Ang Handbook ng Tanga sa Pag-Move On
by
mara_ciro Pairings: Kris/Suho, broken!Kris/Chanyeol, broken!Suho/Kyungsoo, slight!Jongin/Sehun
Rating: PG
Word Count: 15700~
Summary: Hindi madaling maka-move on sa isang kupal na ex. Pero kung kaya ni Kris, kayang-kaya niyo rin. || Inspired by
Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo?Notes: Written for
narito_kami. Original
here.
Warning/s: Girls!Kris, Minseok, Taemin, Zhou Mi, Heechul, Leeteuk, Kyungsoo, Baekhyun
Bakit nga ba nawawasak ang mga tao dahil sa pag-ibig? Simple lang ‘yan dahil meron tayong tatlong decision-making bodies: ang utak, ang puso, at ang bird. Dapat balanced ang tatlo. Kaya lang minsan, nagsasanib powersa ang heart at ang bird at nag-ku coup d'état laban sa utak. Doon nagkakanda leche-leche ang mga bagay. Di ba, pag in love ka, tanga ka?
Inaayos ni Kris Wu ang sarili niya sa banyo ng restaurant. One year na pala sila ng boyfriend niyang si Chanyeol at magce-celebrate sila ng kanilang anniversary. Mukhang wapakels si Chanyeol buong gabi, pero balak ni Kris baguhin lahat iyon. Nabigyan na niya ng iPad si Chanyeol, pero wala namang regalo ito para sa kanya. Ayos lang iyon. Basta magustuhan ni Chanyeol ang pangalawang gift ni Kris…
Hindi niya maintindihan kung bakit ayaw ng mga magulang at kapatid niya kay Chanyeol-guwapo naman siya, marunong mag-gitara, magaling gumawa ng kanta. May pagka-cold nga lang…
Lahat ng kulot niya in place pa rin, at mukhang di naman nagalaw ang makakapal niyang kilay, at mukha namang maganda ang suot niya-kahit na hindi pinansin ni Chanyeol ito. Ayaw sana ni Kris mag-makeup, kaya lang pinilit siya ng baklitang maldita niyang kapatid na si Yixing. Para lang manahimik ang kapatid, nag-makeup na siya, kahit first time niyang magsuot nito. Kahit na sinasabi ni Yixing na mukha siyang clown, di siya naniniwala dito. Sabi naman kasi ng tatay niya, maganda naman siya. So, sino paniniwalaan niya? Ang magulang na nothing but supportive, o ang kapatid niyang baklitang maldita na feeling fashown?
Para ngang wala sa mood si Chanyeol buong gabi. Ni wala ngang pakialam na nagbihis si Kris para sa kanya. The only time na nakita niyang mag-react si Chanyeol ay noong inabot niya ang iPad na regalo niya. Siguro alam na ni Chanyeol na balak niyang ibigay ang virginity niya dito at hindi mapakali. O baka, hindi lang ready si Chanyeol para dito. Oh well, papel. Let’s see where the wind blows.
Nang papalabas na siya ng banyo, biglang may nakuha siyang tawag. Si Chanyeol ito! Oh no, anong sasabihin niya?
“Hello, bae!” bati niya kay Chanyeol
“Kris, umalis na ako. Kuya, sa Apgujeong,” sabi ni Chanyeol. Narinig ni Kris na kumukuha si Chanyeol ng taxi. “Nakikipag-break na ako sa’yo, Kris. Ang bait mo masyado. I need space.”
“Huh? Space?” tanong ni Kris. “Eh bakit? Nasaan ka ba?”
Tumakbo si Kris pabalik sa table nila. Andoon pa ang kahon ng iPad na binigay niya. Inalog-alog niya ito. Wala nang laman. Punyeta!
“Chanyeol!” sumigaw siya habang tumatakbo palabas ng restaurant. “CHANYEOL!”
Iiyak na sana siya sa gitna ng kalsada, kung hindi lumabas ang isang waiter, na nagsabing, “Miss, ang bill niyo po.”
So ano na ngayon ang dapat gawin ng isang wasak na puso?
UMIYAK
Sana in private, para hindi nakakahiya
So… binreak na pala siya ni Chanyeol. Hindi niya ito inaasahang mangyari. Akala pa naman niya, true love na ito. Sa lahat ng lalaking naging boyfriend ni Kris, si Chanyeol na ata ang pinakamatagal.
Habang naglalakad pauwi, napadaan siya sa Yeouido Park. Park. … Chanyeol Park. “PUTANGINA!” sumigaw si Kris, habang nagbabato ng papel sa sign ng park. “TANGINA MO CHANYEOL. IBALIK MO ANG iPad ko! MAGNANAKAW!”
Tumungo si Kris sa SM Entertainment, ang lugar kung saan siya nagtatrabaho. Doon, nilinis niya ang lahat ng bakas ng relasyon nila. Wala siyang pakialam kung naka puti siyang damit at heels. Tinggangal niya lahat ng mga litrato nila. Ngayong nakikita niya ulit ang mga litratong ito, siguro ngang parang hindi Masaya si Chanyeol sa piling niya. Madali lang linisin ang lugar niya, at kokonti lang naman ang mga regalong ibinigay ni Chanyeol sa kanya. Binura na rin niya lahat ng mga kantang isinulat ni Chanyeol sa computer niya.
Noong susunod na araw, namalayan niyang nakatulog na pala siya sa ilalim ng desk ng boss niyang si Sir Sehun. “Hoy! Gising ka na, Kris!” sigaw ng boses ni Sehun. Nagtataka si Kris kung paano nagkaroon ng mataas na posisyon ang lalaking ito, eh parang walang hilig sa music ang tao.
“Krissy, wake up! I need a full progress report on all of SME’s trainees by noon,” utos nito. “Dadating daw si Sir Kibum by this afternoon. May important meeting daw.”
Inaangulo na naman ni Sir Sehun ang phone niya. Marahil kukuha ng selca, kunyaring nagtatrabaho.
“Hindi ko na kaya,” sabi ni Kris. Sariwa pa rin ang breakup nila ni Chanyeol, at paano siyang kikilos, eh lahat ng nakikita niya, si Chanyeol ang nasa isip niya. “Gusto ko nang mamatay…”
“What the fuck are you talking about?” sinigaw ni Sehun. “GET OUT! AND DON’T FORGET MY BUBBLE TEA!”
Nagtipon-tipon silang lahat noong ipinatawag sila ni Sir Kibum. At this point, kahit na feeling ni Kris wasak siya sa loob, at least, napaliguan na siya ng kaibigang si Minseok na malapit lang nakatira sa SM Entertainment. Hindi alam paano siya naikaladkad ng maliit na babaeng iyon. But then again, nakakabilib ang maraming abilidad ni Minseok.
