Not much of an entry but it still is something.
This is a script I made for Linggo ng Wika, about the fall of Bonifacio.
An interesting read if you're willing to finish it.
ACT 1
Scene 1: Imbitasyon sa Cavite
Montalban, Desyembre 1896
(Sa isang bundok sa Montalban)
Nakikitang naghahada ang Supremo na umalis
Procopio: Kapatid, kailangan mo ba talagang magtungo sa Cavite tulad ng sabi ng mensaherong Magadalong iyon?
Andres: Bagamat labag sa loob ko, naniniwala ako na
ito’y para sa ikabubuti ng ating samahan. Hindi natin dapat ipagkakaila
ang halaga ng pagkakaisa lalung-lalo na sa panahon natin ngayon. Kung
ang aking pagpapakita at pakikipag-usap ay ang siyang makapagpapahilom
sa namumuong hidwaan sa pagitan nating mga Magdiwang at sa mga Magdalo,
ito’y gagawin ko.
Procopio: Sige, gawin mo ang gusto mo.
Ciriaco: Sandali nga muna, hindi ba dapat si Emilio Jacinto ang mangangatawan sating grupo?
Andres: May sakit siya kaya’t kailangan niya ng
pahinga, at bilang Supremo, may karapatan din akong pangatawanan ang
siyang grupong aking binuo.
Ciriaco: May punto ka doon kapatid, pero papano na si Ka Oriang?
Andres: Ang aking asawa… isasasama ko na rin siya.
Siguradong magagalak niyang malaman na pupunta kami sa Cavite.
Procopio: Tawagin ko na nga siya para malaman niya. (lilingon)
Ka Oriang! Halika’t may sasabihin itong kapatid ko sayo.
Gregoria: (habang naglalakad) Ano naman ito, huwag na
huwag mo sabihing mag-eempake na naman ako. Palagi na lang kasi tayong
palipat-lipat ng kuta. Wala na ata tayong napagtatagalang lugar ngayon
eh. Oh, ano yun?
Andres: Ah… um, Aalis kasi ako papuntang Cavite.
Aanyayahan sana kitang sumama. Huwag ka nang mag-alala at mas
komportable doon at kung magkataon, baka matagalan pa tayo.
Gregoria: Ganoon pala ah. Sabihin mo na lang na hindi
ka makakagalaw nang wala ako. Di bale na’t pagbibigyan kita. Isama mo
na lang ang gamit ko sa mga ini-empake mo diyan.
Maglalakad paalis si Gregoria habang napapatawa sina Procopio at Ciriaco
Procopio: (nakaharap kay Ciriaco) Sino ba talaga ang pinuno dito?
Ciriaco: Ewan ko ba, nalalaboan din ako eh.
Andres: Tigilan nga niyong dalawa yan, ipapadala ko
kayo doon sa madaming Espanyol. Madukot sana kayo ng mga Guwadia Sibil!
…Teka teka, alam ko na kung anong gagawin ko sa inyong dalawa!
Procopio & Ciriaco: Ano yun?
Andres: Sasama kayo sakin!
Procopio & Ciriaco: Bakit naman?
Andres: Sino ba Supremo dito ah? Bilis maghanda na kayo! Mauunahan na kayo ng bagong taon sa bagal niyong yan.
Scene 2: Pagbati ng mga Magdalo
Cavite, Desyembre 1896
(Sa tapat ng bahay ni Aguinaldo)
Nakikitang naglalakad ang magkakapatid na Bonifacio kasama sina
Gregoria at iba pang Magdiwang patungo sa pinto ng isang makalumang
bahay. Merong dalawang guardiyang nakatayo sa harap nito.
Guardiyang Magdalo #1: ‘tol, pano ka nasama dito sa Katipunan?
Guardiyang Magdalo #2: Di sa nagmamayabang pero, si Heneral Aguinaldo ang nag-anyaya sakin.
Guardiyang Magdalo #1: Ows? Ang swerte mo naman.
