Pamagat: Away
May-Akda:
nakakenchii Labtim: walang kamatayang YamaShi, OhgoJima at UmiChii
Genre: Fluff, at Angst?
Rating: Pambata lang naman :D
Buod: NAg-drama, umiyak, kinilig at sumaya si Mirai.
A/N: Ang corny ng buod. XD Wala akong maisip na maayos na buod.
Ngayon, ako ay nakahiga at malalim ang iniisip. Hindi ako makatulog. Hindi ko alam ang gagawin ko sa anniversary naming ngayon. Lahat na lang kasi eh siya ang may pakana. Gusto ko this year, ako naman. Sige, give up na ako, kakausapin ko na siya. Alam ko, may practice pa rin siya, may tour kasi sila eh.
Nag-ring sandali. Ayun may sumagot.
“Hello? Ryosuke, si Mirai to-”
Voicemail.
“Ryosuke ‘to. Sorry di ko masasagot ah… Pwedeng maiwan na lang ng message pagkatapos-“
Binababa ko ung telepono. Busy siya. Wala akong magagawa. Hirap ng ganito pero hindi ako nagsasawa na mahalin siya.
Ooopssss. Tama na drama. Crack ang genre. Kailangan crack. HAHAHAHA.
--
Ako si Shida Mirai. At proud ako na boyfriend ko si Yamada Ryosuke. May date kami ngayon dahil anniversary naming ngayon. Wiiiiihhhh~~~ Kaso bat ang tagal niya ??? 3:00 na, dumating ako dito quarter to 3:00, kala ko may nag-iintay. Baka natraffic lang siya.
Nag-antay pa ko ng ilang pang oras. Alam ko na di siya dadating pero ayokong pang umuwi. Nakakatamad eh. Madilim na at nakakatakot na dito sa park. Sige na uuwi na ako, baka may kumalabit pa sakin dito eh. Nakalimutan na niya kung anong meron sa araw na to. Shit ka Yamada Ryosuke. Ang lakas ng loob mo na kalimutan tong araw na to. Umuwi ako kaagad. Diretso sa kwarto at humiga. Bwisit. Itutulog ko na lang to.
Pumasok ako ng maaga. Ewan ko kung bakit, trip ko lang. Siguro maganda kasing bumati ng mga klasmeyts ng isa-isa tsaka hulaan kung sino ung dadating na sunod.
Unang dumating si Kamiki kasabay si Shougo. Binati ko lang sila at yumuko. Wala silang pake sa akin, lumabas lang sila at nag-abang sa corridor. Sumunod naman si Umika at Suzuka. Dumeretso sila sa kin. Sinubukan nila akong kausapin pero wala ako sa mood. Paglabas ko, nakasalubong ko ang YamaJimaChii. Sabay-sabay nila akong binati. Pumasok ang NakaChii kaagad dahil alam nilang mag-uusap kami ni taba. Magaling ang kanilang mga radar. Pumunta ako ng rooftop, sumunod naman ang loko.
"Mirai~" masayang sabi niya
Inignore ko lang siya. Bahala ka dyan, wala na akong pake sayo.
"Mag-break na tayo." plain kong sinabi
"Huh? Wait Mirai, wala namang lokohan" Sinubukan niyang tumawa pero fail. Epic na fail.
"Mukha ba akong nakikipaglokohan?"
Wala na siyang nasabi. Tumingin siya ng diretso sakin. Alam ko paiyak na siya pero pinipigilan niya.
"Ayoko nang umasa ulit sayo. Ang lakas mong kalimutan ung araw kahapon. Nag-intay ako ng matagal dun sa harap ng Clock Tower, tumawag ng ilang beses sa cellphone mong walang kwenta dahil voice message ang sumasagot at higit sa lahat, muntik mamatay sa lamig kakaintay sa walang kwentang tao dahil anniversary namin kahapon." sabi ko sa tonong galit pero kalmado
Nanahimik siya. Tumingin sa sahig at lumapit sa kin.
"Pasensya ka na Mi-" pinutol ko siya
"Wala ang hirap ng umasa sayo. Break na tayo" umalis na ako bago ko pa siya masakal sa galit.
*Cue: Wala na ba'ng Pag-ibig by Jaya*
Kinabukasan, late akong pumasok. Pagdating ng break, kinuha ko ang bag ko at pumunta sa upuan ni Shougo. Magpapalit kami ng upuan. Sa kanya dahil nasa kanilang dulo siya ng row namin. Dun na lang ako para wala na sa likod ko ung bwisit na...ewan. Ayokong makita ko siya sa likod. At malapit na rin ako kay Umika at Suzuka. Okay naman sa kanya dahil katabi niya na si Kamiki na palagi niyang kalandian kausap pag walang magawa.
"Oh...Mirai-chan, okay ka lang?" tanong ni Umika
Di ako sumagot. Ayokong magsalita. Bad trip eh. Paksyit siya. Ang lakas talaga ng... Ugh! Ewan!