“Good morning everyone!” bati ni Kibum sa lahat ng empleyado at trainee. “I’d like to make this as quick as possible. From now on, I will no longer be holding the position of chairman of SM Entertainment. My father-in-law, Siwon Choi, the founder of this company, has relegated this position to my youngest son, Junmyeon Kim. I hope you will take care of him well.”
Tiningnan nilang maigi ang bago nilang boss. Aaminin ni Kris, may itsura. Maliit, maputi ang balat, at higit sa lahat, ang ganda ng ngiti. Parang anghel kung ngumingiti, pero ngayon, medyo mukhang kinakabahan.
“Kung kalian pa nalulugi, doon pa nagpalit ng boss,” binulong ni Ryeowook, isa sa mga composer ng kompanya.
“Nakikita ko na ‘yan dati sa mga practice room. Noong member pa ako ng SNSD, nakikita ko na ‘yan.” sagot ni Yoona, isa sa mga dance instructor/choreographer. “Siya ang bunsong apo na laging sumasama kay Sir Siwon.”
Mula noong dumating si Junmyeon sa kompanya, isa isa silang nababawasan. Wala pang nangyayari kung hindi ang pagsisante sa mga empleyado. Iilang mga administrative staff rin ang nawala, at nadagdagan ang trabaho ng mga nanatili sa SME.
“Gusto ko nang mamataaaaay,” umiyak si Kris habang kinakaladkad nina Ryeowook at Youngwoon papuntang opisina ni Junmyeon.
“Hindi ka tatanggalin ng Junmyeon na ‘yan,” sabi ni Minseok. “Ikaw pa! Eh, employee of the month ka na mula noong dumating ka dito sa SME three years ago!”
Narinig nilang tumawa si Sehun. “Minseok, huwag mong bigyan ng false hope si Kris.”
“Miss Wu,” bati ni Junmyeon noong iniwan na nina Ryeowook at Youngwoon silang dalawa. Hindi alam ni Kris ang nangyayari. Bahala na kung ano mangyari. Wala na siyang ganang mabuhay. Nawalan na siya ng dahilan para ipagpatuloy ang laban.
“There is no easy way to put this, pero SME is suffering financially,” sabi ni Junmyeon. “And we’re going to have to get rid of redundant staff and expendable people.”
Walang nakikita si Kris kung hindi si Chanyeol. Naririnig niya ang boses ni Chanyeol. Hindi ba inexorcise na niya ang demonyo ni Chanyeol sa opisina? Bakit andito pa siya?
“Though your records show an impressive performance, we’re going to have to give this company space.”
Space… Space… Space…
“For new personnel.”
Hindi mapigilan ni Kris ang sarili niya at sinuntok niya ang taong nasa harapan niya.
“ANG KAPAL NG MUKHA MO!” sinigaw ni Kris habang sinasapak niya ang taong nasa harapan niya. “MINAHAL KITA! MUNTIKAN KO NANG IBIGAY ANG VIRGINITY KO SA’YO! PAANO KUNG NABIGAY KO IYON?! HAH? PAANO MO ISASAULI IYON?!” sabay paghampas ng ulo ng tao sa mesang naghihiwalay sa kanila.
Hindi na niya alam ang susunod na nangyari, pero pinapalakpakan siya ng buong kompanya habang ineescort ng mga security guard paalis ng opisina.
“Go Kris!” sigaw ni Minseok. “I love you, girl!”
“Ate naman kasi,” sabi ng kapatid niyang si Yixing nang makauwi sila sa bahay. Ngayon lang niya naisip na shit, nasapak niya ang bagong CEO ang SME. Oh well, di naman masyadong kawalan iyon at tinanggal na siya ni Junmyeon. Makahanap nga ng bagong papasukan.
“Kung ma-in love ka, para kang bakla. But then again, marami pa namang papable diyan. At pag nakita ko ang Chanyeol na ‘yan, jojombagin ko siyang bonggang-bongga!”
MAGPAKA-BUSY.
There is a life beyond your ex. Promise
Nagliligpit si Kris ng gamit niya mula sa opisina habang naririnig niyang kinakausap ni Junmyeon ang mga natitirang empleyado ng SME. Di niya alam kung tatawa o hindi sa mga sagot ng iba. Feeling niya, ang mga tulad nina Minseok na nakakaalam naman, pero gusto lang nilang papahirapan si Junmyeon. Poetic justice kung baga.
“How are we going to rebrand SME if we don't have any active artists?!” sigaw ni Junmyeon kay Joohyun, ang bagong assistant advertising head.
“Ewan ko,” sagot ni Joohyun, habang naka-ngiti kina Kris at Ryeowook na nagpipigil ng tawa. “You might want to ask Sir Sehun, or maybe Kris. Siya ang kasama ni Sir Sehun pag humaharap sa mga artists.”
“Kris… Sinong Kris? Kanina ko pa nariring ang pangalan na iyon.”
“Si Kris! Yung…” sinuntok ni Joohyun ang hangin.
“Oh. THAT Kris,” buntonghininga ni Junmyeon.
Naglalakad na rin siyang palabas ng opisina nang marinig niyang nag-aaway sina Junmyeon at Sehun sa loob ng opisina ni Sehun.
“This company is dying,” sabi ni Sehun.
“And you don’t care about it?” tanong ni Junmyeon.
“Damn right I don’t!” sagot ni Sehun. “So why don’t you just fire me? Total, doon ka naman magaling!”
“Sehun, you still have contracts to settle. And we still have to organize that damned catalogue!”
“Ano ako? One man team?” sigaw ni Sehun. “Ba’t di mo na lang utusan si Kris? Total, mukha naman siyang alipin! Oh wait. Right. You FIRED her. Oh, poor little rich boy.”
“You can’t just walk out on me!” sigaw ni Junmyeon.
“I’m not walking out on you,” sagot ni Sehun. “I’M RESIGNING, BITCH!”
Shit, kailangan nang umalis ni Kris bago pa siya makita pa ni Junmyeon sa kumpanya. Malamang, masama ang loob nito sa kanya at sinuntok niya ang tao dahil tinggalan lang siya ng trabaho.
“Miss Wu!” sumigaw si Junmyeon. “I need to talk to you!”
“SHET!” sumigaw siya habang tumatakbo as fast as her unathletic legs can take her.
Nako! Ano kaya gagawin sa kanya? Tumakbo si Kris palabas ng gusali, wala nang pakialam sa mga bitbit niyang gamit. Kailangan niyang maka-iwas kay Junmyeon bago pa siya mahabol nito.
“Kris! Sandali! Mag-usap tayo!” sumigaw si Junmyeon. “Kris! Stop!”
“Sorry na, Sir! Sorry!” sumigaw si Kris habang tumatakbo
Napatigil si Kris sa takbo niya. Nakita niya si Chanyeol, may kasamang magandang babae. Kumukuha sila ng selca, gamit ang iPad na binigay niya. Wala na sana siyang iisipin, kung hindi niya nakitang nagkikipag-MOMOL si Chanyeol sa babae in broad daylight.
