that PROBABLY means HE DOESN'T CARE ANYMORE, so stop whining and just move on already. Kaya ka nabobotong martir. Masyado ka nang mabait, 'di ka na kilala ng sarili mong genes... kaya siguro hindi ka makatulog-tulog. Baka niloloko mo lang sarili mo kaya tantanan mo na yan.

AT PUWEDE BA tigilan mo na rin yang paggawa ng cake dahil 'di ka naman sigurado kung ikaw pa rin ang girlfriend niya.

Soli mo na yung singsing, yung bag, at si Cookie. At yung dress sa formal. Hindi ka na rin naman pupunta.

Ang iyong konsensiya
(na mas maganda sa iyo)

...

Siguro may flashing neon sign ako sa noo ko na nagsasabing "HEY GUYS! PUWEDENG-PUWEDE NIYO KO GAGUHIN!" at may mga smiley-smiley pang kasama. Ako naman panay ang pa-gago.

PUTANGINANG PUSO 'TO O.

Dapat siguro nag-madre na lang ako noon pa. Feeling ko rin naman ang ending ko eh maging matandang dalaga. Edi sana mas malinis pa ako ngayon. Hindi yung nagmamalinis lang.

Prof, ampunin niyo na lang ako ni Kat. ;_; Ipagluluto at ipaglilinis ko kayo. Pati babies niyo ako magya-yaya.
 

pribado, sulat para sa akin, ♥ or not

Previous post Next post
Up