(no subject)

Aug 12, 2007 04:48

Break muna ako sa geek life ko. Nakakasawa rin pala ang buhay kung wala kang iisipin kundi Dungeons and Dragons(tm) at Magic: the Gathering(tm). Lalo na kung wala kang social life.

Lumabas kami nila Miguel, Jin, Bianca and Sandee last Thursday, and it was fun. Matagal na rin akong nagpaka-ermitanyo at pana-panahon na rin na maklabas ako ng bahay at maki-hangout sa mga kaibigan ko. Kapag kasama mo puro Magic players, it is all butch and male. Hindi na lalagpas sa boundaries ng magic ang pag-uusapan niyo, at pwede kayong maglaro ng isag buong araw na hini niyo alam ang pangalan ng isa't isa. Okay lang naman yun, pero minsan napaka...impersonal. Ewan.

Dapat talaga nagpe-playtest ako ng Magic ngayon, pero masyado nang tustado ang utak ko sa pag-kalkyula ng probabilities at pag-isip ng card theories na hindi ko naman alam kung gumagana. Kung kaya, eto nagsulat ako ng something.

I really can't write to save my life. Nyaha.

kung ang ulan ay katas ng mga prutas

Sinag-Araw

Sa isang ordinaryong araw, kumakaripas na dapat ng takbo ang mga estudyante ng mater Carmeli School sa ganitong oras. Umuusok na dapat sila sa pananabik na makauwi, maglaro ng Counterstrike o makipaglandia sa kanilang mga respective jowas. Yun lamang ay nangyayari sa mga araw na maaraw (redundant, alam ko). Kapag ganito ang panahon, para silang mga basang sisiw na nagkukumpulan sa guardhouse.

Itim ang langit, at malakas pa rin ang buhos ni bagyong Brenda. Sa kapal ng buhos nito hindi mo malalaman kung may sasagasa ba sa iyong kotse, kahit isang pulgada na lang ang layo nito.

Ako lang yata ang baliw na lulusob sa ganito kalakas na ulan. Kunsabagay, ako lang naman ang may dalang jumbo payong araw-araw. Pero hindi ibig sabihin na ang payong ko’y pinanghulma ata sa Great Pyramids ay immune na ako sa baha. Sa kasalukuyan iniisip ko kung ilang goldfish na ba ang maaring mamuhay ng matiwasay sa loob ng leather shoes ko.

“Rex!”

May tumawag sa pangalan ko, at bigla na lang may bumulusok na putting bagay na basa na may buhok (na basa rin). “Pasilong?”, sabi ni putting bagay na basa na may buhok (na babae pala). Kilala ko kung kaninong boses yun. Sinilungan ko siya kaagad ng jumbo payong ko, at binigyan niya ako ng ngiti ng pasasalamat.

Si Kathleen. Ang baaeng kaibigan ko mula Grade 4, at ang babaeng sinabihan ko ng tatlong cheesy na salita kamakailan lang. Pagkatapos ng insidenteng yun hindi kami nakapag-usap, at ito na yata ang aming pinakamahabang recent na conversation.

Dahan-dahan kaming naglakad na parang prusisyon ng zombies. Mas makapal pa sa buhos ng bagyo ang awkwardness ng sitwasyon. Gusto ko sanang itapon ang payong ko, murahin ang kalangitan at kumaripas papalayo, pero ayokong mabasa (masyado na nga akong basa e). Minsan magtatama ang mga braso namin, at ilalayo ko ag sa akin ng bahagya. Pilit kong ime-maintain ang 1 cm distance. Hindi ko alam kung bakit.

“Um…”, simula niya. Pinipili pa niya siguro ang dapat niyang sabihin.

“Hm?” Yep. Napaka-articulate ng sagot ko. Grabe.

“Bakit ang weird mo these past few days?”

Napasabi na lang ako ng isang malaking “Ha?” (isa na namang well-thought of na response). Ako, weird? Well, matagala na. Pero coming from a person na ang hobby ay mamulot ng dahon sa kalsada, mas weird siya ‘no.

Halos binulong niya ang mga salitang “Hindi ka kaya namamansin”, pagkatapos ay niyuko ang ulo na para bang nahihiya. Napapaba rin tuloy ang tingin ko, at napansin kong basang-basa talaga ang damit niya at-

STOP. Manyak ka, Rex. MANYAK MANYAK MANYAK. STOP IT.

“Ayaw mo kasi akong kausapin…?” Talagang hindi maiwasang gawing patanong ang tugon ko. Mahirap na.

“E sino bang may sabi?”



Hala, galit na ata. Tinikom ko na lang ang bibig ko at nilamon kami ng katahimikan.

Pinractice ko na ang sasabihin ko in case mangyari ang ganitong sitwasyon. Kesyo natakot akong maiilang ka sa akin. Na hindi na tayo katulad ng dati, at hindi na tayo magiging komportable sa isa’t sa forever. Natakot ako dahil arowana ka at ako’y hamak na kataba lamang. Dahil ikaw si Mewtwo at ako’y level 2 na Rattata. Dahil Starbucks girl ka at ako ang paboritong suki ng Charid’s carinderia. Et cetera, et cetera. Puro self-bashing na nagpapakitang meron akong mababang self-esteem, o masyado lang kitang itinataas. Pero kahit na.

Pinractice ko na ang lahat ng sasabihin, pero kahit sa imagination ko nagmumukha pa rin akong tanga.

Tinignan ko siya, at parang hinhintay niya akong magsalita. Tanginang mukha yan. Limang taon ko nang tinititigan ang mukhang yan pero hindi pa rin ako nagsasawa. Lord, help me.

“Kasi.”

“Kasi ano?”

“Hindi ko naman sinasadya e.”

“Ang?”

“Na… yun.” Aaminin ko na-madaldal talaga akong tao, pero sa mga oras na yun wala akong masabi. Dumaan na naman ang isang libong segundo ng katahimikang nakakarindi.

Humarap siya sa akin, at may maliit na ngiting namumuosa bibig niya.

“Bakit parang nagso-sorry ka? E hindi naman kasalanan yun, ‘no.”

Humina ng bahagya ang buhos ng ulan. Habang kami’y naglalakad, hindi ko na pinansin kung magkadikit ba ang braso namin o hindi.
Previous post Next post
Up