“Chanyeol…” umiyak siya. “iPad ko…”
Nakahabol na si Junmyeon sa kanya. “Iyan? Iyan si Chanyeol?” sabi niya habang nakaturo kina Chanyeol.
“Oo…”
Tumingin si Junmyeon kay Kris, tapos kay Chanyeol. “Mabuti na lang pala, hindi mo binigay ang virginity mo sa gagong iyan.”
Humakbang si Kris papunta kay Chanyeol, pero tinigilan siya ni Junmyeon.
“Lalapitan mo siya?”
“Oo…”
“At ano? Gagawa ka ng scandal? Malamang nasa Facebook, Twitter, at Instagram na ‘yan ng mga kaibigan niyo. Sige! Just make sure di ka mukhang nakakatawa ha!”
“Eh aong paki mo? Kakausapin ko lang siya,” sabi ni Kris habang humahagulgol. “Puwede naman niya akong mahalin ulit, kahit hindi ko ibigay ang…”
Hindi na siya makasalita at halos tinakpan na ni Junmyeon ang bibig niya at kinaladkad siyang paalis sa eksena.
Dalawang type lang ‘yan. Ayaw niya sa’yo. Gusto ka niya. Hindi kailanman nag-ooverlap iyon.
“Sabi naman nila, mabait naman daw ako,” sabi ni Kris kay Junmyeon noong naupo sila sa isang restaurant. “Pero iniiwan pa rin nila ako.” Humagulgol siya, wala na siyang pakialam kung may poise pa siya o wala.
“Putanginaaaaaaa”
Hinihimas lang ni Junmyeon ang likod niya bago sinabing, “Kris, may proposal ako para sa’yo. Kita mo siya?” tanong ni Junmyeon habang itinuturo ang isang magandang babaeng naglalakad sa harapan nila. “I can turn you into that.”
Umiling si Kris. Asa pa siya. Hopeless case na siya.
“I can turn you into someone more exciting. Someone sexier.”
“Hah?”
“Men will fall in love with you, but you will learn to love like a man,” sabi ni Junmyeon habang ngumingiti. “Para sa huli. Hindi ikaw ang iiyak.”
“Hindi na ako iiyak?”
“Hindi ka na iiyak.”
“At ano kapalit?”
“Simple lang ‘yan. Tutulungan kitang ayusin ang buhay mo. Tulungan mo akong ayusin ang SME. We need someone who knows the company very well! Someone who…”
“Sir, babayaran mo pa rin ako dito di ba?”
“Oo naman! Deal?” sabi ni Junmyeon habang inaabot ang kamay.
“Deal.”
HUMANAP NG KARAMAY
Di ka nag-iisa
Tumungo sila sa gusaling kung saan mahahanap ang condo ni Kai. Nang makarating sila sa kuwarto ni Kai, kumatok si Junmyeon. “Kung mapapirma natin si Kai, madali nang kausapin ang mga ibang artists natin.”
“O, eto,” sabi ni Junmyeon habang inaabot ang suot niyang shades kay Kris. “Para hindi naman magmukha kang nakakahiya sa harap ng mga client.”
“HEARTBROKEN AKO, DI BA?” halos isigaw ni Kris.
Umirap si Junmyeon, habang pinipindot ang timbre ng condo unit. “Pero hindi kailangan malaman ng buong mundo iyon, di ba?”
Wala nang masabi si Kris at bumukas ang pinto, isang babaeng matangkad na payat at pula ang mahabang buhok ang lumabas.
“Oh! Kris, andyan ka pala!” bati nito paglabas niya ng kuwarto, may dala-dalang tray. “Kasama niyo ba si Sir Sehun? Kasi humihingi siya ng meeting mamaya.”
“Hi Taemin! Kamusta na po kayo?” bati ni Kris. “Ito nga pala ang bagong CEO namin, si Junmyeon Kim. Anak at kapalit ni Sir Kibum.”
“Nice to meet you, sir! Hmmm,” pinagmasdan ni Taemin si Junmyeon mula ulo hanggang paa. “Guwapo, check! Matipuno, check! Maganda ang ngiti, check! Mabango, check! Kaya lang di gaanong katangkad, pero keribells lang!”
“Taemin naman,” bati ni Kris habang sinusubukan pigilin ang tawa habang nakasimangot si Junmyeon noong binati ang kakulangan niya sa tangkad. “Hindi lahat ng lalaki basketbolista/football player/model tulad ng Minho mo.”
“Well, kung sa bagay. You can’t have it all,” sagot ni Taemin sabay hair-flip bago naging seryoso ang mukha. “Napadaan kayo?”
“Kakausapin kasi namin si Kai tungkol sa contract niya,” sagot ni Junmyeon. “Hindi na namin kasama si Sehun, by the way.”
Habang nag-uusap ang dalawa, napalingon si Kris sa tray na inilabas ni Taemin. “Hah? Bakit ang daming basag na baso at bote dito?”
Napa-buntonghininga na lang si Taemin. “Hay nako. Medyo, wasak pa rin kapatid ko. Ay, speaking of my brother, wait lang. Tingnan ko kung ayos na siya. Sige, dito muna kayo sa sala.”
Nang umalis si Taemin sa kuwarto, biglang tiningnan ni Junmyeon si Kris at sinabing, “Do you follow Kai?”
Lumaki ang mata ni Kris sa tanong na ito. “Sir, alam kong seryoso ako sa trabaho ko, pero di ako stalker!”
Imbis na manahimik si Junmyeon, inirapan lang niya si Kris. “Follow him on Twitter ang ibig kong sabihin, Kris.”
“Hindi. Wala naman akong Twitter. Aanhin ko naman iyon?”
“Eh Instagram, meron ka ba?”
“Wala rin. ‘Yoko ngang magpaka-sell out.”
“Please tell me may Facebook ka, Kris.”
“Hoy, Sir Junmyeon, naman. Di ako ganoong ka-out of touch sa mundo. Meron akong FB,” banat ni Kris. “Wala lang ako masyadong friends doon.”
“My God, Kris. Requirement sa trabaho mo ang maging updated sa mga worldwide trends. Hindi mo ba alam na heartbroken si Kai ngayon? At usap-usapan ‘yan sa mga social networking sites?” bulong ni Junmyeon. “‘Move on, Kai’,‘Bitter si Kai’, ‘Grow up, Kai’, ‘Dancer in Distress’ lahat ‘yan trending topic dito at worldwide!”
Mukhang hindi pa tapos si Junmyeon, pero biglang narining nila ang tinig ni Taemin muli. “Kris, Sir Junmyeon, I give you Kai!”
Ang tagal na mula noong huling nakita ni Kris si Kai. Grabe ang ipinayat ni Kai, at sa unang pagkakataon, balot na balot ito sa damit. Kadalasan kasi, may pagka-hubadero itong si Kai tuwing sumasayaw. Ngayon, naka-jacket siyang itim, pantalon na itim, at tsinelas. May shades siyang suot, marahil para itago ang namamagang mata.
