[FIC] Finding Dragon

Mar 01, 2014 15:07

Character: Ryuutaro Morimoto, OC

Word Count: 736 words

Summary: Napagpasyahan ni Febe na magpaka-stalker.

Author’s Note: Hindi ako marunong gumawa ng summary at hindi ko pagmamay-ari ang mga characters na involve.

Hindi ko talaga gustong gawin 'to. Pero dahil hindi naman ako busy at mag-isa lang akong nagliliwaliw sa magulong kalye na ‘to...

Ginawa ko na.

Kanina pa nga ako naiiyak dahil hindi ko talaga gusto ang utos ng utak ko. Mga forty-five minutes na kong nakatayo dito. Kung sinu-sino na ang nakita kong artista na hindi ko man lang pinansin.

Bago nga pala ang pagpapanggap ko na maging poste sa lugar na 'to, hindi ko talaga lubos na maisip na makikita ko sya kanina.

Siya.

Si Ryuutaro.

Ryuutaro Morimoto.

Yung member ng JUMP.

Dating member daw.

E bakit ba, para sa kin, member pa rin sya ng JUMP.

Suspended lang.

Ganito kasi yun.

Tutal, free day ng tour namin ngayon, naisip kong humiwalay sa grupo ng mga kasama ko. Para mamaya, kung may makita man akong magandang shop, papasama ako bukas para bumili ng pasalubong.

Hindi ko kasi dinala yung pera ko bago lumabas dahil baka madukutan ako at wala pang maipambili ng ipapasalubong. Safety measures.

At habang naglalakad ako papunta sa kulay pink na shop na na-spot-an ko sa kabilang kalsada, nakasalubong ko si Ryuutaro.

Nakasuot ng baseball cap, bukas na checkered polo na may puting sando sa loob, capri pants, may hawak na plastic ng McDonalds sa kanang kamay at cellphone sa kabila. Hindi na ko nakapag-isip at sinundan ko na ang aking true love.

True love dahil bukod sa ichiban ko sya, sa dami ng artistang pwede kong makita sa kalsada ay sya pa ang nakasalubong ko. Di bale nang delusional. Gusto ko lang naman ng picture at autograph. O kung hindi pwede, shake hands. Yun lang, Masaya na ko.

At dito nga ako dinala ng pag-sunod kay Ryuutaro. Hindi ko alam kung saan na 'to at palagay ko, maliligaw ako pag di ko pa inilabas ang dalang mapa.

Oo.

Guilty ako sa kasong 'stalking'.

First time ko pa naman. Baka mahuli pa ko. Kawawa naman ako.

Habang busy sa tinitignang mapa, pasilip-silip din ako kung lalabas pa ba si Ryuutaro sa building. Ewan ko kung anong building 'to kaya hindi ko na sya sinundan sa loob.

Nagulat pa ko nang biglang tumunog ang cellphone ko.

"Hello..."sagot ko bago napa-haching ng malakas dahil parang may pwersa ng alikabok na lumusob sa ilong ko.

Nagmamadaling hinanap ko ang panyo sa loob ng bag.

"Hoy Febe, nasaan ka na ba? Sabi nila magmi-meet tayo sa hotel in thirty minutes."

Suminghot ako. Di ko pa rin makita yung lintik na panyo.

"Teka lang. Nasa malapit lang ako."sabi ko sa kausap.

Naalala ko na kung saan ko nailagay yung panyo.

Sa bulsa ko.

Paghila ko ng panyo sa bulsa ko, nalaglag naman yung mga barya.

Ang malas naman!!

Hindi na nga ulit lumabas ng building si Ryuutaro, nalukot na yung mapang hawak ko, sasabunin pa ko ng mga kasama ko pag na-late ako, feeling ko tutulo na yung sipon ko at kumalat pa ang mga baryang galing sa bulsa ko.

"Pabalik na ko."sabi ko sa kausap habang pinupunasan ang ilong.

Ibinalik ko na ang cellphone at mapa sa bag nang may kumalabit sakin.

Pasagot na sana ko ng 'no japanese' kaya lang...

SINONG NAGSABING SOBRANG MALAS KO NGAYONG ARAW?!

Napalunok ako.

Hindi ko na alam kung pano mag-exhale.

"Ano...."umpisa ng lalaking nasa harap ko.

Itago natin sya sa pangalang 'Dragon'.

Hindi ko gets yung sinabi nyang japanese pero nasa harap ko ang kamay nya.

Nalaman ba nyang gusto kong makipag-handshake?

Baka alam nyang sinusundan ko sya.

Uuuuh.... Nakakahiya!!!

Pero hindi pa doon natatapos.

Kinuha nya yung isang kamay ko saka naglagay ng mga barya.

Ah.

Napatingin ako sa sahig.

Wala na yung mga coins.

Tinignan ko ulit si Ryuutaro--- si 'Dragon'. Nakangiti sya.

Pano na nga ulit huminga??

Binuka ko ang bibig ko.

"A... a-ari-g-gatou..."nakakapag-isip pa pala ko.

Nakangiti pa rin na tinapik nya ang balikat ko. Tapos may sinabi syang japanese. Mabilis saka nawalan na ng oxygen ang utak ko, hindi ko naintindihan hanggang sa makaalis sya, pina-process ko pa rin yung sinabi nya.

Tumunog ulit ang cellphone ko. Nakatulalang kinuha ko sa bag.

"Nasan ka na?!"sigaw ng nasa kabilang linya.

"Nakakaintindi ka ng japanese, di ba?"

At dahil nakakaintindi sya ng japanese, inulit ko sa kanya yung natatandaan kong sinabi ni 'Dragon'.

"Mag-ingat ka daw, cute ka pa naman. Parang ganun. Saan mo naman narinig?"

"BUMALIK KA RYUUUU!!!"kinikilig na sigaw ko.

Bago bumalik sa hotel ay napagpasyahan kong hindi maligo dahil hinawakan ako ni Morimoto Ryuutaro!!!

-end-

language: tagalog, !fic

Previous post Next post
Up