Paruparo

May 30, 2012 16:53


{ Filipino Fanfic }
Paruparo
Nakajima Kento X OC (Sheirmaine Caro)
Author's note: If you know Rizal's first crush (not his first love who was Segunda Katigbak), you're familiar with this. :) (Yeah, inspired story by the two cute couple (laughs))



Buwan ng Abril nang napagpasiyahan ng lola ni Kento na dalhin muna ang apo sa probinsya upang magbakasyon pasamantala. Bahagyang nalungkot si Kento sa nais ng kanyang lola sapagkat mas gusto pa nito gugulin ang bakasyon sa loob ng lungsod. Punto pa nito, baka 'di siya magiging masaya sa gitna ng kabukiran pero wala siyang magagawa kundi ang sumama.

Kung aalamin, ibang-iba ang pamumuhay sa probinsiya nila ikumpara sa nakagisnang pamumuhay ni Kento sa lungsod. Malimit ang mga nakatayong tindahan na sa katunayan ay nasa bayan pa ang sentro-pamilihan at kinakailangan mo pang tumawid ng isang bundok para matungo ang nasabing pook. Kunti laman ang mga bahay na mayrooong sariling telebisyon para pang-libangan at ang ba pa nga'y sa radyo lang nakatutok. Ilan lamang ang mga baryong nabibigyan ng sapat na kuryente at sa kasamaang palad, ang baryong tinutuluyan nila ay 'di kabilang sa binibiyayaan at tanging gasera lamang ang naghahandog dito ng ilaw t'wing sasapit ang dilim. Ika nga ni Kento, pakiramdam niya, bumalik siya sa lumang panahon.

Nagising mula sa pagkakahimbing na tulog si Kento dahil sa kaingayan na bati ng mga manok para salubungin ang umaga. Habang sa kanyang pag-uunat ay napagtanto niya na ilang araw na lamang pala ang pananatili niya sa probinsiya nila. Halo-halong emosyon ang dinadamdam niya sa mga oras na iyon. Pananabik at lungkot. Sabik sapagkat nais na nito masilayan ang sigla ng lungsod na kinalakihan at lungkot dahil 'di niya aakalain na magiging kulang pala ang araw ng bakasyon niya rito, kahit aminado siyang hindi siya nasiyahan nung una.

---

"Isang linggo na lang tayo rito, tinawagan ako ng nanay mo, pupunta raw kayo ng France.- wika ng lola niya habang inihahanda ang agahan para sa kanila ng apo niya.

"Ayos! Namimiss ko na rin maglaro ng online games!" diwang pa nito nang narinig ang magandan balita mula sa lola.

"Ito, palaging online games ang nasa utak. Kaya nga kita dinala rito upang kahit papa'no'y mawala sa isip mo 'yang mga bagay na iyan." pangaral pa ng lola niya sabay pabirong sundot sa ulo ni Kento gamit ang daliri nito.

"Nga pala apo, pupunta ako sa bayan, baka gusto mo sa akin ay sumama?" yaya pa nito sa apo habang pinagmamasdan itong masiglang kumakain. Sasagot na sana si Kento nang nagbago isip ng lola niya. "Ay, si Yuto na lang pala ang yayain ko. Naalala ko kailangan palang bumili ng bagong brief itong pinsan mo." patawang dugtong nito.

"Lola naman, ayaw mo 'nun, tutulngan kitang magbitbit ng pinamili mo."

"Asus, h'wag na. May bago nga pala kasing bukas na computer renting shop sa bayan, baka bigla ka na lamang maglaho." sabi ng lola niya at tumungo na sa sala at iniwan ang apong biglang nanabik nang nalaman ang tungkol sa shop.

Bandang tanghaling tapat nang pumunta na ang lola ni Kento at ang pinsan nito roon sa bayan samantalang si Kento ay nasa dalampasigan ng ilog upang maligo kasama ang mga nakakabatang pinsan niya at ang mga kalaro nito. Sa oras ding 'yon ay may nakasabay silang pangkat ng mga dalaga at iyon ang unang beses na nangyari ang ga'non mula nung unang araw na magkakasama silang maligo roon. Ang mga dalagang ito nga pala ay minsanan lang maparoon sa nasabing ilog.

Ilang minuto ang lumipas ay umahon at huminto si Kento sa pagtatampisaw sa ilog na ikinagulat ng kanyang mga pinsan.

"Kuya Kento!" iyak ng pinakabata sa kanila at nais pang makipaglaro sa binata.

"Aalis lang ako! Babalik din naman ako agad." wika nito sa pinsan at lumayo na sa ilog.

Sa totoo lang, 'di sanay si Kento maligo na kasama ang ilang kababaihan sa iisang lugar.

Kahit basang-basa pa siya ay naglibot-libot siya sa ilalim ng mga mataas at nagsisitangkarang puno na nakatanim sa lupang iyon. Habang mag-isang tinatahak ang 'di alam kung saan ang hangganang daan ay may narinig siyang nag-uusap, 'di malayo sa kinaroroonan niya.