“Ate Taem,” bulong ni Kai. “Pahingi ng chicken.”
“Hoy, kapatid mo ako, hindi yaya. Umayos ka nga diyan, Jongin,” banat ni Taemin habang dinampot ang basket ng fried chicken sa harapan ng kapatid.
Lumaki ang mata ni Kris. Sa lahat ng pagkakataong nagkasama sila nila Kai at Taemin, ngayon lang nila narinig tawagin ni Taemin ang kapatid gamit ang tunay niyang pangalan. Hindi magugulat si Kris kung sasapakin ni Taemin ito sa inis balang araw.
Mukhang hindi rin niya pinakikinggan ang mga sinasabi ni Sir Junmyeon at panay ang kain ng chicken nito.
“Di ko pa yata kayang isipin ito…” sabi ni Kai.
“Uhm, excuse me?” tanong ni Junmyeon, habang nakatingin kay Taemin.
Tumayo si Kai mula sa kinauupuan. Akala ni Kris na mag-wowalk-out ang lalaki, pero di niya inasahan ang susunod nitong gagawin.
"Nang ika’y ibigin ko
Mundo ko’y biglang nagbago
Akala ko ika’y langit
Yun pala’y sakit ng ulo
Sabi mo noon sa akin
Kailan may di mag babago
Naniwala naman sa iyo
Ba’t ngayo’y iniwan mo”
Hawak ni Kai ang chicken drumstick na kinakain niya parang microphone. Tiningnan niya ang mga mukha ni Taemin at Sir Junmyeon, na para bang di nila alam kung sila’y naaaliw o naiinis. Bakit pa kasi kailangan itong kantang ito ang pinili ni Kai?
“Theme song ko kay Chanyeol ito,” bulong ni Kris sa sarili niya. Sasabayan na niya sana si Kai, kung hindi para sa kamay ni Sir Junmyeon sa kanyang braso.
“Kris, huwag,” bulong ni Sir Junmyeon, habang lalong humigpit ang kapit sa kanya.
Napabuntong hininga si Kris at pinagmasdan niya ulit si Kai, na mukhang nagmamash-up ng dalawang kanta. Naman oh, kailangan sapul pa rin sa nararamdaman ni Kris ang mga piniling kanta ni Kai.
“Nang ma-in love ako sa 'yo kala ko'y pag-ibig mo ay tunay
Pero hindi nagtagal lumabas din ang tunay na kulay
Ang 'yong kilay mapagmataas at laging namimintas
Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas
Para kang sphinx, ugali mo'y napaka-stinks
Kung hiyain mo 'ko talagang nakaka-shrink
Girlie biddy bye bye, don't tell a lie
Bakit mo ako laging dini-deny”
“Bahala na,” binulong ni Kris sa sarili niya bago tumayo at lumapit kay Kai. Inakbayan siya ng lalaki, habang inaabutan siya ng chicken drumstick na puwedeng microphone.
“Di mo alam dahil sa yo
Ako’y hindi makakain
Di rin makatulog
Buhat ng iyong lokohin
Kung ako’y muling iibig
Sana’y di maging katulad mo
Tulad mo na may pusong bato!”
Wala nang pakialam si Kris sa kung ano man ang sasabihin ni Sir Junmyeon. Palibhasang pusong-bato ito, kaya’t ganyan na lang siya kung makapigil kay Kris, tapos etong si Taemin, perfect ang love life. Si Kai ang unang taong kilala niyang talagang nakakaintindi ng kanyang nararamdaman mula noong nag-break sila ni Chanyeol. Basta, ang alam niya, pareho sila ni Kai na heartbroken at kailangan nilang ilabas ito. Mahirap ang magbuhos ng hugot at sama ng loob mag-isa, at lalong mas mahirap makahanap ng karamay. Palibhasa, lahat ng tao, gusto ka nang mag-move on agad. Eh paano ka naman uunsad kung ayaw ka nilang damayan sa oras ng kadiliman? Hindi ba puwedeng may period of mourning bago mag-move on nang tuluyan?
“Buhay ko ay nag-iba simula nang makilala ka
Every hour, every minute, nais kang makita
Halos 'di kumain makausap lang sa phone
Between you and me until the break of dawn”
“Sabay natin tapusin ito, Kris!” sigaw ni Kai, na ngayon sumasayaw-sayaw na rin pag si Kris ang nagra-rap.
“(Stupid) Love, soft as an easy chair
(Stupid) Love, fresh as the morning air
(Stupid) Love, love that is shared by two
(Stupid love) I have found in you”
Nang matapos nina Kris at Kai ang kanta, inakap nang mahigpit ni Kai si Kris habang umiiyak. Habang hinihimas ni Kris ang likod ng Jongin, biglang naalala niya ang mga pinayo sa kanya ni Sir Junmyeon.
“Alam mo, Kai,” sabi niya habang inaakbayan ang lalaki. Sana maging effective sa bata ang unti-unting gumagana sa kanya. “May nagsabi sa akin na ‘Hindi na ako iiyak’ at pinapaniwalaan ko iyon. Repeat after me: Hindi na ako iiyak.”
“Hindi na ako iiyak?” binulong ni Kai habang nakatingin sa sahig.
“Oo! Hindi ka na iiyak.”
“Hindi na ako iiyak?”
“Hindi ka na iiyak,” sagot ni Kris.
Mukhang unti-unting naniniwala si Kai sa mga sinasabi niya.
“Hindi na ako iiyak?”
“Hindi ka na iiyak,” sagot ni Taemin mula sa couch.
“Hindi na ako iiyak.”
“Hindi ka na iiyak!” tugon ni Junmyeon.
“Hindi na ako iiyak.”
“ISIGAW MO, KAI!”
“HINDI NA AKO IIYAK!” sumigaw si Kai sa bintana.
Nang maging kalmado na si Kai, inakap niyang muli si Kris, pero ngayon, nakangiti na ang rapper/dancer.
“Salamat, Ate Kris. After one year ng breakup namin, ikaw lang talaga ang nakakaintindi sa akin,” bulong nito. “Si Ate Taemin, feeling ko naiinis na sa akin kahit na pinagpapasensyahan niya ako, tapos lahat ng tao tinatawag akong ‘Dancer in Distress. Di lang naman ako robot para pagnasahan ng mga babae at mga baklang tulad ko. Tao rin naman ako ah… Nagmamahal at nasasaktan… Salamat talaga, Ate Kris.”
May narinig siyang umubo sa likod nila. Nakita nila si Sir Junmyeon, na may hawak na folder. “Ayoko manira ng moment… pero… tungkol sa kontrata mo, Kai?”
Nagtinginan ang magkapatid. “Pag-iisipan ko po muna ito, Sir Junmyeon,” sagot ni Kai, habang tinatanggap ang folder kay Junmyeon.
“Sige, Kai, Taemin. We’ll call you back in a week regarding the contract.”