"Malapit na palang mag-dance party no?" Sabi ni Suzuka
"Oo na no~ Sino nga palang partner mo?"
"Obvious ba? Di si Irie~" Bigla na mang may lumapit na kawayan este si Yuto at nag pout sa kanya
"Suzu-chan~ totoo ba un?" tanong nang pa-cute na Yuto
"Syempre hindi no~ ahaha" tumawa ang bruha.
Dumating naman ang little giant ngayon. Obvious naman na gagawing date niya si Umika. Tsk. Ingit ako. Sana ganyan sa ka-sweet. Sana. Sana di siya manhid. Sana di siya tanga. At sana di siya ewan. Sige na siya na lahat.
"Oh bat ka umiiyak?" tanong ni Chinen
Di ko nahalata na tumuloy ang luha ko. Aaminin ko, mahal ko parin siya. Kahit anong gawin ko, mahal ko talaga siya. Pero iba na siya. Hindi na siya ung Yamada Ryosuke na kilala ko.
"Ah, Hindi ako umiiyak. Humikab lang ako. Di kasi ako masyadong nakatulog kagabi. Ehehe" Sinubukan kong ngumiti, pero failed ang attempt ko.
Hindi ko na kaya to. Umiyak na ako kay Suzuka. Niyakap niya naman ako. Alam kong nakatingin siya sa kin at alam niya kung bakit ako umiiyak.
Dahil siya ang dahilan.
Nahalata din pala nila kaming dalawa. Kala ko normal lang lahat. Pumunta ang NakaChii sa kanya at naiwan ang OhgoShima sakin. Kinausap nila siya at kahit na humahagulgol ako dito rinig ko sila. Dahil kaming anim lang ang nandito.
"Yama-chan... Anong nagyari sa inyo ni Mi-" magtatanong sana si Yuto pero kaagad pinutol siya ni Ryosuke
"Oi, Yuto napanood mo ba mga bagong CM ni Itano Tomomi? Ang cute niya dun~" Sabi niyang nakangiti pero alam ko na cover lang niya yun.
"Ryosuke wala akong pake sa bagong CM ni Itano Tomomi. Wala akong pake kung sumayaw siya nang may hawak na payong o sumayaw ng napakabilis para lang icompare ang sayaw niya sa speed ng internet. Hindi pa rin matitinag ang Calpis Water ni Umika!!!" Sigaw ni Chinen
"Ang sweet mo naman, Chii~" Hala, tumakbo na ang prinsesa sa prinsipe niya at naglovey-lovey
"Alam mo Chinen, di ka tumutulong eh. Dun ka na lang. Dun na lang kayo maglandian. Dun!" nainis ung kawayan at ayun pinalayas niya ung dalawa.
"Ryosuke! Ano ba-"
"Pwede ba sa labas na lang?" pinutol ulit niya
"Wait Ryosuke! Bat mo ba lagi mo kong pinuputol sa sasabihin ko? Di tuloy mahaba ung mga sasa-"
"Ano bang mas uunahin mo? Yang nirereklamo mo o ung tungkol samin ni Mi-Shida?"
"Fine, cge" sigh na lang ito sa inis.
At ayun lumabas na sila. Iwan tuloy kaming dalawa ni Suzuka dito. Wala na rin kasi sila Chii at Umika. Lumabas na rin ako kasama si Suzuka. Sa rooftop kami pumunta. Pagdating namin dun, Worst na kung worst, biglang umulan ng malakas at dahil dun, na-end up ako sa bahay ng may sakit: isang mataas na lagnat.
Pumunta halos silang lahat sa bahay ko. Kaso wala si best friend, may date sila ni Mayuko. Ung dalawang Irie naman, may photoshoot. Ung iba may mga other works din. So si Shoguo, ang UmiChii, ang OhgoJima at si Yamada Ryosuke lang ang nandito sa kwarto ko.
"Mirai, okay ka lang?" tanong sakin ni Shougo. Tatlong araw na kasi akong absent at first time ito.
Ayokong magsalita, ayokong nga silang makita eh. Pero hayaan mo na at least nag-alala pa rin sila. Umupo ako. Pumikit ng ilang beses at tumingin sa kanila.
"Okay lang ako, mga siguro 3 araw pa ulit."
"Ehhh?!!! Bat ganon katagal~ miss na kita Mirai!!!" Ngalngal ni Suzuka
"Pumasok ka na." biglang sabi ni Ryosuke
"Uii~ worried si taba~" asar ni Chinen.
Pero parang hindi naman totoo ang mga yan eh. Kahit kailan hindi naging worried sa kin yan. Kasi nga manhid yan.
"Ahhh, Mirai kailangan ko ng umalis, may shooting pa ko"
Unang umalis si Umika, sumunod naman si Suzuka dahil may interview. Paalis na rin ung apat kaso... Dahil worst ang nangyayari sakin sa week na to, kusang hinigit ng kamay ko ang uniform ni Ryosuke. Nagulat ung tatlo pero agad ding umalis. Malakas nga kasi ang radar eh.
