Drama

Dec 28, 2010 22:45

 
Pamagat: Drama
May-akda: me <3333
Labtim: Ohgojima, Suzuka-centric
Genre: fluff na naman
Rating: Pambata
Buod: Madrama si Suzuka, explain naman si Yuto
A/N: Napanosebleed ako ni Suzuka
- Suzuka's POV

"ano kayang gagawin mo kapag nawala si Suzuka sayo, kunwari, inagaw ni Kamiki?" tanong ni Chinen habang tinatanggal ung mga talong sa pagkain niya at nilagay sa bento ni Yamada
"sus imposible un, yan papatalo dun sa payatot na un?" sabi ni yamada.
Napatingin si kamiki, at nagbato ng mga nanlilisik na tingin. Ignore lang namin siya, di naman siya ung bid dito eh, ako at si tangkad. Balik ang atensyon ko dun sa tatlo.
"siguro..." napaisip si Yuto.

'oo nga no, ano kayang gagawin nito kapag may nagustuhan akong iba?' tanong ko sa sarili ko habang nakikinig sa kanila. Naagaw naman ng atensyon ko nang nagsalita siya.

"ipagpalagay natin na ISA akong NGIPIN..." nagsimula na ang mahaba at madramang speech nito.
"ngipin? baka kawayan pwede pa" asar ni Yamada
"ipagpalagay lang HA" tingin naman ng masama si tangkad
"ehem. pwede Yamada, Yuto? ipagpatuloy na natin ung explanation niya. And?" nag-English ang Squirell. Porket ba mataas ang grade mo sa English ngayon at porket inagaw mo ang titulo ni Umika sa pagiging Best in English ah. Wait! Lumalayo na ako sa madramang speech ni labs, mamaya na lang natin balikan ang history niya.

"dinapuan ako ng cavity at sa sobrang sakit, gusto ko ng sumabog." sabi nito, akala ko pa naman mahaba, maikli lang pala, tsk.
"ah~" mahabang sabi na lang ni pandak, sa tingin ko masyadong malalim. Di masyadong na-gets ni pandak
"di ko na-gets." mabilis na sabi Yamada, di niya rin ata na-gets un ah. Ako medyo gets ko, medyo lang naman.
"Suzuka, suzuka" bulong ni Shida sa kin
"oh? Ano ba un?" medyo galit na sagot ko, nangiistorbo na naman kasi. Bakit na lang ganon, tuwing may speech si Yuto, parati na lang siyang nang-gugulo
"di ko nagets..." nahihiyang bulong nito
"makinig ka kasi!" sigaw ko dito
"ayus, di mo rin kasi MASYADONG na-gets eh" nakakabwisit na sagot ni Best in Home Economics namin.

Lately kasi parang gumagaling si Shida sa HomeEco, which we may consider as a miracle. Ayan nahawa na ko kay Umika, gusto din niya atang pumuntang Hollywood. Well, balik kay shida, dati naman kasi tinutulugan niya lang yan. Parang atang gusto ng i-take home si Yamada.

Balik sa present, naghahanap ata to ng away ah, di bale sayang ang beauty sleep ko kagabi, di ko na lang siya papatulan. At sa wakas nagsimula na siyang mag-explain. Alam ko na kung bakit di nila na-gets. Nakipagharutan dun sa laby-duds nila. Asus, ewan ko sa kanila nakakaburaot lang.

As a matter of fact, ayan nag-sasanayna akong mag-english para maging Best in English naman ako. Nakabwisit kasi ung malanding spoking dollar na squirell na un eh. Kala mo galing mag-English eh, epic fail naman kung mag-English. Bwisit na teacher to, ewan ko ba, nagpacute lang tong pandak na to, grrrr. Chinen, ay hindi ULTIMATE CHINEN FAN NGA DAW si ma'am eh. Dapat kasi yun kay Umika kaso napaginitan, ayun nawala sa kanya ung award.