“Sige po! Mauna na kami,” sabi ni Kris nang umalis sila ni Junmyeon sa condo ng magkapatid. Nagdadasal siya na sanang makahanap si Kai ng taong magpapaligaya sa kanya.
“KRIS! WHERE’S MY BUBBLE TEA?!”
Lumingon silang dalawa at nakita nila si Sehun na papasok ng building na may bagong kasamang lalaki.
“Uh… Sir Sehun,” bati ni Kris, nararamdaman niyan ang biglang pagka-awkward sa dating amo.
“I miss you, Kris. Wala na akong inaaway ngayon. Oh, so you’re working for Junmyeon now?” tanong nito na para bang nandidiri kay Junmyeon.
“Yes.”
Hindi nila alam kung anong nakakatawa pero biglang tumawa si Sehun. “Nice move, Kuya Junmyeon,” bati nito habang inaakbayan si Junmyeon. “She’s exactly what idiots like you need. Magaling siya, sobrang pangit lang.”
Tinanggal ni Sehun ang braso sa mga balikat ni Junmyeon at naglakad papunta sa condi unit nina Kai. “Why do you even care, Sehun?” tanong ni Junmyeon.
“I don’t,” sabi ni Sehun naka-ngisi “I just like ruining your day. Bye losers!”
Nagbuntonghininga na lang si Junmyeon at naglakad paalis. “Let’s go,” bulong nito kay Kris, pero hindi gumalaw si Kris dahil may iniisip siya.
“Kris?”
“Pangit ba talaga ako, Sir?”
MAGPA-MAKE OVER
Hindi ito laging effective, pero at least, magagandahan ka sa sarili mo ulit
“Good job kay Kai last week, Kris,” bati ni Junmyeon habang kumakain sila ng tanghalian sa malapit na mall. Mamahalin ang restaurant, pero libre daw ni Junmyeon, kaya siya na rin daw bahala sa order nilang dalawa.
“Pero seryoso. Kung ma-convince nating si Kai na pumirma ulit sa atin, madali nang kausapin ang ibang artists natin…”
Napangiti si Kris. Ito ang unang pagkakataong nakita niyang masaya si Junmyeon. “Sir Junmyeon naman, sus. Wala iyon. All part of the job lang.”
“Which leads me to another topic,” sabat ni Junmyeon. “Wala ka ba talagang magagawa sa buhok at damit mo, Kris?”
“Excuse me, Sir Junmyeon. Eto na yata ang best look ko!”
Bago pa makatugon doon si Junmyeon, narinig ni Kris na nag-ring ang cellphone niya.
“Ba’t kaya tumatawag ang baklitang maldita?” bulong nito sa sarili bago sagutin ang tawag.
“Hi Ate. Nasaan ka?”
“Hoy, Yixing. Umayos ka nga. Kumakain ako kasama ng boss ko.”
“Ah, ganoon ba? Asan nga?”
“Kasama ang boss ko! Ang kulit mo! Bakit ba?!”
“Weh, di nga. Sinungaling ka!” at nakaramdam si Kris ng kurot si gilid.
Nakita ni Kris na nasa likuran niya ang nakababatang kapatid kasama ng mga kaibigan nito. “Diyos ko, anong ginawa ko para parusahan mo akong ganito?” inisip ni Kris.
“ARAY. PUNYETA-Anong ginagawa mo dito?” tinanong niya sa kapatid.
Hindi siya pinansin nito at dumiretso agad kay Junmyeon. “Hi, I’m Yixing, Kris’ younger sister, although I look like her brother. This is Taozi and this is Lulu. And you are?” Nakapamewang si Yixing habang ang isang kamay hawak ang kanyang bubble tea.
“Junmyeon. Nice meeting you,” sagot nito habang nakipagkamay sa kapatid.
“Junmyeon, huh?” sagot ni Yixing. “Can I just say, mas hot ka kay Kuya Chanyeol by a long shot although maliit ka.”
“Lord, kunin niyo na ako…” binulong ni Kris sa sarili habang ninanais na lunukin na lang siya ng sahig at hindi na magpakita muli. Buti na lang hindi naman mukhang na-offend si Sir Junmyeon. Kung mawalan siya ng trabaho dahil sa katarantaduhan ni Yixing, babarilin ni Kris kapatid niya pag-uwi nila sa bahay.
Nanahimik na lang si Kris kumain kasama nina Lulu at Taozi imbis na pakinggan kung ano man ang pinag-uusapan nina Junmyeon at Yixing. Marahil kung ano-anong sinasabi na ni Yixing tungkol sa kanya. Palibhasa madulas ang dila ng kapatid niya. Balang araw, siya na talaga ang magsasabi sa mga magulang nila ang tunay na katauhan ng kapatid niyang ‘yan.
“Actually, Sir, tama kayo tungkol sa Ate ko,” biglang narinig ni Kris.
“HOY. ANO ‘YAN?” sinigaw ni Kris, walang pakialam kung sino ang nakakakita sa kanila.
Inirapan lang siya ng nakababatang kapatid habang nakahawak sa mga braso ni Kris sina Taozi at Lulu.
“Wala lang. Sinasabi ko lang kay Sir Junmyeon na ako mas maganda sa ating dalawa, Ate,” sagot nito bago tumingin kay Sir Junmyeon ulit.
“Anyway, Sir, as I was saying, tama kayo tungkol sa istura ni Ate. Ang problema, ako lang ang may angal tungkol dito. Sina Mama at Papa, OK lang silang ganyan si Ate. At wala namang gustong mamintas sa kanya sa mga kapitbahay namin kasi siya ‘yung mabait sa aming dalawa.”
“Ang bastos mo talaga, Yixing. Humanda ka pag-uwi natin,” bulong ni Kris habang nilalamon ang steak niya.
Hindi na nakatingin si Junmyeon sa kapatid. Instead, may kinukuha ito sa pitaka niya. Lumaki ang mata ni Yixing nang iniabot ni Junmyeon sa kanya ang isang itim na credit card.
“Yixing. Since pareho ang iniisip natin, you know what to do. Here’s my card,” sabi ni Junmyeon. Mukhang hindi pa siya tapos at may kinukuha pa siya. Isang calling card naman. “Look for Baekhyun Byun. Tell her Code Lightswitch Dance; Suho has come to collect his payment.”
“Aba, may code talagang nalalaman, pero sige, Sir. We’ll do our best!”
“I know you’ll do well. And make sure i-confiscate niyo phone ng Ate mo. Ayokong guluhin niya ako hanggang tapos na kayo.”
“Sir! Yes, Sir!” sagot nina Yixing, Lulu, at Taozi habang sumaludo sabay kindat.
“Tara?” tanong ni Junmyeon.
May masamang pangitain si Kris kung sila tutungo, pero ayaw niya munang isipin. Nagkatotoo nga ang mga hinala niya nang tumigil sila sa harapan ng isang shop.