Guardiyang Magdalo #2: Malaki ang utang na loob nating lahat sa kanya
dahil siya ang nagpalaya ng Cavite sa hawak ng mga mapanupil na Español.
Guardiyang Magdalo #1: Oo, hindi katulad ni Bonifacio na natalo doon sa
Pinaglabanan. Biruin mo, nakuha na nga nila yung imbakan ng armas,
natalo pa rin sila ng mga Español!
Guardiyang Magdalo #2: Tama ka, si Heneral Aguinaldo ang karapat-dapat na pinuno ng ating itatatag na republika.
Mapapalingon ang mga guardya nang nakarinig sila ng mga boses
Gregoria: Ito na ba yun? Sa wakas makakapagpahinga na rin.
Ciriaco: Oo nga, ang ganda rito.
Procopio: Hmph, sosyal ‘tong mga Magdalo ah. Putsa
ko kapag napilitan silang magtago sa mga bundok o gubat, hindi sila
makakatagal.
Andres: Hoy, nanahimik na nga kayo. Ipaalam na nga natin na nandito na tayo.
(Lalapit sa Andres sa mga guwardya)
Andres: Magandang hapon sa inyong dalawa, handa na ba ang aming mga gagamiting kwarto rito?
Guardiyang Magdalo #2: Sino ka?
Andres: Ako si Andres. Di niyo ba ako nakikilala? Mga Katipunero pa man din kayo!
Guardiyang Magdalo #1: Andres… sinong Andres?
Andres: Andres Bonifacio! Alias “May-Pagasa”! Ang pinuno ng Katipunan! Ang inyong Supremo!
Ang dalawang guwardya: Paumanhin po!
(Bubukas ang pinto at lalabas si Emilio Aguinaldo)
Andres: O, Aguinaldo! (sabay yakap sa kanya) Ang ganda na ng porma mo ah.
Emilio: Salamat kaibigan. Mukhang pagod na kayo sa
inyong paglalakbay, halina pumasok na kayo at marami tayong paguusapan
tunkol sa kinabukasan ng Katipunan.
Gregoria: Huwag na natin siyang paghintayin, halika na at nananakit na itong mga paa ko!
(kukuha siya ng gamit na bitbit ni Andres at paasok sa loob)
Procopio & Circiaco: (mapapatawa)
Gregoria: (sisigaw galing sa loob ng bahay) Hoy! Kayo
diyan, magkasilbi nga kayo at tulungan niyo kong mag-tanggal ng gamit.
Procopio: Ano kamo? Papasok na tayo diyan sa pugad ng mga Magdalo?
Ciriaco: Huwag ka nang magreklamo, mukha namang may nakahandang pagkain doon sa loob eh.
(Papasok sina Procopio at Circiaco kasama ang mga ibang Magdiwang sa loob)
Andres: Naalala ko dati ako ang nag-imbita sayo dati
doon sa bahay ko sa Tondo. Doon ka pa nga nanumpa bilang Katipunero sa
akin eh.
Emilio: Alam mo naman kung ano yung paguusapan natin dito kasama ng ibang mga deligado di ba?
Andres: Siyempre naman, nandito ako para ipakita na
nag-kakaisa pa rin tayong mga Katipunero kahit maging Magdiwang ka man
o Mapagtiis o kaya’t Magdalo.
Emilio: Hindi lang iyon kaibigan, paguusapan rin
natin ang magiging gobyerno para sa ating malayang Pilipinas.
Andres: Bakit pa? Nandito naman ang Katipunan. Wala
naman akong problema sa takbo ng systema natin sa kasalukuyan.
Emilio: Naniniwala ako na kailangan ng pagbabago
upang tayo’y umunlad. Mas makakabuti siguro kapag gumawa tayo ng isang
rebosusyonariong pamahalaan na halintulad sa systema ng mga Amerikano.
