ang nagagawa ng Inggit.

Jan 18, 2011 17:00

Pamagat: Ang Nagagawa ng Selos

May Akda: nodoka06

Labtim: Lahat ng naiisip nyong labtim sa 2-D, isipin nyo na.

MTRCB: kalandian

Buod: May foundation si Kamiki este foundation day ng Horikoshi at may contest sa 2-D at may nakadama ng inggit.



Sabi nga dun sa buod, foundation day ng Horikoshi. Kada year at kada section may kanya-kanyang trip sa araw na iyon- booths, palaro,at kahit anong normal na gawin para sa ganong mga araw. Dahil si Yamada at Chinen lang naman ang concern ko dito,sa 2-D na lang tayo mag-focus.

Shougo, bilang presidente ng 2-D ang nagpasya na magsasagawa na lang sila ng contest sa araw na yon sa kanilang room na ang bise presidente ng klase na kanyang pinakamamahal ang talagang nagsuggest nun,walang iba kundi si Kamiki Ryunosuke. Tutol man si Yamada dito,wala syang magawa dahil eskorte lang ang posisyon nya. Bakit sya tutol? Sila sila daw kasing mga boys ang sasali at dapat magbihis babae. Okay lang naman sa kanya na sumali si Chinen,ang hindi nya matake,si Kamiki. Tatlong kontestant lang ang kailangan,swerte nya at kelangan sya ni Chinen sa kanyang talent kaya di na sya hinarass ng mga kaklase nya na sumali, kasi yun na ang magiging kontribusyon nya,si Jingi nga lang ang minalas.Kung hindi lang talaga sya kinumbinsi ni Umika hindi nya talaga gagawin yun sa tanang buhay nya.

Knowing ng mga utaw na FiNALLY,mag co-cross dress na si Chinen Yuri,dinumog nila ang room ng 2-D.Umpisa na ng show at si Suzuka ang MC.Isa-isang nagpakilala ang mga kalahok.Pumasok na si Contestant # 1,suot ang isang blue-green dress,na may kasama ring headband na may napakalaking blue-green ribbon sa gilid at may suot na wig... feeling nya din sya si Tanaka Reina.

"Hi everyone! My name is Kamiki Ryunosuke. 17 years of age,fresh na fresh at batang bata, itanong nyo pa kay Sakamoto-kun. 36-24-36 ang pangarap kong vital statistics at ang bise presidente ng klaseng ito.Ako po ay naniniwala na "Si Yamada man ang pinakagwapo sa JE,para sa akin si Shougo ang pinaka ahh-uhmm sa buong 2-D.Thank you!"

Nagtawan ang iba,yung iba kinilig,yung iba walang paki,may kanya-kanyang hinahanap,tinitignan,ang haharot! Mayamaya pa ay nagpakita ang sunod na kalahok.Mukha itong prinsesa sa kanyang pink dress, hindi nya na kailangan ng wig at makapal na make-up.Maganda na sya kahit saang anggulo mo tignan dahil likas na syang maganda.Maganda sya kasi maganda nga sya,walang kasing ganda.Nagsigawan ang lahat pati mga kalalakihan ng bonggang bongga, yung iba nahimatay pa.

"Konni-CHINEN minna-san. Chinen Yuri desu! Ang prinsesa ni Ryosuke at ang lakambini ng 2-D.Naniniwala ako "Maganda man si Inoo-chan sa paningin ng iba,eh ano ngayon?Mas maganda naman ako sa kanya!Ten-chuu~!"sabi nito at kumindat pa,wala na dinugo na lahat ng fans nya.

And last but definitely not the least,si contestant # 3.Very simple ang dating sa suot na seifuku... napatingin naman si Mirai kay Umika na katabi lang nya.

"Magandang araw, ako si Irie Jingi,ang ingat yaman ng seksyon na ito,yun lang.Naniniwala ako na "anong paki ko kung matalo man ako sa contest na ito, ah basta ako ang pinaka straight dito."Maraming salamat po!"

Super kyut din naman nitong si Jingi ngunit konti konti lang ang naghiyawan para suportahan sya sapagkat marami pa rin ang hindi makarecover sa kagandahan ni Chinen.Todo blush naman si Kawashima.