Balik sa speech ni laby-duds, ayun inexplain na niya at na-gets na nila. Nung mga nakaraang araw kasi parang iniiwasan niya ako, kaya eto nacurious tuloy si pandak. Medyo nacurious din ako kaya palagi akong nabuntot ako sa kanila. Ah, basta iuuwi ko na lang to tutal uwian
naman. Di nako sanay, di nako hinahatid ni labs, anu bayan.

"haayyy~" sigh naman ako minamalas ata ako ngayon ah. Una, gusto kong na ung title niya. BEST IN ENGLISH: Kawashima Umika. Yan na lang kasi ang parating nakalagay sa cork board namin nun sa room. Pangalawa, wala ng init na sasalubong ngayong bagong taon. Mag-Nescafe Decaf na lang kaya ako para katulad na boyfriend, steady. (Endorser siya ng kape. Akalain mo un, isang Jap idol nakikinig ng Filipino radio commmertial XD Echoserang Frog)Bat ba ako nag-iisip ng ganun, eh may boyfriend naman ako (writer: masarap kaya try mo!) Cge itatry ko yan, thanks for the tip. Decaffeinated naman pala kaya pwede pa rin akong makatulog. At ang huli, nakakabadtrip talaga, ewan ko ba kung ano ba ang dahilan kung bat nababatrip nanaman akech.

Ayun nahiga sa kama at may tumalon sa akin na kung anong nilalang. Aso ko pala, si Stag, ang weird pala ng name niya ngayon ko lang narealize. Si Yuto kasi nagpangalan diyan. Para ngang pang-insekto eh, di pang-aso. Weird talaga kahit anong gawin ko. Di bale itutulog ko na lang to.

Nung sumunod na araw...

Wow~ bakasyon na, I totally forgotten about it. Umatake na naman ang pag-eenglish ulit. Mamaya-maya magnonosebleed ako nito. Di naman ako kumain ng Milky Way, peborit namin ni Yuto, yan ang nakapang-hahigh samin. High talaga ako ngayon, feel ko may mangyayari malaki ngayon. At ayun na nga may pumasok sa kwarto ko at yinakap ako na parang Teddy bear. Iba talagang kapag malakas ang instinct.

"good morning~" ngiti nito. Eto na nga bang sinsabi eh, may nagpakain ng chocolate dito ang aga-aga. Parang alam ko na nga kung sino un. Naamoy ko ang Milky way sa bibig nito dahil sobra tong malapit nung binati niya ko. Tutal mahilig ako sa Milky Way dahil gawa yan sa CHOCOLATE at CARAMEL kaya alam ko kung may nagpakain dito. Bigla namang akong hinila papalapit nito at may balak na pa ata akong i- kiss. Pero buti na lang nakaiwas kagad ako. Lumapit ako at ako ang humalik sa kanya. Kailangan ako ang magki-kiss sa kanya para di ako mahawa sa pag-kahigh niya. Maha-high ako kapag siya. Dun lang siya kumakalma pag nahahigh sa Milky Way. No choice ako baka may makasuhan ng rape dito. At baka matulad kami sa drama nila Shida at Haruma. Mahirap pa namang kumita ng pera ngaun. Nakakadala kasi yung drama niya, di parin ako makaget-over dun ah.

"sinong napakain sayo ng MILKY WAY?" mabilis na tanong ko
"ewan ko, baka kasi naghalo na naman si Yama-chan nun sa agahan ko kanina" explain nito
"anong kinain mo kanina?" tanong ko ulit, habang nilalaro si stag. Bigla ko na lang naalala na parating may milkshake siya pag nag-aagahan
"ano nga ba ulit un..."pinilit niyang alalahanin kaso hindi niya maalala. Pag nahahigh kasi yan, walang naalala.
"cge na wag mo ng alalahanin, okay lang un"mabilis na sabi ko

Dahil nga ang pambata ang genre na nailagay hindi na ilalagay ng writer kung anong sumunod na nangyari, baka daw kasi makasuhan pa daw siya. Wala namang especial na nangyari, nag-dedate lang kami, tutal bakasyon na eh. Punta naman kami sa Amusement Park.