"Baka hinahanap ka na ng mga kasama mo." malamig na boses galing sa isang matandang babae.

Buhat sa mga malalagong dahon ng mga nakatanim na halaman ay nakita ni Kento ang isang magandang dalagang lumabas mula roon. Narinig niya ang pangalan nito ay Sheirmaine, isang napakagandang pangalan para sa isang magandang binibini. Narinig din ni Kento na sinabi ng dalaga sa kanyang lola na bago siya pumaroon sa mga kasamagan niyang nauna na sa ilog ay manghuhuli muna siya ng paruparo.

"Ipagpaliban mo muna ang panghuhuli ng paruparo iha at baka lumamig na ang pagkain na pinapadala ko sa'yo." bilin ng matanda sa dalaga.

"Saglit lang po lola! May nakita na akong paruparo!" sabik na sagot ni Shermaine sa lola niya.

Huhulihin na sana niya ang paruparong may makukulay na pakpak ngunit hindi niya nahuli ang nabanggit na paruparo sapagkat natisod si Kento sa isang bato na ikinabulabog at ikinagulat ng paruparo kaya ito'y nakawala at lumipad sa malayo.

"Go...mena..sai" bitaw na salita ni Kento, huli na nang napagtanto niya na wikang Hapon pala ang nagamit niya upang magpaumanhin, dahil na rin siguro sa kaba.

"Ha?" malumanay na tanong ng dalaga sa binata na wari'y 'di naintindihan ang nasabi nito.

"Pa.. Patawad." napayuko na lamang si Kento at ayaw ipakita ang mukha niya na 'di namamalayan na ang pisngi pala nito'y namumula na. Si Kento ay napahiya at 'di na makapagsalita man lang, natatakot at baka buhusan siya ng sama ng loob ng dalaga. Sinubukan niyang tignan ang dalaga at tanging dalita lamang nito ang nasilayan niya sa napakaganda nitong mukha.

"Ayos lang.", ngiting sabi nito, ngunit dama pa rin ni Kento ang kungkot sa 'di sinasadyang pangyayari. "Sige. Lola, aalis na po ako!" sigaw na pagpaalam ng dalaga, kinawayan din niya si Kento, senyales ng pagpapaalam.

Bago pa makalayo si Sheirmaine ay may nakita si Kento na isang paruparo na kasing ganda rin ng binibini, at hindi na nagdalawang isip si Kento na hulihin ito para sa kanya, ngunit pagkatapos mahuli ni Kento ang paruparn ay hindi na niya nasilayan ni anino ni Sheirmain kaya ay pinakawalan na lang ni Kento ang nahuling paruparo. Para na rin niyang pinakawalan ang dalaga sa puso niya, isip nito.

Pabalik na sana siya sa ilog nang napansin niya sa hindi kalayuan si Sheirmaine na nangguhuli pa rin ng paruparo, ilang saglit lamang ay nilapitan ni Kento si Sheirmaine at laking gulat nito sa binata dahil inabutan siya ni Kento ng paruparo, dalawang parupapo.

"Para sa'yo... Sheirmaine" nahihiyang wika ni Kento sa dalaga. Ikinasaya naman nito ni Sheirmaine. "Salamat!" at dahil sa sabik ay niyakap niya ang binata. Agad naman bumitaw si Sheirmaine at kinuha ang paruparo na nahuli ni Kento (nakalagay pala 'to sa isang garapon, kung kayo'y nagtataka) at nilagay niya ito sa dala niyang garapon, pero bago pa maipasok ni Sheirmaine ang paruparo ay kumalas at lumipad ang isang paruparo. Ngumiti na lang si Sheirmaine at tumingin sa binata. "Anong pangalan mo?"

"Kento... Nakajima."

"Kakaiba ang pangalan mo iho." puri ng dalaga. "Saan ka tutungo? At... nakahubad ka pa? Galing ka po ba sa ilog, ginoo?" dagdag na tanong nito.

Mas lalong namula ang mga pisngi ni Kento sapagkat ngayon lang niya napagisip na naglilibot siya na walang suot pang-itaas, at... niyakap siya ng magandang dilag sa harap niya.

Hindi makasagot si Kento kaya nagsalita na lang ulit ang dalaga. "Tutal ay ginulat mo ang paruparo na sana ay nahuli ko na kanina at... nakatakas ang isa..." putol nito at bahagyang napalalim ang iniisip. "Ihahatid mo ako sa amin!" ngiting dugtong nito na ikinagulat ngunit ikinasaya naman ni Kento.

At dahil sa kasunduang ito'y inihatid nga ni Kento ang dalaga sa kanila at sila'y nagkamabutihan.

---

Kaya ganoon na lamang lungkot ang dinadamdam ni Kento nang ilang araw na lamang amg pananatili nila sa probinsiya.

"Sana, pagbalik ko, makita ko ulit siya... at maipahiwatig ko sa kanya ang nararamdaman ko mula nung una ko siyang nakita."

{nakajima kento, {filipino, {fanfic

Next post
Up