Andres: Pagbabago? Nasasagot pa rin ng Katipunan ang
pagbabagong kinakailangan ng lipunan. Meron na nga tayong mga sariling
batas at kartilya. Hindi pa kailangan ibahin ang Katipunan.
(may lalapit na mensahero kay Emilio Aguinaldo at may ibubulong)
Andres: Ano yun? Nilulusob na ba tayo ng mga Español?
Emilio: Papalapit daw ilang mga sundalo ng Españya
sa may dakong Dasmariñas. Tutungo ako roon ngayon upang panatiliing
ligtas ang magiging pulong dito.
Andres: Naks, bumalik ka ng buhay ah.
Emilio: Asahan mo yun, kaibigan. Sa ngayon, paalam
na at sana’y masiyahan kayo dito sa paninirahan ninyo sa Cavite.
(Aalis ang mensahero at si Aguinaldo habang tinitignan ni Andres)
Andres: Pagbabago… hindi ako sang-ayon diyan sa pagbabago. Ako ang Supre…
Gregoria: (sisigaw galing sa loob ng bahay) Hoy! Ano
ba tinatayu-tayo mo diyan, pasok ka na! Bahala ka nga, kung maunahan ka
sa mga kama e di matulog ka sa swelo.
Ang dalawang guwardya: (mapapatawa pero mananahimik kaagad)
(Papasok na si Andres sa pinto at isasara ito)
Scene 3: Pulong sa Tejeros
Tejeros, Marso 1897
Nakikita ang maraming tao na nagtitipon-tipon sa isang mahabang lamesa
Andres: Manuod na lang kayo dito ah, ako nang bahala dito sa pulong.
Ciriaco: Ikaw pa rin ang kinikilalang Supremo, alalahanin mo yun.
Gregoria: Oo, huwag kang padadala sa kanila.
Procopio: Panay mga Caviteño ang nandito, puro mga Magdalo.
Andres: Tama ka, Tanglaw, pero mga Katipunero parin sila.
Ciriaco: Uy, di ba yun si Josephine Bracken! Yung asawa ni Rizal.
(makikita ni Andres si Josephine Bracken, ang asawa ni Rizal)
Gregoria: Alalahanin mo na asawa mo ko ha, baka manligaw ka pa.
Procopio: Kung gagawin mo nga yun, akin na lang itong si Ka Oriang! (sabay akbay kay Gregoria)
(aapakan ni Gregoria ang paa ni Procopio, tutungo naman si Andres kay Josephine)
Andres: Huwag ka nang mamighati, dama ng buong Katipunan ang pagkawala ng iyong irog.
Josephine: (napapaluha) I just can’t believe that he’s gone.
Andres: Ang nakaraan ay tapos na, pagtuonan natin ang
kasalukuyan at ang kinabukasan. Maalala pa rin naman si Rizal bilang
isang magiting na tao na hindi takot na mamatay para sa inang bayan.
Josephine: Yes, that’s true. I just miss him so much. Oh, I almost forgot, Have you already translated Rizal’s last poem?
Andres: Meron akong kopya dito ngayon, ikakalat ko
ito sa Katipunan para magsilbing inspirasyon ng lahat. Gagayahin namin
ang tapang ni Rizal.
Josephine: Thank you, I will pray for your welfare and of our nations.
Andres: Walang anuman.
Ciriaco: Maguumpisa na pulong tapos botohan na. Punta ka na sa may lamesa.
(mananahimik at magsisiaayos ang mga tao)
Andres: Bago pa man natin simulan ang pulong,
ipinaaalala ko na dapat nating galangin ang disisyon ng mayorya at
gagalangin rin natin kung sino man ang mailuluklok sa posisyon.
(magbobotohan ang mga kasapi ng pulong at mag kakaroon ng bilangan)
*pagkatapos ng bilangan*
Member of the Tejeros Convention: Ayon sa ating bilangan, ang ating
magiging pangulo ay walang iba kundi si Emilio Aguinaldo ng Cavite!
