I'm BAAAAAAACK

Jun 26, 2007 00:02

WARNING: This entry contains jargon and unnecessary bragging. Please restrain yourself from strangling the author.


Hindi ko ine-expect na maganda ang maging standing ko sa Regional Tournament ng Magic: the Gathering. Unang beses ko pa lang naman na sumali sa malaking tournament, after all. Bukod pa niyan, hiniram ko lang ang mga cards ko 15 minutes bago magsimula ang unang match. Sunud-sunod ang panalo ko, dahil na rin siguro sa swerte. Salamat sa aking deck na pinangalanang Sligh and Cunning™. May tatlong dahilan kung bakit ganun ang pangalan:

1) sinusundan nito ang isang malufetz na Sligh curve
2) ang mga creatures sa deck ay pawang binubuo ng mga maliliit na babae (elves, dryads and fairies, actually. ‘nuff said)
3) mas cool pakinggan ang Sligh and Cunning™ kaysa sa Green Beats (tunog chichirya) o kaya Mono Green Aggro (tunog baterya ng kotse). Dapat ang pangalan talaga ng deck ko ay Girls on Steroids™ o kaya Mono Gay Aggro Itech Vaklavush EVAR™, but I digress.

Para ka lang palang naglalaro ng Yugi-oh kapag tournament. Maniwala ka lang sa kapangyarihan ng pagkakaibigan at magkaroon ng tiwala sa puso ng mga baraha. Kausapin mo lang ang mga baraha mo, mag-alay ng limang kuting at isama mo na rin ang dugo ng iyong bunsong kapatid. Magmumukha ka lang tanga at satanista, pero mananalo ka.

Nung huli kong laban for standing kalaban ko ang current rank 1. Kapag nag-draw kami, pareho kaming pasok sa Top 8, thus pareho kaming may chance na sumali sa Nationals. Kapag tinalo niya ako, baka matanggal pa ako. Ganito ang naging conversation namin:

Ako: Pare, nasa rules naman na pwede nating gawing draw yung laro kapag wala naman tayong mage-gain, diba? I-draw na lang kaya natin?
Kupal: E ako, wala naman sa akin kung matalo ako e. Kung ido-draw natin, kailangan mo akong bigyan ng offer.
Ako: (panandaliang tumahimik dahil sa blatant implication na i-bribe ko siya) Hindi huwag na, laruin na lang natin.

....

At tinalo ko siya. Kupal. Ako tuloy ang nag-rank 1.

Simula ng oras na yun ipinangako kong hindi ako magbebenta o bibili ng laro. Meron akong dangal. Panalo kung panalo, talo kung talo. Magic ang nilalaro namin, hindi kung sino ang highest bidder.

Sayang lang dahil hindi ako nakapasok sa Nationals dahil natalo ako sa Top 8 play-offs. Pero para sa isang baguhan na may budget deck, pwedeng pwede na. Nagkaroon na ako ng pangalan sa larangan ng Magic. Mailalagay na sa internet ang decklist ko at kokopyahin ng mga hinayupak na hunghang. Sana kopyahin nila yung mga nonsense cards na wala namang ginagawa pero nilagay ko sa sideboard para kopyahin nila at isipin nilang meron akong hidden wisdom. MWAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Nakakataba sa puso ang mga comment na “Simple lang yung deck niya, pero ganda ng pagkakagawa.” O kaya “Ang galing niya maglaro, tol.” Masaya rin ang pakiramdam kapag may nagchi-cheer dahil sa mabangis na paly na ginawa mo. Lumalaki na ulo ko. Tama na. Ngayong nanalo ako, biglang nagka-say ang mga advice ko. Kanina lang yung mga dating binabatuk-batukan ako ay humihingi ng tips sa deckbuilding. Mga ulul.

Salamat sa lahat ng nagdasal para sa akin. Maniwala lang kayo sa kapangyarihan ng pagkakaibigan. Parang si Yugi.
Previous post Next post
Up