[fanfic] Mula sa Pahina ng Talaarawan ni Irie Jingi.

Apr 08, 2010 13:00

Title: Mula sa Pahina ng Talaarawan ni Irie Jingi.
Author: Marchy.
Characters: Horikoshi 1D
Rating: G
Genre: idk?
Disclaimer: These kids belong to their respective agencies and Johnny and whoever owns them.


Si Irie Jingi ay isang estudyante mula sa Horikoshi Gakuen. Salungat sa iniisip ng iba, tahimik lang si Jingi; Malayo sa role niyang si Jumbo sa Seigi no Mikata. Bagamat sikat na siya at nagaaral sa prestihiyosong paaralan, hindi siya mayabang at hindi masyadong nakakapukaw ng atensyon. Dahilan upang ma-curious kami tungkol sa kanya. Bihira siyang makitang kasama ang ~Holy Trinity~ ng 1D na sina Nakajima Yuto, Chinen Yuuri at Yamada Ryosuke.

Isang araw, natagpuan ng research team namin ang kanyang talaarawan sa ilalim ng puno kung saan madalas siyang mahanap. Na-curious kami at sinimulang basahin ang diary niya. Heto ang mga piling tala mula sa pahina ng talaarawan ni Irie Jingi.

06 April 2009 @ 02:30 pm
Unang araw ng klase. Nang malaman ko na ang mga kaklase ko ay “katulad ko” naisecure ako. Pakiramdam ko, di ako kasing sikat nila o kaya naman, hindi nila ako makikilala. Buti nalang, kaklase ko sila Mirai at Kamiki. At least, kahit papaano, may kakausap sa akin. Una kong napansin si Yamada Ryosuke. Matagal ko na siyang nakikita sa TV at kung san-san pa. Mukhang mayabang. As in feeling ko lumalakas yung hangin tuwing dumadaan siya. Tapos,kapag kasama niya yung 2 pa niyang ka-miyembro, kala mo cast ng Gokusen kung lumakad.

Isa pang napansin ko sa mga kaklase ko ay si Kawashima Umika. Sa mga girls, maliban kay Mirai, sa tingin ko, siya na yung pinakamaganda. Yun nga lang, sobrang daldal at sobrang magaslaw. Okay lang, ang cute nga eh.

So ayun. Kinukulit na ako ni Kamiki. Lapitan ko daw si Yamada. If I know, hihingin lang niya cellphone number nu’n.

23 June 2010 @ 05:22 pm
Sobrang sabaw ng araw na ‘to. Unang-unang subject, quiz agad. Binomials. Swerte ko, kasi malapit yung upuan ko kay Chinen. Tabi kasi sila ni Umika. So malamang dun ako umupo kung saan malapit sa kanya. Labo. Pinahiram niya ako ng ballpen. Ayun, awa ng diyos, nakakopya naman. Pasado na, bonding times pa sa crush ko. Nice.

Recess. Sinampal ni Chinen si Kamiki. Nakita niya kasing puro messages ni Kamiki yung laman ng inbox ni Yamada. Or something like that. ‘Di ko alam eh. Nakita ko lang. Pa-kwento ko kay Mirai mamaya. Sayang, di nakabawi si Kamiki. Lagot siya sa holy trinity pag-gumanti siya eh. Kawawa naman.

Dismissal. Sabay si Umika at Chinen lumabas ng classroom. Ouch lang.

14 February 2010 @ 03:46 pm
Valentine’s Day.
May usapan yung girls (and Kamiki) na magbibigay sila ng chocolates sa boys ng class. Imba.

Special yung binigay ni U kay C. No comment.

Ang kakaiba ay binigyan ni N si O ng roses. Kilig na kilig yung girls. Selos si S.

Wala ako sa mood magsulat.

12 March 2010 @ 07:28 pm
Last day of school.

Summer na. Mamimiss ko silang lahat. Sabi nila, yung section daw namin yung parang Golden Batch ng Horikoshi. Ewan ko sa kanila. Ang isang bagay na dapat malaman ng mga schoolmates ko tungkol sa batch namin ay tao din naman kami. Kung pwede ko lang ikwento lahat ng nangyari sa classroom namin the past year ikukwento ko. Yung relasyon ni Yamada at ni Nishiuchi at kung paano sila nagbreak. Paano naging si Mirai at si Yuto, pero nagbreak din. At kung paano nagkabalikan si Mirai at Yamada. Issue.

Nung birthday ni U, niregaluhan siya ni C. Ang labo nila or mabagal lang talaga ako. Parang sila na hindi. High school nga naman. Sana next year, break na sila. So I can make my move.

Itutulog ko nalang ‘to. Horikoshi, see you next year!

-END-

Oh god. I am not that weird, I swear.

fail fiction, asdfjkl, ano baaa, i cannot write for shit, don't look at me like that, okay what is this.

Previous post Next post
Up