(palakpakan ang mga Magdalo habang mahina na pumapalakpak ang mga Magdiwang)
Procopio: Ang galing naman nitong si Aguinaldo, wala na nga siya dito nanalo pa.
Ciriaco: Pabayaan mo na yun, magaling naman talaga siya eh.
Member of the Tejeros Convention: Ang ating napiling ikalawang pangulo naman ay si Mariano Trias!
(Tatayo si Trias at papalakpakan)
Member of the Tejeros Convention: At ang hinirang bilang Kalihim Panglooban naman ay si Andres Bonifacio ng Tondo!
(palakpakan ang mga Magdiwang, pero biglang tatayo si Daniel Tirona)
Daniel: Hindi siya abogado!
(tinginan ang lahat ng nasa pulong)
Daniel: Ang posisyon na Kalihim Panglooban ay isang
kagalag-galang na posisyon na nararapat lamang sa isang taong
nakapagtapos bilang abogado, kung maaari ang aking kapwa Magdalo na
lang na si…
Andres: Bawiin mo ang sinabi mo!
Daniel: Ngunit totoo ang sinabi ko. Mas makakabuti sa
ating bansa na nagtapos sa abogasya ang Kalihim Panglooban.
Andres: Di ba sinabi ko nung una na igagalang natin
ang sinumang maihahalal!? Bingi ka ba o sadyang hindi kayang intindihin
ng kokote mo ang sinabi ko!?
Daniel: Ka-barangay ko yung abogado, siya na lang sana ang…
(tatayo at itututok ni Andres ang kanyang revolver kay Daniel)
Andres: Tumigil ka na sa pag-iinsulto at bawiin mo na ang sinabi mo!
Daniel: Magaling na abogado ang kilala ko at…
Andres: Manahimik ka na!
(Pipigilan ni Ciriaco si Andres na gusto nang barilin si Daniel)
Ciriaco: Tama na! Huninahon na kayo!
Andres: Ako pa rin ang Supremo ng Katipunan! At
bilang Supremo, ipinapawalang bisa ko ang lahat ng mga naganap dito!
(Tatalikod si Andres at maglalakad palabas)
Andres: Hilika na, Magdiwang! Aalis na tayo.
(Lumabas ang mga tapat ka Andres)
END OF ACT 1
Interlude:
Narration:
Makalipas ang pulong sa Tejeros, nagtipon muli ang mga naiwan doon
kinabukasan at iniluklok na sa pwesto si Emilio Aguinaldo bilang unang
pangulo ng Republika ng Pilipinas. Hindi ito kinilala ni Andres
Bonifacio. Pakalipas ng isang buwan, nagtatag ng sariling pamahalaan si
Andres Bonifacio na ginanap niya sa Naic. Tinignan naman ito ng
pamahalaan ni Aguinaldo bilang isang akto ng paghihimagsik. Pinayuan ni
Henaral Pio del Pilar at Heneral Mariano Noriel si Emilio Aguinaldo na
dakpin si Andres Bonifacio bago pa man siya makaalis ng Cavite. Isang
hadlang na raw kasi si Andres Bonifacio na kailangang tanggalin. Kaya
nung pagkabalik ni Emilio Aguinaldo mula sa Montalban, inutusan niya si
Colonel Agapito Bonzon na hulihin si Andres Bonifacio.
ACT 2
Scene 4: Laban sa Limbon
Indang, Abril 1897
Nasa loob ng guardiyadong kubo ang pamilya Bonifacio
*ad-lib* dialogue to be inserted following the scene outline:
• The Bonifacio family is shown to be tense.
• Gunshots are heard outside, the perimeter guards fall down
• Colonel Agapito Bonzon tells them that they are surrounded
• The Magdiwangs put up a fight against the Magdalos
• The Magdalos raid the house
• Agapito fires at Andres and hits his left arm
• Procopio is wounded, He is hit with the butt of the rifle on his nose
• Ciriaco is killed.
• Major Jose Ignatio Paua then stabs Andres at the side of his neck.
