Alam kong hindi na ako matutuloy magpunta sa Vigan dahil sa sunud-sunod na bagyo.
Pero tutuloy ako pag di na mareklamo ang nanay ko. O kung sakaling umuwi ang tatay ko...
AALIS AKONG MAG-ISA.
Two-day trip lang naman ang balak ko.
May nahanap na kong hotel. Kung sakalang mag-oo sila, tatawagan ko na lang yun para makapagpa-reseve ng kwarto. Kahit walang AC. Paki ko naman sa AC e naka-electricfan lang ako sa buong 7/8 ng buhay ko. Saka di ko naman balak na magstay lang sa hotel kung sakaling. Nailista ko na rin lahat ng pupuntahan ko. Pero kung nandun lang, goodluck na lang kung masunod lahat ng balak ko. Pero ang target ko talaga ay kumuha ng maraming pictures. Wala rin akong balak mamili dahil mas balak kong kumain! ALWAYS. FOOD. MATTERS.
[blah #1]
Recently, medyo madaldal na ulit ako. lol.
Ang hirap ibalik ng dati kong daldal dahil two years na kong hindi nakikipag-usap ng matagal sa mga tao sa labas ng pamilya ko. Pero as usual, tahimik ko pa rin na binabasa ang bawat laman ng NF at TL ko. Wag nyong isiping walang nagbabasa ng tweet at status nyo dahil laging online ako. Akala nyo lang hindi pero OO. Nakikita kita. Haha. Tunog stalker lang.
[blah #2]
Magiging medyo busy na ulit ako. Dahil papasok na ulit ako! Hindi naman school pero at least tungkol sa pag-aaral. Hindi rin ako makapaniwala pero may plano na ko pagkatapos nito.
Ang pakasalan si Shigeaki Ka--- charos lang. Pero why not chocnut. Pero related sa kukunin ko yung susunod kong gagawin kaya... Tapusin ko muna 'to bago ulit ako magplano ng iba. Yes. Ganyan nga.