pumunta kami ni michelle sa may balintawak at namigay kami ng 30 supot ng pansit, 30 piraso ng zest-o, at maraming tinapay. nakakalusaw ang mga ngiti ng mga tao dun! damang-dama ko ang tuwa nila! Ideya ni michelle yun. Masaya at kakaiba para ipagdiwang ang aming ikatlong taong pagsasama!