• Andres and Procopio is then taken to Naic by Major Paua
• Gregoria is tied up to a tree and then raped by Agapito
Scene 5: Consejo de Guerra
Maragondon, Mayo 8, 1897
Makikita sina Andres at Procopio na nililitis sa isang korte
(maririnig ang pag-pukpok ng judge)
Colonel Pedro Lipana (Judge): Ipinapayagan na humarap ang saksi ng prosekusyon.
Guardiyang Magdalo #1: Your honor, binayaran ho ako ni Andres Bonifacio
ng halagang sampung piso upang patayin si Pangulong Emilio Aguinaldo.
Andres: Hindi kita kilala!
Judge: Order! Order!
Guardiyang Magdalo #1: Dahil alam ho niya na guardya ako sa pamamahay
ni pangulong Aguinaldo, hindi ako mapagsusupetsahan sa pagdala ng baril
sa loob ng bahay. Binyaran ako ng sampung piso nung umaga noong ika-31
ng Desyembre.
Andres: Sinungaling ka!
Jugde: Order!
Guardiang Magdalo #1: Yun lang po, your honor.
(tatayo ang Prosecutor sa si Jose Elises)
Jose: Your honor, malinaw naman marahil na talagang
tinangka nina Andres Bonifacio na patayin ang ating magiging pangulo.
Buti na lang at tapat kay Aguinaldo ang nabayaran niya. Sa aktong
ginawa ni Bonifacio, kitang-kita na hangad niyang pabagsakin ang ating
gobyerno. Hindi pa niya nirespeto ang desisyon sa Pulong sa Tejeros na
si Aguinaldo ang ating pangulo.
Andres: Hindi niyo rin naman ako nirespeto noon ah!
Jose: Tinutukan pa niya ng baril ang kawawang si
Daniel Tirona. Siguro ay takot na takot na siya ngayon sa mga baril
dahil sa shock na nakuha niya.
Andres: Dakdak lang nga siya ng dakdak eh! Di man lang natinag sa mga sinasabi ko!
Jose: Gumawa pa siya ng sariling pamahalaan niya.
Maituturing natin itong parang isang coup-et-tat at masasabing isang
akto ng paghihimagsik laban sa lehitimong gobyerno.
Andres: Naghihimagsik nga tayo laban sa mga Espanyol di ba?
Jose: Ayaw pa niya magpahuli noong napaligiran na
siya ng hukbo ni Colonel Bonzon. May mga namatay tuloy sa mga hukbo ng
Colonel.
Andres: Sila nga yung unang pumatay eh! Pati kapatid ko pinatay nila! Pinatay ninyo!
Jose: Malinaw po, your honor, na nagkasala itong si Andres ng Paghihimagsik.
Itong si Procopio naman, sinusundan niya ang mga kahilingan nitong si
Andres. Lumaban pa nga siya nung aarestuhin na sana si Andres. Siya ay
isang importanteng instumento sa mga plano ni Andres. Dahil mukhang
alam naman niya kung ano ang sinusundan niya, kita na nagkasala rin
itong si Procopio. Yun lang po your honor. The Prosecution rests its
case.
Judge: Tinatawag ko ngayon ang saksi para sa depensa ng magkapatid na Bonifacio.
Gregoria: Wala ho silang planong patayin si pangulong Aguinaldo. Mabuting tao ho sila.
Jose: Objection! Your honor, walang basehan ang
pagsabi niya na mabuting tao sila. Ano ba ang ginagamit ng tao bilang
basehan sa pagiging mabuti? Wala! Dahil iba-iba ang tigin natin sa
pagiging mabuti.
Judge: Objection noted. Meron pa bang idadagdag ang ating saksi?
(titingin ng masama si Colonel Bonzon kay Gregoria)
Gregoria: Wala na po, your honor.
(tatayo si Placido Martinez, ang abogado para kay Andres)
Placido: Wala na po kaming idadagdag, your honor. The defence rests.
