Pamagat: Regalo
Sumulat: Syempre ako. sino pa ba?
Magkatambal: Yamada Ryosuke at Shida Mirai
PS: Wala lang. sadyang trip ko lang gumawa ng tagalog fic dahil nosebleed na ko sa puro english. XD
Hindi maitago ni Yamada Ryosuke ang kanyang saya sa araw na ito. Paano ba naman, eh ngayon ang kanyang ika-labingpintong kaarawan. Sumisipol-sipol pa siya ng lumabas ng bahay at nagmamadaling pumasok sa Horikoshi Gakuen. Sabik na siyang makita ang kasintahang si Shida Mirai.
"Magandang umaga!" Sigaw ni Ryosuke pagpasok niya sa kanilang silid aralan.
"Magandang Umaga din!" ani ng kanyang mga kaklase na sina Yuri,Yuto,Kamiki at siyempre pa si Shida.
Agad niyang pinuntahan si Mirai at kinausap.
"Mirai, busy ka?"
"Oh? Bakit? Anong problema mo?"
"Grabe ka naman, sa tuwing kakausapin ba kita kelangan ganyan ang itatanong mo sakin?" simangot ni Ryosuke.
Nagtawanan ang kanilang mga kaklase. Ngumiti naman si Mirai. "Pasensya naman, ano ba gusto mong sabihin?"
"Hindi ba dapat ikaw ang may sabihin sakin ngayon?" tanong ng lalaki na wari'y naguguluhan.
"Ano ba 'yon?"
Parang binagsakan ng langit at lupa si ryosuke. hindi siya makapaniwala na nakalimutan ni MIrai ang kanyang kaarawan.
"Di bale na nga lang" buntong hininga ni Ryosuke.
"Sabi mo eh"
Buong araw na parang mukhang namatayan si Ryosuke. Naisip niya na imposible naman yatang makalimutan 'yon ni Mirai. Mag-uuwian na ay ganoon pa din ang estado ng kanyang pag-iisip.
"Hoy. Ano't nakatulala ka dyan? Tara na, uwi na tayo." Yaya ni Mirai sa kasintahan
"Wala. Tara na. " sagot ng binata
Halos walang imikan ang dalawa na parang nagpapakiramdaman. Tumigil bigla si Mirai at humarap sa kasintahan.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" tanong ni Ryosuke
"Eto naman, bakit ba ang init ng ulo mo? Meron ka ba ngayon?" bungisngis ni Mirai
"Anoo--"
"Joke lang. Ito naman hindi na mabiro.
"Wala ka ba talagang naaalala ngayon?" tanong uli ni Ryo.
"Wala nga."
Sumimangot uli si ryosuke na parang konti na lang ay iiyak na. Hindi tuloy napigilan ni Mirai ang humalakhak.
"Ano ba, nang-aasar ka ba talaga?"
Nagulat si Ryosuke ng makita niyang binuksan ni Mirai ang kanyang Bag at inilabas ang isang kahon.
"Akala mo ba talaga nakalimutan ko na?" Iniabot ni Mirai ang regalo kay ryosuke.
Ngumiti naman ang loko.
"Kasi naman eh!"
"Buksan mo na."
Binuksan nga nito ang kahon at tuwang-tuwa ng makita ang nasa loob nito. Isang scarf na sigurado siyang si Mirai ang gumawa.
"Salamat. Kaya pala mukha kang walang tulog."
Kinuha ni Mirai ang scarf sa kamay ni Ryosuke at isinuot leeg nito. Tinititigan naman siya ni Ryosuke habang ginagawa ito. Akala ni Ryosuke ay tapos na si Mirai ngunit nabigla siya nang siya'y hilain nito. Ngayon ay halos konti na lang ang pagitan ng kanlang mukha.
"Maligayang kaarawan!" bulong ni Mirai.
Ngumiti si Ryosuke at hinagkan si Mirai ng buong tamis. <3