What would you do if something you really love doing, that has brought you benefits, and has allowed you to become a different person for ONCE in your life...made you stand out as an individual, but is not accepted by your family alone
(
Read more... )
Comments 4
Reply
Reply
Ako? Hindi ko ito isusuko dahil sa kagustuhan ng iba. Ang mga bagay na ginagawa ko, ang nagbibigay sa akin ng sarili kong pagkatao. Ang mga napag-sanayan ko sa panahon ang naghubog ng kung sino ako ngayon. Maging masaya man ito o hindi, maging nakakabuti man o nakakasagabal.
Kung ang pagde-debate ang naglalabas ng lahat ng kagandahan sa 'yo, walang dahilan kung bakit mo ito ititigil dahil ayaw ito ng ibang tao.
Ang mga magulang natin kasi, gusto nila na lumaki tayo na may magandang asal...kaya minsan, tinuturuan tayo ng mga kaugalian na napag-sanayan nila. Oo, sabihin natin na ang mga kaugalian noon ay hindi na binibigyang-pansin ngayon, pero hindi ito dapat na bale-walain. Lalo na sa atin na mga ate at kuya, di ba? ^_^'
Tayo lang ang makakapagsabi kung ano ang makakabuti sa pagkatao natin, at hindi ang sabi-sabi ng iba. At nararapat lang yon na tanggapin ng ibang tao.
^o^' Kaya mo yan... ikaw pa! ^_^' malaki ang tiwala ko sa yo
Reply
Reply
Leave a comment