Andres: Bakit!? Hindi man lang mo ako ipinagtanggol!
Placido: Ganun talaga. Maghintay ka na kang.
Judge: Kung ganoon, hintayan na lang natin ang verdict ng consejo…
(lalapit ang isang tao at may ibubulong) Ah! Meron na raw sila. Ang
magkapatid na Andres at Procopio Bonifacio ay napatunayang nagkasala sa
bintang na paghihimagsik at binibigan ng parusang bitay (pupukpok).
(iiyak sina Gregoria, makikipagkamayan sina Placido at Jose)
Judge: Samantala, ikukulong sila habang hindi pa naipapatol sa kanila ang sentensya.
(ikukulong sina Andres at Procopio)
Scene 6: Consensya ni Aguinaldo
Naic, May 10, 1897
Nakikitang nakaupo si Aguinaldo kasama ni Mariano Noriel at Pio Del Pilar. May magbubulong kay Aguinaldo.
Emilio: Anong ibig sabihin nito!? Hinatulan niyo ng kamatayan ang nagtatag ng Katipunan!?
Pio: Isa siyang hadlang sa ating gobyerno.
Naghimagsik siya laban sa atin at nakuha lang niya ngayon ang napala
niya.
Emilio: Bilang pangulo ng Republika ng Pilipinas,
ibinababa ko ang hatol na kamatayan patungo na lang sa pagpapatapon sa
malayong lugar.
Mariano: Ngunit nanganganib ang stabilidad ng ating gobyerno habang
buhay pa siya. Mahahati ang Katipunan habang may mga pinunong malakas
ang impluwensya tulad niya. Kapag wala na siya, aayos na ang daloy ng
ating systema patungo sa pagbuo ng ating Republika ng Pilipinas.
Emilio: Nakakasigurado ka ba na aayos ang ating sitwasyon kapag wala na siya?
Mariano: Oho, ganun nga ang aking paniniwala.
Emilio: Pero siya ang Supremo ng Katipunan!
Pio: Ngunit ikaw ang pangulo ng Pilipinas! Tayo ang
lihitimong gobyerno ng bayan, samantalang ang Katipunan ay pawang mga
rebolusyonario lamang.
Emilio: …Kung ito talaga ay para sa ikabubuti ng bayan, ituloy niyo na ang pagbitay.
Mariano: Meron na akong nakahandang utos na naisulat ko sa isang liham. Ipatawag niyo na lang si Commandante Macapagal.
(Ibibigay ng Noriel ay isang liham kay Aguinaldo)
Emilio: Heneral Del Pilar, ipatawag mo sakin si Commandante Lazaro Macapagal.
Pio: Masusunod ho.
(Papasok si Macapagal sa kwarto)
Emilio: Commandante, inuutusan kita at ang iyong mga
tauhan na dalhin ang magkapatid na Bonifacio sa mga bundok ng Nagpatong
at sundin ang utos na nakalagay dito sa liham na ito. (iniabot ang
liham)
Lazaro: Masusunod ho. (sabay saludo)
Emilio: Dios ko, tama ba ito?
Scene 7: Pagpanaw ng Supremo
Maragondong, Mayo 10, 1897
Sinasamahan nila Commandante Macapagal at ng kanyang mga tauhan ang magkapatid na Bonifacio patungong Mt. Buntis.
Sundalong Magdalo: Ser, ano ba yung laman niyang liham na yan at bakit bitbit pa natin sila?
Lazaro: Hindi ko pa talaga alam eh. Tumigil na kaya tayo at tignan na natin
Sundalong Magdalo: Gud ideya ser!
Lazaro: Kawal! Halika’t basahin mo sakin ang laman ng liham.
Sundalong Magdalo: Mi ser? (iniabot ang liham sa kanya) Ahem…!
