I've Got A Life (yey)

Jul 29, 2014 13:15


I've been in a good mood lately...

Not too long ago, (three weeks ago) naisip kong mag-enroll sa isang japanese language center. Nag-umpisa ako sa pinaka-basic at itinapon ko lahat ng japanese na alam ko ---bukod sa pagkabisa ng hiragana at katakana ---dahil habol ko talaga ay GRAMMAR.

Siguro dahil na rin lumalabas ako ng MWF o dahil nae-exercise na ang utak ko kaya medyo maganda ang mood ko nitong mga nakaraang araw.

Dahil second week palang kami ng lesson ay, nasa DOKO NA U KOKO NA ME palang kami.

Inaantay ko si Kenshin. Di ko pa napapanood ang Kuroshitsuji. Di pa alam ng boypren ko na nag-aaral ako. Balak kong kumuha ng conversation course. Pero mas gusto kong pumasa dito sa E1. lol. Isa-isa lang muna. Medyo slow talaga ko sa mga bagay-bagay.

Sumasakit na lalamunan ko kaka-watashi, watashitachi, minasan, shitsurei desu ga, kyoushi, shain, kaishain, gakusei, sensei, dewa arimasen, ano kata wa donata desu ka... kabisado ko na. ugh.

Kung pupunta ako sa Whitespace ng September 6, makakapunta pa ba ko sa BOA kung wala na kong pera sa pagbili ng kawaii-kawaii items? Mahirap pigilan ang sarili na bumili ng kawaii items lalo na at pangarap mo talagang maging cute kahit alam mong it's too late.

Napanood ko yung NO BREATHING dahil kay ate Malou, panoorin ko raw pag nakawala na ko sa mga mata ni Akashi at kapag wala na kong mapanood na anime. Alam ko lang talaga sa korean movie na yun ay parang FREE! dahil swimming themed sya. At bida si Seo In Guk (kabisado ko yung pangalan dahil ginoogle ko)

Maraming bromance.

Gay hints.

Napatanong ako, dati ang sweet ng mga kmovie, ngayon, ganito na ba talaga? Dapat may mga kabaklaan? O bakla na talaga yung utak ko at iniisip kong may gay hints ang lahat ng bagay? O dahil kasama si In Guk sa movie kaya required na may gay hints? Wakaranai anymore.

Hindi ako tumili sa pecs, sa abs, o sa back muscles.

Tumitili ako tuwing may magkaakbay, titigan moments, ngitian moments, sunduan moments.

Sign na ba 'to?



Ang daldal ko na ulit. *sigh*

random, language: tagalog

Previous post
Up