"bakit ka ba pumunta kanina?" tingin ko sa mga mata niya ng diretso
"hmm?" tingin din siya sa kin ng diretso sabay ngiti na napakacute

Jusme, umatake na naman ang killer smile niya. Feel ko sasabog ako. Siguro mapula na ang peis ko at feel ko di na ko makakatangi sa iyaya o kung anong sasabihin nito mamamya. Alam ko may sasabihin tong malaki na ikakagulat ng lahat. Malakas kasi ang insticnt ko talaga.

"anu ba un?" nacuriuos na talaga ako. Ilang minuto din kasi siyang natameme sa tabi. Bigla niya lang akong yinakap na ikinagulat ko naman.
"huwag mo kong iwan..."bulong nito sa tenga ko na tila ba parang musika sa tenga ko. (writer: ang drama talaga niya ngayon no? XD)
"huh?" di ko na-gets. Para nga kasing musika diba
"huwag mo kong iwan, kasi lately, iniiwasan mo ko at dun ka parating kay Kamiki..." nag broke apart kami at tumalikod siya. Ahhh... Ang drama mo na nga, seloso ka pa, ngaun ko lang narealize. Tsk
"tsaka parati mo na kong hindi inaantay dun sa tambayan natin" dagdag niya pa. Oo nga pala, I totally forgotten about it talaga (writer:
gusto niya atang maging Kris Aquino na lang eh, imbes na maging Hollywood star haha). Bwisit na writer to sinasapawan nanaman ako, mamaya na lang kita tsisikahin ha.

Balik tayo sa drama ni Yuto. Oo nga pala bat nga ba ako parating dumeretso pauwi, dapat pala inantay ko siya muna para ihatid niya ako pauwi. So ako pala talaga ang may sala. Patay tayo nito parang kailangan ko ng explantions dito.

"Yuto, sorry mashado lang talaga ko maraming iniisip lately. Ikaw din kasi eh, nandun ka rin kasi parati kila Shida eh..." well totoo un, I'm not lying. Parati talaga siyang nandun."alam mo kasi nag-iisip lang ako ng gift para sayo" nahihiyang sabi niya. Napansin ko na lang na may kwintas na star pendant na ako sa leeg ko. Malamang nasa leeg ko diba? Kwintas nga eh. Alam ng sa kamay diba?

"regalo? Para saan?" wala na curious na curious na talaga ako. Eto ba ang epekto kapag yinakap ka ng nakakain ng Milky Way?
"depress ka kasi talaga eh, to cheer you up lang" sagot nito.

Dudugo na nga ang ilong ko kakaenglishan namin, napakasweet na niya pa!!!! (writer: di ko na kinaya ang pag-flail ni Suzuka... /raise the
white flag)

"ang cute" mabilis kong sabi
"eh?" napatingin siya sa akin
"sabi ko ang cute" inulit ko, nabingi ata eh

Ngiting tagumpay siya, ngiti din naman ako, Nako, kung nakita niyo lang ung smile niya, mapapangiti din kayo. Ang saya naman ngayon, akala ko nagtataksil na ang syota ko. At isa pa, akala ko trip lang ni pandak ung tanong na un, may malalim palang meaning un. Napansin din pala nila na parati akong na kay Kamiki Dahil stupid na tanong ni Chinen, maraming weird na ideas ang pumasok sa isip ko. Kahit pangalan ng aso ko napasama pa. Weird nga kasi. May saysay din pala ang pagtanong ni Chinen ng weird question sa kanya. Dito na nagtatapos ang pagdadrama ko at dito na rin nagtatapos ang pang-eenglishan namin.

-wakas-

SALAMAT SA NAGBASA~
A/N: Un-betaed
-wala lang puro kakornihan...
-bigla lang pumasok sa isip ko :))

suzuka ohgo, tagalog fic, type: one-shot, !fanfics, #hsjmember: nakajima yuto, pairing: ohgojima

Previous post Next post
Up