“At anong ginagawa natin dito?” tinanong ni Kris kay Junmyeon na mukhang iiwanan siya doon.
Tumawa lamang si Junmyeon. “Good luck and have fun, Kris. Huwag kang tatawag hanggang tapos ka na. Kung may emergency, bahala na si Yixing sa’yo.”
“SIR NAMAAAAAN” sigaw ni Kris nang kumaway si Junmyeon at umalis.
“Hoy Sir Junmyeon!” sigaw ni Kris sa paalis na amo. “Huwag mo akong iwan kasama ng mga baklitang ‘to!” Nakaturo siya sa kapatid na nakikipag-usap sa manager ng tindahan at ang mga kaibigan nitong tumitingin ng damit. “Kung ano pa ang gawin nila sa akin!”
“Ate, stop, please,” sabi ni Yixing habang sinampal ang ate. “Nakakahiya ka na, at besides, di ka naman namin kakatayin.”
Tumingin siya kina Taozi at Lulu na nakahanda nang iawat silang magkapatid kung may mangyari, si Taozi mas malapit sa kanya habang si Lulu nasa tabi ni Yixing. Sana mabibilis sila kumilos at balak niyang sakalin ang kapatid.
Nakarinig siya ng high heels na tumutunog sa sahig. Napatingin sila sa bagong dating na akala mong rumarampa sa Fashion Week. Maliit na babae na akala mong model kasi parang bagong pa-style ng mahabang buhok nito. Tapos ang suot, itim na crop top, puting shorts, at sobrang taas na takon. Pero ang pinakakapansin-pansin ang kanyang makapal na eyeliner. In fairness kay ate, bagay naman sa kanya. Feeling ni Kris kung siya nagsuot niyan, pagtatawanan lang siya. Besides, baka patayin siya ni Papa.
“Hi, I’m Baekhyun Byun. I’ll be your stylist and makeup artist for today.” bati ng babae, naka-ngiti sa kanila. “Which one of you is Kris?”
Naaartehan si Kris sa boses niya, pero mukhang ayos lang kina Yixing, so hindi na siya aangal.
“Kris,” sabi niya, inaabot ang kamay kay Baekhyun.
“Kris…” inulit ni Baekhyun na nakatingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Kahit na mas maliit si Baekhyun (with heels na ‘yan ah!), feeling ni Kris na nanliliit siya.
Nagbuntonghininga na lang si Baekhyun. “Look like we have A LOT of work to do.”
Habang kinakaladkad si Kris ng kapatid sa iba’t-ibang shop, kailangan pa niyang pakinggan ang pagdadakdak ng stylist. Bakit ba kasi kailangan may problema ang mga tao sa itsura niya? Nagagawa naman niya nang maayos ang trabaho niya. Pagbibigyan na nga lang niya sina Yixing at Junmyeon para wala nang away.
“Ano ‘yan?!” tanong ni Kris. Hindi niya type ang hawak ni Baekhyun. Ang laswa tingnan, lalo na’t kita ang tiyan niya sa top at mukhang pantulog pa ang pantalong hawak ni Baekhyun.
“Damit, Ate. Duh,” sagot ni Yixing. “Suotin mo kasi.”
“Naman oh,” bulong ni Kris sa sarili habang tinutulak siya ni Taozi sa dressing room.
“Uy! I like it!” sagot ni Yixing nang lumabas si Kris sa dressing room. “Teka, kunan kita para makita ni Sir Junmyeon!”
“HAH?!” tanong ni Kris habang kinukunan siya ng kapatid.
“For something a little bit more corporate, throw on a blazer as it automatically adds sophistication to any outfit.” sabi ni Baekhyun, habang inaabutan si Kris ng panibagong damit. “Make sure you have one in several colors: a black one for high-profile formal meetings; a white one for something a little less uptight, and a few colored ones for daily use. Colorful blazers pair well with all your work-wear staples.”
“Sakto! Meron akong lumang striped na blazer na ni-retire ni Tita Liyin!” napa-ngiti si Kris. “At least di na ako gagastos.
If anything, sobrang worth it ang naging itsura nina Baekhyun at Yixing nang marinig nila ang mga salitang “pamana,” “Tita,” at “retired.”
“Oh no, you don’t, Kris,” sabi ni Baekhyun na parang nagbabanta sa buhay niya. “I don’t like the sound of that. In fashion, anything that has the combination of “aunt,” “retired,” and “hand-me-down” usually does not bode well. Trust me.”
“Oo nga, Ate. Besides, ang cha-chaka ng mga bigay ni Tita Liyin ‘no,” sagot ni Yixing, habang nakasimangot. “Anyway, bagay sa’yo ang sleek, elegant, high fashion! Sayang ‘yang tangkad mo. Ilabas mo ang inner supermodel mo, sissums! Something along the lines of Alexander McQueen o Marni. Di ba, Ate Baekhyun?
“Hay nako, Xing. Masyadong sosy ang ang taste mo,” sabi ni Taozi habang may hawak na leopard-print na shorts para kay Kris. “Mas bagay kay Ate Kris ang loud, colorful na prints! Kasi ganoon naman ang sense of humor niya. Medyo malabo, pero once ma-gets mo, sobrang agaw-pansin. Parang Versace lang!”
“Hindi!” sabi ni Lulu na may bitbit na sunglasses. “Alam niyo namang may pagka-old fashioned si Ate Kris, so why not let her go retro? Think 60s mod fashion, di ba? Ala Saint Laurent or Gucci fall/winter 2014! It’s vintage enough to suit Ate Krissy’s personality and puwede ring colorful enough without being too obnoxious!”
Sumasakit ang ulo ni Kris sa pagdadakdak ng kapatid at mga kaibigan nito. Halos mag-walk out na siya sa shop, kung hindi niya naramdaman ang malambot na kamay nii Baekhyun.
“Kris, alam mo… I can dress you up as they wish, pero ang pinaka-importante sa lahat,” bulong ni Baekhyun. “What do you want?”
Ito na ata ang unang pagkakataong hindi nainis o nartehan si Kris sa boses ni Baekhyun buong araw.
“Ikaw bahala,” patampong sinabi ni Kris na halos nakasimangot na. “Wala naman akong alam sa fashion o styling. Daming rules.”
Narinig niya ang mahinang tawa ni Baekhyun. “Kris, kahit na maraming dos and don’ts ang pagdadamit, the most important thing is that it reflects your best self, while being appropriate for the occasion or purpose. So, kahit anong sabihin ng lahat-mapa-Yixing o kahit si Junmyeon, ikaw pa rin ang masusunod. Say the word, and I’ll do it.”
Biglang napaisip si Kris. Ito ang unang pagkakataong hindi siya nainis sa mga taong matagal na siyang pilit na pinapag-ayos. Wala naman kasi siyang nakikitang kailangan ayusin dati, pero mula noong nag-break sila ni Chanyeol, napag-isipan din niya na kulang pala ang pagiging totoo sa sarili mo. Minsan, kailangan mo rin makibagay sa standards ng ibang tao, lalo na sa itsura mo.