"Ah, sorry hindi ko-" bigla niya na lang akong yinakap.
"Pasensya ka na Mirai. Sorry talaga. Alam ko pinagpapasensyahan mo lang ako. Pasensya ka na talaga." Binulong niya sa tenga ko. Alam ko umiiyak na siya nun.
Tumulo din naman ung mga luha ko at ibinalik ang yakap niya. Binitawan ko siya at huminga ng malalim. Pumikit at lakas loob na sinabing...
"Ba. Buti na realize mo na lahat un ah. Ang manhid mo kasi eh. Minsan nga tanga pa. Pero... Alam mo, di kita matiis eh. Masyado kitang mahal." sinabi ko ng malakas pero tumutulo pa rin ung mga luha ko.
"Pasensya ka na Mirai talaga. Promise hindi na yan mauulit. Promise. Cross my heart" sinabi niya with matchig actions pa ng cross my heart.
Tumingin ako sa kanya. Alam kong honest siya. Sige forgiven na siya.
"Para makabawi ako, sa monthsary natin next month, mag-date tayo"
Nagnod na lang ako at umalis na siya. Pero nung palingon na ako sa bitana, bigla namang may nagnakaw ng kiss sa lips ko.
"Nakalimutan ko." at ngiting bata
Napailing na lang ako at higa sa kama. Ganyan naman yan eh.
~
Pagpasok ko sa room, piling ko refresh ako. Bumalik ang sigla ko. Gamot ata ung binigay niya kahapon. Hehe.
Break time, kami ulit ung 6 ung natira. At like the old times, nakabilog ang chairs namin.
"Good mood si Mirai oh~" asar ni Suzuka na nasa kanan ko.
"Ayii~ bakit kaya~ sigurado si Ryosuke un!" dagdag ni Umika na nasa kaliwa ko.
"Ui, Ryosuke, may nasagap akong news, kayo na daw ulit?" tanong ni Yuto na nasa tabi ni Suzuka.
"Oh? San mo naman nadampot yan?" sabi ni Chinen na nasa tabi ni Umika.
"I have my connection." sinabi niya in straight English.
Napa-ohh kami. Akalain mo ung, ang galing niya na mag-English.
"Ihhh. Si Kamiki lang un. Paconnection-connection pang nalalaman" sabi ni Ryosuke na nasa harap ko.
"Tama na yan. Kumain na lang kayo jan." un na lang ang nasabi ko. Wala na kasi akong maisip na masabi. Kilig to the max na ako eh.
Hinatid niya ako sa bahay. Di ko alam pero feel ko na yayayain niya ako ng date pagdating naming sa gate.
“Mirai gusto mong lumabas bukas?” Tama ang predictions ko~
Nod na lang ako, wala ng tumtakbo sa isip ko. At ayun nag-goodbye kiss na lang siya at umuwi. Tulala pa rin ako pero namanage ko naman ito.
Dumating ako ng maaga sa destined place na sabi niya. Simple lang ang suot ko pero may mask ako at shades. Mahirap na mapahamak pa ang labs ko. AHEHEHE.
2 minutes.
5 minutes.
10 minutes.
Tumingin na ako sa orasan ko late na siya ng 17 minutes. Kapag di pa siya dumatingafter 1 minute aalis na ako.
“Mirai!!” may tumawag. Siya na un.
“Sorry kanina ka pa?” Sabi niya. Kumulo tuloy ang dugo ko.
“Kanina? Let’s define kanina. Kanina damo lang yan, ngayon puno na. Kanina naka-crew cut lang ako, ngayon pang shampoo commercial na, at higit sa lahat kanina bata pa ako!!!!!” Sigaw ko na may matching turo-turo sa puno, swaying ng hair at haplos sa mukha kong napakaganda.
Tumingin ako sa kanya. Sarap gilitan ng leeg.
“S-sorry talaga Mirai, dapat nandito na ako kanina eh. Binili ko kasi to eh” Napatingin ako sa kanya.
Himala may hawak na medium size box.
“Anu yan?” I idiotically asked. Obvious naman na kwintas ang laman nun.
“Kwintas. Na-late ako dahil binili ko to.” Binuksan niya ito at pinakita ang pendant. Nilagay niya sa leeg ko sabay ngiting bata.
Double chain at nakaukit ung name ko dun sa small metal na nakakabit dun sa tabi ng ribbon.
Na-shock ako masyado. SHIYIT. Sobrang cute!!!!!!! Niyakap ko na lang siya. Hindi ko alam na love na love niya ako.
Bumalik na ang Ryosuke na love ko. Ung caring, kind and very thoughtful. Di na siya tanga, epal at hindi na siya ung masarap gilitan ng leeg. HEHE. Ayun nag-date na kami sa isang amusement park at nagpakasaya na akala mo wala ng bukas.
Fin.
A/N: eto ung necklace design