G. Commandante L. Makapagal,
Alinsunod sa utos ng Consejo de Guerra na ginanap sa Maragondong noong
ika-walo ng umaga, Mayo, laban sa magkapatid na sina Andres at Procopio
Bonifacio, hinatulang barilin sila upang mamatay. Sa pamamagitan nito,
kayo at mga kawal na nasa ilalim ng inyong kapangyarihan ay siyang
nautusan upang gampanan ang nasabing hatol na barilin ang dalawang
magkapatid.
Ipinatatalastas sa inyo, na sa anumang kapabayaan o kakulangan sa
pagsunod sa utos na ito ay pananagutan niyo. Ipapatas sa inyo ang bisa
at bigat ng mga kautusang nasaksi sa Codigo de Enjuni Ciamiento Militar
Español.
Dios ang siyang mag-iingat sa inyo sa mahabang panahon.
Maragondong, 10 Mayo, 1897
Heneral Mariano Noriel
Lazaro: Yan ang utos ko?
(napakinggan rin ito ng dalawang Bonifacio, kinuha na ni Lazaro ang kanyang revolver)
Lazaro: (kay Procopio) Tumalikod ka na.
Procopio: (lumuhod at nagmamakaawa) Nangangailangan ako ng tulong
ngayon at kailangan niyo rin ng tulong ngayong rebolusyon. Magkaisa na
tayo nang sa ganoon….
Lazaro: Inuulit ko, tumalikod ka na.
(habang nakaluhod, tatalikod si Procopio. Isasarado ni Lazaro ang kanyang mga mata at babaril ng limang beses)
Sundalong Magdalo: Ser, may paparating na mga tao. Español ata, medyo malayo pa sila pero paparating satin.
(tinititigan ni Andres si Lazaro sa mata habang siya’y nagdadagdag ng bala)
Lazaro: Tumalikod ka na.
Andres: …
Lazaro: Tumalikod ka na. (tinutok niya na ang revolver)
Andres: …
Lazaro: Sige na, tumalikod ka na sabi! (nagiginig na ang kanyang mga kamay)
Andres: Hindi ako natatakot mamatay.
(lilingon si Lazaro sa tabi at isasara ang mata)
Fade to black
(Maririnig ang limang putok ng baril)
Epilouge:
Text and Narration:
Screen 1: Gumawa na lamang si Commandante Macapagal at ang kanyang mga
tauhan ng mababaw na hukay gamit ang kanilang bayoneta kung saan
inilibing ang Supremo at ang pinuno ng Tanglaw. Naiwasan nila ang mga
napapatrolyang mga Guardiya Sibil pagkatapos. Hindi na napansin ng mga
Español ang mga kahoy na palatandaan ng dalawang libingan.
Screen 2: Sa mga sumunod na araw sa pagbitay kay Andres Bonifacio,
hinalughog ni Gregoria de Hesus ang buong Maragondon sa paghahanap ng
libingan ng kanyang asawa. Ginawa niya ito hanggang sa nagdugo na ang
kanyang mga paa. Sa kasawiang palad, hindi na niya natagpuan kahit
kalian ang itinatagong bangkay ni Andres Bonifacio.
Screen 3: Makalipas ang dalawampu’t isang taon, nagbalik sina Lazaro
Macapagal sa Mt. Buntis kasama ang ibang mga opisyales. Natagpuan nila
doon ang mga labi ng magkapatid. Ang mga buto ni Bonifacio ay nilagay
sa isang urn at itinabi sa Legistalive Building/ National Museum. Ang
kanyang mga papeles, ari-arian kasama na ang kanyang revolver at bolo
at itinabi rin. Noong Pebrero 1945, nabomba ng mga Hapon ang gusali at
nasunog ang mga nilalaman nito.
(roll credits)
Screen 4:
Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Masayang sa iyo'y aking idudulot
Ang lanta kong buhay na lubhang malungkot, Sa pakikidigma at pamimiyapis
Ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip
Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib
Paalam estranherang kasuyo ko't aliw, Mamatay ay siyang pagkakagupiling!
-- Jose Rizal, Mi Ultimo Adios
tinagalog ni Andres Bonifacio