Pamagat: Isang araw sa klase sa Pisika
Sumulat: AKO
Magkatambal: Yamada and Shida
PS: Anlakas ng loob kong magsulat ng fic habang nagkaklase. XD
"Frequency? Wavelengths? Ano daw? Wala akong maintindihan." sabi ni Ryosuke sa sarili habang hawak-hawak ang librong Conceptual Physics.
"Any questions class?" tanong ng teacher nila na busing-busy sa pagsusulat ng formula sa blackboard.
"None sir." Sagot naman ng klase kasama 'tong si Ryosuke na wagas kung ngumisi. Akala mo naman naiintindihan,
Mayamaya ay may naramdaman niyang may tumama sa kanya mula sa likod. Abot langit ang pagka-inis nito ng makitang isang crumpled paper pala ang binato. Kinuha niya to sabay lingon sa likod.
"Ano bang problema niyo, ha? Sino yung nagbato? Umamin na."
Deadma lang ang mga kaklase niya sa likod na lalong kinais nitong si Ryosuke. Binalik na lang niya ang kanyang atensyon sa pagkopya ng notes habang prinoproblema kung ano ang gagawin niya kung nagkataong may seatwork mamaya.
May tumapik bigla sa kanya.
"Ano ba?"
"Ako yon taba!" sabi ni Mirai na pigil na pigil ang pagtawa.
Umaliwalas agad ang mukha ni Ryosuke nang makita si Mirai.
"Mirai, Babe, bakit mo naman ako binato, ha?" malambing na tanong nito
Binatukan ni Mirai ang kausap. Natawa naman ang mga tao sa likod na nakakita.
"Ano ba? Wag mo nga kong tawagin ng ganyan. Marinig ka ni Sir" Sinulyapan niya yung teacher nila na tuloy pa rin sa pagsulat sa blackboard. "Tinapon mo na ba yung papel?"
"Paano ko matatapon kung makatayo pa lang, di ko na magawa?" Pilosopong sagot ni Ryosuke.
Paano nga naman niya gagawin iyon kung ang teacher nilang ito ay mas mahigpit pa sa pinagsama-samang prefect of discipline, guidance counselor at principal.
"Sumagot ka nga ng matino"
"Hindi ko nga natapon. Paulit-ulit? Unli?"
Hinampas ni Mirai si Ryosuke ng ubod ng lakas na napahiyaw ang loko. Napatingin tuloy si Sir sa kanila.
"Is there any problem? Ryosuke? Mirai?"
Ngumiti ng bahagya ang dalawa sabay sabing, "None Sir."
Parang nabunutan ng tinik ang dalawa nang nagbalik na ito sa pagsusulat sa blackboard na hindi na yata matapos tapos ang gustong ipakopya.
Nilabas ni Ryosuke yung papel.
"Ano ba kasing meron sa papel na 'to?"
Ngumisi lang si Mirai.
"Revise notes yan sa Physics. Kanina ko pa kasi napapansin na nawawala ka na sa sarili mo at baka bigla kang mag-evolve. Dinerive ko sa mas madaling equation yung mga formulas, para mas madali. Alam mo naman yang si Sir, puro pakopya lang, 'di man lang nag-eexplain"
"Ikaw na. Sige. ikaw na. Ikaw na magaling." Biro ni Ryosuke kay Mirai.
Sumimangot ang mukha ni Mirai.
"Akin na nga! Ikaw na nga 'tong tinutulungan eh."
Ngumisi lang ang loko sabay tago sa papel.
"Eto naman oh. Hindi na mabiro. Ang sweet at thoughtful mo talaga. Kaya mahal kita eh."
Napahagikgik sa tawa ang mga taong nasa likod. Hay. Mga tsismoso't tsismosa nga naman.
"Che. Ewan ko sayo. Bola." nahihiyang sabi ni Mirai pero deep inside kinikilig naman.
"Sus. Magtabi na nga lang kayo. Bakit pa kasi ako nandito eh. Naririnig ko pa tuloy yang mga kakornihan niyo." Pang-aasar ni Yuto.
At hayun na nga. Natawa ng pagkalakas-lakas ang buong klase. Kaya pala tahimik ang lahat dahil nakikinig na sa LQ nila. Natigil lang ang lahat ng biglang nagsalita ang teacher nila,
"Ryosuke, Mirai and everybody at the back...OUT!" sigaw nito.
"Sir naman eh..."reklamo ng ilan.
"OUT!"
Wala nang nagawa ang ang mga kawawang bata. Yung ilan masaya dahil nakalayas na sa classroom at yung ilan ay takot na baka magbigay nga ng seatwork yung terror nilang teaher. Mahirap pa naman bumawi dun.
"Hay. Ano ba yan." malungkot na sabi ni Mirai
"Ayaw mo nun? Magkakasama tayo ngayon dito tsaka makakausap pa kita ng matino. Okay ng mapalabas ng klase, basta kasama kita" paglalambing ni Ryosuke.
"AYIIIIIEEEEE! Ang sweet namaaaaaan" Sabat naman nung iba.
Lumabas uli ang teacher nila dahil sa ingay at sa kamalasan nga naman ay magkikita-kita silang muli sa DETENTION.