Wag na nating pahabain pa,tara na sa talent portion nila.

Akalain nyong may hidden talent pala itong si Kamiki at nakipagduet pa sa iniirog na si Shougo... Time of my Life

I had the time of my Li-i-ife

And I never felt this way befo-o-ore

I swe-e-ear

S: This's for Ryun

R: And I owe it all to Shougo-go-go-go-go-go

Fume-fergie ang lola nyo kaya bago sya bumaba ng stage nag adlib muna "Kami-licious"

Next na ang YamaChii na sumayaw sa saliw ng tugtuging Like a G6,(YamaChii 6 YamaChii 6 nanananana lol pasintabi sa mga batang mambabasa kung naintindihan nyo ang nais kong ipakahulugan,sadyang ganto ang narrator) nagmala Ciara Sotto itong prinsesa at nag pole dancing.Kakaiba ito kasi si Yamada ang ginawa nyang pole.Isang matabang pole,kakaiba diba? Madami ulit naghiyawan at dahil dito kinabahan na si Kamiki na baka matalo sya ni Chinen...wala namang premyo para sa mananalo,trip nya lang kabahan,paki ba natin? At shempre si Papa Jingi na ang next na halatang napilitan lang ay nag Sing & Dance ng waka waka. Oh di ba,multi-tasking at napakatalented na bata. Sabi nya "Tsamina mina eh eh Wa KAWA ka eh eh Tsamina mina zangalewa Anawa aa This is for Umika"sabay tingin sa crush nyang si Umika na namumula parin habang si Mirai ay biglang nalungkot ang mukha at lumabas ng room..dun sya sa fire exit dumaan,ang dami kasing tao,alam nyo namang seksi ang ate nyo.Napansin naman sya ng kasintahang kawayan na lumabas kaya sinundan sya nito.

Mirai!" tawag nya.

Tumigil si Mirai sa paglalakad at hinarap ang kasintahan "bakit?"

"Saan ka pupunta?At bakit mukhang malungkot ka?"

Katahimikan ang nagsilbi nyang sagot ngunit matapos ang ilang kurap,sinabi nyang "ikaw kasi..."

Kunot noo si Yuto, "ako?Bakit anong ginawa ko?"

"Dapat kasi sumali ka din dun... sa contest"

"Hehe.Gusto mo din ata akong makitang naka cross dress eh."

"Sira" irap ni Mirai.

"Ehh? Eh bakit?"

Katahimikan ulit.Ano ba yan Mirai,suspense Queen ka ha!

"kasi..."

"Hmm?"

"Kasi si Ryun nakaduet si Shougo,si Chinen nalandi na naman si Yamada,si Jingi may kanta kay Umi... tapos tayo ... wala..." halos ibulong na ni Mirai ang huli nyang sinabi,yung "wala"

"Asus,naingit~" biro ni Yuto na aksidenteng naitulak ang dyowa sa kilig.Agad naman din nya itong inalalayan at humingi ng tawad.

"Nananakit ka pa eh!"reklamo tuloy nya.

"Sorry labs, di ko naman sinasadya,nikikilig lang kasi ako,ayiee~" patukso tukso si Yuto sabay kiliti kay Mirai, tsansing ka lang eh."Yaan mo mamaya, sa bahay na lang tayo."kindat si Yuto.

"Ewan ko sayo."babatukan nya sana si Yuto kaso di nya abot kaya sa braso nya na lang ito hinampas.

"Ouch~ bakit ayaw mo ba?" nakakalokong tanong Yuto, sige lang.

Nagblush na lang si Mirai "ewan ko, text na lang kita, pag iisipan ko muna" sabi nya sabay karipas ng takbo.

Ngumiti na lang si tangkad at mayamaya ay nagvibrate ang kanyang fone, may nagtext.

Sige, mamaya na lang. Sunduin mo ko after class.

-Mirai

-Tapos-

Dinugo ka ba? basahin ang English dito.

!fanfic index, !yamachii index, !pinoyfics, !for public post, ♦pairing: yuto/shida, ♦pairing: yamada/chinen, wala ako sa mood mag-engrish, ♦pairing:irie/umika

Previous post Next post
Up