“Uhm… siguro… I’d like to still look like me, only better,” inamin ni Kris sa sarili niya at kay Baekhyun. “I mean, simpleng tao lang naman akong mahilig sa music at gusto ko komprotable ako sa mga sinusuot ko. Di naman ako ang tipong magsusuot ng mga suot mo, Baekhyun… Gets ba?”
Hindi inasahan ni Kris ang ngiti ni Baekhyun. Akala niya imposibleng gawin siyang matinong tao ng maarteng stylist.
“Malamang ‘di mo carry mag-crop top. Kung shorts nga, mukhang di ka comfy-kahit na mahaba ang legs mo,” sabi ni Baekhyun, na mukhang biglang nawalan ng problema. “Pero I think I know what style suits you! Tara!”
Sinundan ni Kris si Baekhyun at tinitingnan lang niya kung ano-ano ang mga kinukuha ng babae. Isang printed na maxi dress, isang malambot na knitted sweater, at ankle boots ang inabot ni Baekhyun sa kanya. Tingnan ni Kris nang maigi ang mga damit bago siya pumasok sa dressing room at sinuot ang mga ito.
Paglabas niya, mukhang pinapaliwanag ni Baekhyun ang peg kina Yixing. “Pinili ko ang boho chic style para sa kanya since mukhang mahilig siya sa flowy and malambot na tela. Besides, komportable siya na hindi masyadong revealing. Parang Valentino spring/summer RTW. So, what do you think?” tanong ni Baekhyun nang mapansin niyang nasa labas na si Kris.
Napa-ngiti si Kris kay Baekhyun at sabay thumbs up dito. “This is so my style.”
“Teka! Mas maganda ang outfit mo with this,” sabi ni Baekhyun habang sinusuotan ang braso ni Kris ng cuff na gawa sa kahoy. “When it comes to bohemian jewelry, the more unique, the better. Find pieces made from natural elements like wood, coral, turquoise, feathers, or even suede.”
Ngayong alam na nila ang style ni Kris, mukhang napadali ang buhay ng iba at panay bili nila ng mga maxi skirt, maxi dress, mga knitted na sweater at jacket, floppy hat, mga materyales panggawa ng kung ano-anong head wrap, scarf, flared na pantalon, tunic blouses, gladiator sandals, ankle boots, at kung ano-anong accessories, mukhang natapos na rin sila sa wakas.
Akala na Kris tapos na iyon at pagod na pagod na siya kahit masaya naman siya sa mga pinamili nila. Mabuti na lang at si Sir Junmyeon ang magbabayad ng mga ito at ayaw niyang isipin magkano ang kanilang nagastos. “Now we’re done with clothes, let’s work on makeup next,” sabi ni Baekhyun pagpasok nila sa isang salon.
Ayaw na ayaw pa naman ni Kris ang pumasok sa mga parlor, tapos heto pa, kinaladkad siya ni Baekhyun sa isang mamahaling salon. Habang mukhang sumalangit na sa tuwa sina Yixing sa mga libreng beauty tips na ibinibigay ni Baekhyun sa kanila, feeling naman ni Kris, kalbaryo ang kanyang pagdadaanan.
“ Ano nga ba ang skincare regimen mo? Since mukha ng inaalagaan mo naman ang balat mo, I guess di mo masyadong kailangan ng makapal na makeup,” sabi ni Baekhyun. “Ayos ka na sa CC cream, BB cream, eyeliner, mascara, at lipstick.”
“Ah, Safeguard lang.” sagot ni Kris.
“Seryoso? Wala ka man lang toner o moisturizer? Nako. Magbagong buhay ka na. Kailangan mo ng at least tatlong steps sa skin-care regimen mo: cleansing, toning, at moisturizing. Kung madalas ka sa araw, huwag mong kalimutang maglagay ng sunblock, at gumamit ka ng products na may SPF.”
Habang pagpapa-manicure ang kapatid (“Ooooh! Parang gusto ko ng unicorn nail art. Kaya po ba?” narinig niyang tinatanong ng kapatid sa naaaliw na manicurista), inupo naman siya ni Baekhyun sa harapan ng isang malaking salamin.
“Bakit kasi ang tangkad mo, Kris. Baba ka ngang konti!” sabi ni Baekhyun.
“Ano ‘yang hawak mo?” tinanong ni Kris at may sinulid na hawak si Baekhyun.
“We’ll be threading your eyebrows,” sagot ni Baekhyun, habang nakataas ang isang kilay. “Is there a problem?”
Lumaki ang mata ni Kris sa takot. “HUWAG. THESE WERE A GIFT FROM MY GRANDFATHER,” sabi ni Kris sa boses na feeling niyang pang-telenovela.
Mukhang di ito umepekto kay Baekhyun na mukhang nagpipigil ng tawa lamang. “Well, these have to go, baby.”
Tinanggap na lang ni Kris ang kanyang kapalaran. Hinayaan na lang niyang bawasan ang kanyang kilay, sa gitna ng pagpipigil ng luha dahil masakit magpa-thread ‘no!
Hindi lang iyon ang pinagdaanan niya at ang dami pa niyang nakitang mga instrumento, at naamoy niya ang nakakabuwisit na amoy ng dye na ginagamit ni Yixing kung nagkukulay ng buhok. Nakita rin niyang nilalagyan siya ng manicure. Mabuti na lang at simpleng peach na nail polish lang ang nilagay sa kanya. Mambabaril siya ng tao kung ginawa sa kanya ang mga nail art na gustong-gusto ng kapatid.
Matapos ng forever (at least sa pananaw ni Kris), nakita na rin niya ang sarili niya sa salamin. Tama nga ang hinala niya at may dye na ginamit, at ngayon BLONDE na siya, (“Patay ako kay Papa nito,” bulong niya kay Yixing na ngayon shocking pink ang buhok.) at medyo wavy na ang buhok niya imbis na ang dating stick straight na halos alambre na. In fair, mas mukhang malambot at shiny na ang buhok niya. At ang kilay rin niya, grabe ang binawasan sa kanya at ngayon may hugis na. Mabuti naman at simple lang ang makeup niya, at tamad pa rin siya at heart… kahit anong ayos ang gawin sa kanya.
“Anyway I guess my work here is done,” sabi ni Baekhyun mukhang napagod, pero ang laki ng ngiti niya. “I think we did a pretty good job, guys. Kris, tandaan mo, hindi facial wash ang Safeguard, ok?”
Hindi mapigilan ni Kris ang tawa habang inaakap si Baekhyun. “Maraming salamat, Baekhyun.”
“No problem. If you have any questions, or just want a shopping buddy, tell me!” sabi ni Baekhyun. “And that goes for you too,” dagdag niya habang nakatingin kina Yixing.
Nakita ni Kris na may tinatagawan si Yixing. “Hi Sir Junmyeon, tapos na po kami,” bati nito sa cell phone. “Oh? Andito kami sa fifth floor, sa may H&M. Ay! Wait! We can see you, Sir! SIR!”
Biglang may lumingon at naglakad patungo sa kanila. Naka-ngiti si Junmyeon na parang tulala. Pinagmamasdan niya si Kris mula ulo hanggang paa, at hinihimas na lang ni Kris ang braso niya para pigilan ang tumutubong goosebumps. At di pa tumutulong ang hiyawan nina Yixing, Taozi, at Lulu.
“Sir? Di pa kayo nakakita ng tao dati?” tanong ni Kris kay Junmyeon.
“Sir, card niyo po,” bati ni Yixing, habang inaabot ang card ni Junmyeon. “Uh? Sir? SIR?” bati nito noong hindi siya pinansin dahil nakatingin pa rin kay Kris.
“Ah, thanks, Yixing,” sabi niya habang binabawi ang card.
“Very good kami, ‘no?”
“Oo. Excellent job, Yixing.”
“Ay! Very good daw tayo! Apir!”
Nang matapos mag victory high-five ang tatlo, dagdag ni Yixing, “Anyway, since tapos na ang fairy godmother gig namin, at may lakad pa kami so alis na kami. Sir, kayo na bahala sa Ate ko. Byeeee!”
“HOY YIXING!” sigaw ni Kris sa paalis na kapatid. “UGH. Kukuha na lang ako ng taxi.”
“You will do no such thing. May pupuntahan pa tayo.”
“Hah? Asaan na naman iyan?”
“Basta. Trust me.”
MATUTONG LUMANDI
Eh ano kung maganda ka o pangit? Basta makapal enough ang face mong lumapit kay crush, solve ka na… (sana)
Nakita ni Kris na dinala na siya ni Junmyeon sa isang high-end na club. UGH. Kung may isang lugar na mas ayaw ni Kris kaysa sa parlor, iyon ang club. Puro na lang sila mga taong kung sumayaw, akala mo tigang na tigang na. Tapos ang mga suot… nagdamit pa sila? Paano kayong magkakaroon ng matinong usapan kung ‘di kayo magkarinigan? Hay nako. “Ang weird talaga ng ways ni Sir Junmyeon, pero sige. Fine,” bulong nito sa sarili.
Nasa VIP area sila ng club sa itaas, at kitang-kita niya ang lahat ng tao sa club. Pinanonood ni Kris ang pagsayaw ng mga tao nang biglang inakbayan siya ni Junmyeon.
“This is what you call the eagle eye shot,” biglang paliwanang nito. Halos hindi na marinig ni Kris dahil ang lakas ng music. “Look for your target. Observe. And go for the kill.”
“So ibig sabihin, Sir,” tanong ni Kris habang tinatanggap ang margaritan na inorder ni Junmyeon para sa kanya. “Kayo ang eagle at mga babaeng nasa ibaba ang prey niyo? Grabe. Napaka-sexist noon!”
Halos sumabit na si Kris sa railing ng VIP area nang pinagmasdan niya ang mga tao, at itinuwid lang siya ni Junmyeon para hindi mahulog. “Honestly, iisang bagay lang ang hinahanap ng lahat ng taong nandito ngayon,” bulong ni Junmyeon, ang mga labi masyadong malapit sa tenga ni Kris para masabing komportable siya.
“Sex.”
Halos madura ni Kris ang inumin niya. “SIR JUNMYEON NAMAN! Sex agad? Di ba puwedeng love muna? Marriage? Family planning?”
Tumawa si Junmyeon habang naglalakad papuntang dance floor. “Watch and learn, Kris. When I give the signal, you go down and follow.”
Umirap na lang si Kris at inisip na lang ang instructions ni Junmyeon. Hanap ng target… Sige. Wala siyang matipuhan sa mga lalaking nasa bar. Tuloy, kinuntento na lang niya sarili niya sa panonood kay Junmyeon makipag-usap sa mga babae. Hay bahala na, ayan na ang signal ni Junmyeon.
Bumaba na siya at tumungo kung nasaan si Sir Junmyeon. Sinubukan na lang gayahin ni Kris ang mga taong sumasayaw, pero feeling niya O.P. pa rin siya, base sa mga judging stares ng ibang tao sa club.
Lumapit siya sa unang lalaking nakita niya, “Hey, I’m Kris,” bati niya.
“Hi. Nice meeting you,” bati ng lalaki. For once, hindi masama ang tingin sa kanya. “Jino. Can I get you a drink?”
“Uhmm….” Paano siyang matututong lumandi kung hindi nga alam kung anong sasabihin? “Do you believe in love?”
“The fuck?”
“Ugh!” naramdaman ni Kris na mukhang hindi siya seseryosohin nito at pinili na lang niyang umuwi. Total, busy naman si Junmyeon sa maraming babaeng nakapalibot sa kanya.
“Lupa, kainin mo na ako nang buhay. Please lang. Lord…” bulong ni Kris sa sarili habang naglalakad papuntang sakayan ng taxi.
“Kris!” sigaw ni Junmyeon habang pasakay na ng taxi si Kris. “Anyare? Mukhang OK na kayo, tapos biglang…”
“Sir Junmyeon! Do you believe in love?” tanong ni Kris.
“Hay nako,” buntonghininga ni Junmyeon.
“Anong masama sa true love? Di na ba uso iyon ngayon?”
“Kris, hopeless ka. Tara, ihahatid na kita.”
“Kaya ko namang umuwi mag-isa. Di naman ako lasing.”
“Ihahatid na kita,” idiniin ni Junmyeon. “Di ko mapagkakatiwalaan ang itsura ng taxi driver na ‘yan. Tingnan mo oh.”
“Concerned?” kantsaw ni Kris.
Wala naman nakikitang masama si Kris sa mukha ng driver, maliban sa mga mata na mukhang may binabalak na biro at cheekbones na sobrang talim.
“Wait here, kunin ko kotse ko.”
Nang umalis si Junmyeon, nakita ni Kris na iritang-irita ang taxi driver niya. “Pasensya na po kayo, Kuya,” sabi niya dito.
“Kung maglalandian kayo, puwedeng kayo na lang, guys? Huwag niyo na akong idamay diyan,” sermon ng taxi driver. Mukhang di pa ito tapos nang hihingi ng paumanhin ulit sa Kris. “Paki sabi na rin sa crush mong ‘yan na denial ang first stage ng pagiging in love sa’yo. Agree man siya o hindi, kikiligin ka. Kaya puwede ba, huwag niyo na akong pestehin.”
Halos matawa si Kris. “Crush? Eh boss ko lang ‘yan eh.”
“Ayan! Den-i-al! Ang lalandi niyo!” sigaw ng taxi driver nang makarating si Junmyeon. “Kayo rin!” sinigaw niya sa magsyotang naglalakad sa tabi nila.
PART 2